Tuesday, November 3, 2020

I WAS HURT BY MY OWN EXPECTATIONS

  Hii guyss! How's the quarantine going? Kamusta? I hope y all fine. I just wanna share my confessions and realizations. Before ako mag share dito marami na akong nabasang mga confessions. Lagi kong naiisip na sumubok mag share pero nahihiya ako. It took me a couple of months before deciding to share. I hope na mabigyan ako nang chance nang mga admin para mapost ito. So eto na nga during this pandemic I am never expecting na magiging productive ako. Lagi akong tinatamad, walang ganang gumalaw galaw. I don't wanna involve my self to anything and anyone. Then this unexpected thing happened my previous teacher in High school persuaded me to join a Youth organization. Which is di naman ako ganoon ka interested at first medyo hesitant pa ako mag join coz I don't even know anyone in the group. Maramiingg neww faces and I'm afraid to be out of place. Noong unang activity ay hindi ako umattend coz I'm really hesitant like what if para akong tanga roon. Pero my teacher keeps on persuading me to join. She said "I know you needed it. Join and share your skills, meet new friends, explore your youth. Wala namang mawawala sayo. Just try. Never waste your time habang bata kapa make new memories that you can always treasure when you grow old."

After that I decided to join at first It was really awkward. Pero as time goes by nagiging close ko na sila. I would crack jokes and laugh with my co youths. Unti unting lumalabas na ko sa comfort zone ko. And I was really happy not until I met this guy in the org. I'm never expecting that I'll like him coz he's the total opposite of my ideal man. At first ignore ignore ko lang sya pero he's just too sweet, caring and kind to be ignored. He would offer to walk me home and give me a free ride on the second day na nag join ako sa org inabot na kasi kami nang gabi at delikado na pauwi. I wasn't expecting that he would offer to give me a ride home. Yung mga co youths ko kase they asked me kung taga saan ako sabi ko opposite ways tayo I live there and I pointed the way to a dark street may poste naman nang ilaw pero delikado talaga. They said "are you sure kaya mo ba umuwi mag isa?" Sabi ko "oo kaya ko to ako pa ba hahah" pero sa loob loob ko takot talaga ako mag isa.
Then this guy na kanina ko pa tinutukoy itago nalang natin sya sa name na Jay he said that ihahatid nya na ako. Sabi ko wag na po okay lang kuya okay na ko. Sabi nya "cge na wag kana mahiya mas mabuting safe ka." tapos ayon inihatid nya na ako sa bahay. Btw hindi ako yumakap sakanya nung sumakay ako sa motor nya duhh? I don't do chansing HAAHAH de jok lang I'm just not comfortable hugging someone's body kahit pa yan wlang malisya. Then sabi nya humawak kang maayos pero humawak lang ako sa isang balikat nya. Nakauwi naman ako sa bahay. And after that medyo may naramdaman na akong konte pero binabaliwala ko lang kase ayokong mafall. And habang tumatagal kami sa org mas lalo akong nagkagusto sakanya. But I'm always denying it to myself lagi kong pinipigilan. Why? Dahil takot ako. Takot ako na magkagusto at masaktan nang sarili kong expectations coz kahit aminin mo man o hindi pag nagmahal you are also wishing that, that someone will also love you back. Pero wala kahit anong pigil ko nagka gusto pa den ako sakanya. Siguro tatlon beses nya din ako naihatid sa bahay pero umiiwas na talaga ako kasi iniisip ko masasaktan lang ako. There's this time na tumakas pa ko para hindi nya na ako ihatid coz I don't wanna let my feelings develop more. But he still insisted na ihatid ako. Actually I was a little pissed that time kasi di gumana yung plan ko na pag iwas.
Confused na confused ako sa pinapakita nya saken. I don't wanna put malice sya mga pinapakita nya but it's so hard not to. Hanggang sa na observe ko na sweet, caring and kind pala sya hindi lang sakin pero sa lahat nang youths. Na misunderstood ko lang lahat I was hurt that time but I can't blame him. So I blamed myself I'm so stupid to assume that someone will see me as a special and important person. Ang sakit na nag assume ako without knowing na ganon lang pala talaga sya. Nalaman ko din na may long term girlfriend na sya. Kaya ginawa ko talaga lahat nang makakaya ko para umiwas kahit mahirap. One of my friend jokingly said na "girl kaya pa yan maagaw di pa naman mag asawa jowa palang naman eh.." But I said no. First of all kahit di man sila mag asawa may relationship sila at kasalanan yun sa Diyos hinding hindi ako makiki extra sa relasyon nang may relasyon ayokong magkasala kay God. Pangalawa, Babae din ako at hinding hindi ko kayang makita ang kapwa babae ko na masaktan dahil sa kagagawan ko. Pangatlo hindi ako ganoon kadesperado na landiin ang alam ko na may mahal na at may karelasyon. At panghuli marunong ako rumespeto nang may relasyon at may natitirang respect pa naman ako sa sarili ko. And I couldn't imagine myself ruining somebody else's happiness. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan nang happiness sa buhay. It's like you're alive but Half dead. Ang point ko lang dito sa pag share ko is to serve as an eye opener na when you love someone you should not expect that they will also love you back. Just love them but don't obligate them to love you back.
Another thing before assuming make sure and know everything before jumping into conclusions coz trust me It'll hurt like hell. And lastly dyan sa mga mahiling kumabet sa may relasyon nang relasyon think twice, triple, or even more. Huwag mong hayaan na ikaw ang maging reason nang ikakasira nang buhay nang iba. Wag ganon ghorl. Wag mong ibaba ang iyong delikadesa. Learn to wait and trust the process coz for sure may taong nakalaan para saatin. And ghorl alam mo yung karma? Karma is a b*tch kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo baka doble ang balik sayo. I'm not here to brag myself na dapat ako idolohin or dapat maging kagaya nyo ako. I just wanna say na You should always keep in mind that you should not be the cause of someone's suffering.dahil never nagiging masaya ang mga nakikiapid.
Ngayon nasa pagkalimot stage ako at gusto kong mwala na ang feelings ko sakanya I'd rather suffer the consequences of loving him kasi ginusto ko na gustuhin sya well just unexpectedly.
I just wanna say to you Jay na you're a good man. And I wish you and your partner the happiness and love you deserved. Gusto kita pero nirerespeto ko na may nauna na. Iiwasan kita sa paraang alam ko at hindi na makakasakit pa nang damdamin nang iba. And I'll admit that I'm hurt by my own expectations.
M_assumera
2020
Freshman BSED
BCAInternational School

