Gusto ko lang sana ishare to dito kase wala na akong ibang magpagsabihan at alam kong di nila maiintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Bigla nalang ako inignore nung last relationship ko bago pa sumapit ang pandemnia. Sobra kong dinamdam yung pangyayaring yun kase mahal na mahal ko yung babae at ka batchmate ko sya sa school. 1 year nang sumasapit ng di nya nako kinausap at nakablocked nako sa lahat ng contacts nya. June 2020 – nagkaroon ako ulit ng bagong kausap sa messenger, una mahirap kung pano magwowork yung usapan namin kase mahal ko pa yung last relationship ko at alam kong galing din syang break up sa bf nya. Kinikwento nya sakin na ang dahilan ng hiwalayan nila ay third party na di nya kaya sikmurain. Sumapit ang Bermonths naging okay kame, yung tipong di ko na kaya lumipas ang maghapon na di ko sya nakakausap at ganun din para sa kanya. Mula umaga hanggang gabi nag-uusap kame at na handle naman namin yung pag-uusap sa buong araw kase kasagsagan ng covid at pareho lang kaming nasa bahay. Grade 12 student ako at sya naman ay Grade 11 so not bad para iwork diba hehehehe.
Hanggang nagpatuloy ng nagpatuloy ang pag-uusap namin. Sumapit ang November sumali sya sa isang online pageant nun kase ang ganda nya talaga kahit di sya ganun katangkaran pero sya ang naging title holder ng pageant. Biniro ko sya one time na ilibre nya ko tutal nanalo naman sya at para magkita kami in person. Di naman sya tumanggi kase mutual naman ang feelings namin sa isat isa. Pinapunta nya ko sa kanila then pinakilala ako sa ate nya at mama nya at doon ako nagdinner. Uminom din konti kasama ate nya. Lumipas ang oras pauwi nako around 11 na kase gabi na din yun at napaka layo pa ng bahay namin sa bahay nila. Nag effort lang ako pumunta kase gusto ko din sya makita. Hinatid nila ako kasama mama nya pauwi samin. Edi syempre kilig kilig ako kase hinatid ako kasama si tita hehehe dagdag points.
Sumapit naman ang December ininvite nya ko na pumunta sa binyag ng pamangkin nya so syempre ako si go lang, kala ko kakain lang ng lunch yun pala may inuman with their relatives. Napasobrahan ako kase napaka bait talaga ng mga tita,tito nya hanggang na ako so inaya ko na sya na bumalik na sakanila at para maka idlip ako bago umuwi. Pinatulog nya ako sa kwarto nya at pareho kaming naka-inom. Di naman totally lasing pero hilo na. Hanggang dumating yung hinalikan ko na sya sa lips. Akala ko magagalit sya pero gusto din nya at itinuloy namin hanggang naghalf body hanggang sa alam nyo na yun hehe. Natigil kami ng biglang nagwala ang mama nya dahil sa kalasingan at ako naman e biglang napatayo at tumulong sa pag-awat at nung nahimasmasan na mama nya e umuwi na ako.
Kinabukasan nung pareho na kaming wala ng amats ng alak, di namin ma-open up sa isa't isa yung nangyari samin kinagabihan kasi di kami makapaniwala na nangyare yun. Sa part ko sa nangyareng yun, lalo akong na attached sa kanya. Gusto kong panindigan kung ano man yung nangyare samin at lalo akong napamahal na tipong gusto ko na ulit pumasok sa new relationship. Balak ko pa sana sa kapaskuhan e sya naman ang papuntahin ko dito sa bahay at ipakilala sa family ko pero pumasok ang pinaka masakit na part para sakin. 5 days before Christmas nang mag message sya sakin ng pagkanda haba-haba at nag send ng PT na positive result. 3 months na pala syang delay at 3 months na din buhat ng may nangyare sa kanila ng ex nya. It was September at June palang magkausap na kami at kinikwento nya sakin nun na halos wala na silang communication nung ex nya. Tapos bermonths din yung maging mutual ang feelings namin.
Halos pagsukluban ako ng langit at lupa sa pag-iyak ko magdamag at di ko makuhang magalit sa kanya. Ayokong magsabi ng masasamang salita sakanya kasi ganun ko sya kamahal. Napakapasakit talaga ng 2020. Patapos na nga pero may pahabol pa. Pinanindigan din naman sya ng ex nya at masaya ako dun pero ako di ko na alam pano ulit sisimulan muli ang isang araw na di na sya ang kausap at kasama. Iniwan nalang ako ng walang pag-asa.
P.S: Tulungan nyo ko to let go and to move on pleaseee. 

SPIDERBLACK
2021
ACCOUNTING
BNAHS
No comments:
Post a Comment