HABANG MAHAL PA KITA, MINAMAHAL MO PA PALA SIYA

 So here's a story of my “paubaya." Masyadong mahaba 'to ah HAHAHA. I had an ex btw same school kami. Nagkakilala kami through chats. Nagtuloy tuloy 'yung chats namin 'til we both decided na magkita kami. Wala kaming pinagplanuhan na kahit ano, 'yung place lang kung saan kami magkikita. Then pagkakita ko sa kanya, parehas kaming naka pink even though wala kaming pinag usapan, so natawa kami parehas. Fast forward, kami na nung october. Nilegal ko na syempre kasi ayoko ng patago, so legal na kami both sides. Okay ako sa family nya, then okay sya sa family ko. Lagi siyang kasama ng family ko whenever aalis kami, kakain or gagala. Pero 'di pa siya nakikita ni papa kasi that time nasa ibang bansa sya. Aware ako na may ex siyang 3 years, tapos ka pangalan ko pa haha. Then one day, may debut 'yung classmates ko so nagpaalam ako then gusto ng mama ko kasama ko siya para may kasama ako umuwi. Usapan namin 5 pm pero wala pa rin siya. Hanggang nag 8 pm na wala pa rin, kaya sabi sakin ni Mama “ kung sasama 'yon sayo sana kanina pa 'yon andito, sige na kumilos ka na sa boybestfriend mo na lang ikaw magpasama ”. Then kinabukasan chinat ko 'yung kapatid niya, tinanong ko if kamusta siya ayon lasing raw umuwi tapos nalaman ko sinundo niya 'yung ex nya galing davao tapos nakainuman niya haha. Durog na durog ako pero kumapit pa ako kasi nga mahal ko pa e, baka maayos pa. Then chinat niya ako, he's saying sorry haha. He LOVED me raw, pero mas mahal niya raw 'yung ex niya. So ayon, wasak ako haha. Then the day after that, nakaka recover nako tapos bigla kong nakita 'yung myday niya. Hindi ko siya blinock kasi ayoko haha. Nasa myday nya pic ng ex nya tapos nakalagay don " ikaw mula noon ikaw hanggang ngayon " and I was like asan ako don??? Sobrang durog ko non, iyak ako ng iyak. Gusto ko ng mawala. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, aware naman ako na hindi ko binibigay 'yung sarili ko sakanya kasi parati niya akong pinipilit non, gusto niya may mangyari samin. Naisip ko na dahilan 'yon, na baka ah boring ako. Gabi gabi akong umiiyak, hindi ko pinapakita kala mama kasi alam kong sobra rin siyang nasaktan nung nag break kami .Fast forward nung birthday niya, si Mama inaya ako na bilhan namin siya ng regalo. Then pagkabili ibibigay ko na sakanya, then ayon binigay ko na. Then I storied a picture of us, I greeted him. Then nagchat siya na tanggalin ko raw 'yung pic kasi nagagalit raw 'yung ex girlfriend niya turns out na malapit na maging sila. Minura mura niya ako tapos sabe ko " ano okay lang na masaktan ako tapos siya hindi " sagot niya " oo kasi mahal na mahal ko siya ". Alam ko na naman eh, hindi na kailangan ipamukha. So fast forward to Dec 22, birthday ni Mama. Pinapunta niya buong family ng ex ko, so nagpunta sila. Ang astig rin ng tadhana e, wala kaming pinag usapan pero parehas na naman kami na naka orange na damit, parang nung unang beses lang kami nagkita haha. Andito na non si Papa, so nakita na siya ni Papa. Kala ko maaayos pa namin, kasi nag usap kami. Pero kinabukasan wala na pala. Back to zero na naman ako, araw araw kong tinatanong sa sarili ko ano bang mali, ano bang kulang, ano bang problema bakit hindi na lang ako. I chatted his ex or should I say his girlfriend. Alam niya pala na kami non, tapos sabe niya saken " sorry ah, bumalik kase siya saken " haha gorl you have the guts na magmayabang knowing na inagaw mo lang naman. 1 year na kaming break, pero hindi ko masasabing hindi pa rin ako nakaka let go. Until now takot pa rin akong sumubok ulit kasi natatakot ulit akong masaktan, or baka maulit na naman. Nawalan na rin ako ng confidence kase feel ko ipagpapalit lang ako anytime. So ayon, sana maka moveon nako ng tuluyan.

A
2020
Others
Antipolo

YOU UNFRIENDED ME BUT I BLOCKED YOU BACK.

One year ago, nakita ko po sya Sep 29, 2019 sa Board Exam nmin, magkaroomate kami. Tinandaan ko talaga name nya sa may list ng examinees na nakadikit sa malapit sa pintuan. Kinagabihan while otw pauwe sa bahay nagFR ako sakanya inaccept nya agad then nagHi ako nag exchange ng messenges. This person even gave me yung number nya. Itext ko nalang daw sya kase baka di daw siya maka online. This person even made me comfortable na makipagVideocall even phone call di ako mahilig pero noong siya na yung nakakausap ko through phone naboost yung confidence ko. Lagi din syang nagsesend ng photos nya. Nagsesve naman ako char. Habang papalapit ang out ong result nagplan pa nga kami na magkita kami soon sa pag pumasa kaming dalawa. Sad to say ako lang pumasa sa aming dalawa.

Pagkalabas ng result tumawag sya kaagad and nag congrats sya saakin. I dont know how does it feel na ako pumasa, sya hindi. Pero nagpasalamat nalang ako. Then nagsend sya ng video greetings as what i requested hehehe. Two days before the oughtaking i made costumize box photo album. Lahat ng pinagsesend nya sa messenger na pictures nya prinint ko and nilagay ko doon even the screenshots of sweet conversation we have nandoon.
Pero eto na nga nagkita kmi sa isang shopping mall before the day of oathtaking. Sobrang kaba, saya at tuwa ang naramdaman ko noong nakita ko sya first time ko kasing makimeet ng nakilala ko lang sa social media. Kulang nalang yakapin ko sya, pero asa public pala kami kaya hindi pwede. Nanood kami ng sine, while nagsisine tinititigan ko sya, na amaze lng ako kase sa mga sandaling iyon ay kasama ko na sya. Pero hays patingin tingin sya sa cp nya. After that Kumain din sa labas, mas nakilala ko pa yung family background nya. And gabi na, inaya nya ako sa apartment nya, nagkwentuhan kami. Tapos nagbigay pa sya ng dalawang wallet size grad pic nya. 10pm na noong hinatid nya ako sa sakayan papunta sa tutuluyan ko.
Hanggang march 2020 nagkachat kami. Pero habang tumagal naramdaman ko nalang na nawala na yung exitement nyang makipagchat saakin. Umabot kami sa hindi pag kakamustahan sa buong araw, weeks, evn months
Then Look at now hahaha. In Unfriend nya ako, blinock ko naman hahha. Dahil nga may jowa na syang SHS haha. Ayaw nya po sa board passer.. Attitude ka cher mas attitude po ako. Salamat bestfriend hanggang sa muli cher.
BUT THANK YOU LORD I PASSED THE 2019 BLEPT.
KING
BSED 2019
Unknown
Others

ASAWANG MABARKADA

  Shout-out nga pala sa asawa ko jan na dina natapos bumarkada! Aba tutoy mula elementary hanggang ngayon kasama mo na mga yan. Ibabahay bahay mo ko tapos barkada lang yang aatupagin mo! Ano ako display dito sa bahay nyo? Ayos na sana ugali mo eh wala na kong masabi. Kaso pagdating pala sa barkada talo ako.

Naaalala mo nung 2018? Nung kinukuha mo ko samin kahit nag-aaral pa ko. Anong sabi mo non? "AKO PONG BAHALA KAY ROSE PAG-AARALIN KO PO SIYA." Nung una di pumayag magulang ko dahil graduating na ko sa kursong Accountancy kaso dahil mahal na mahal kita at ikamamatay ko pag nawala ka (Ugh) sinuway ko sila at sumama parin sayo dahil sabi mo nga ikaw ang bahala sakin. ANYARE? HAHAHA! Pamula nagtransfer ako dito sa province nyo hanggang ngayon di kana nagtrabaho. Ano na ngayon tsong 2020 na! Nagpapalaki ka parin ng itlog mo?
Mahal na mahal kita eh sobra. Kaso p*ta mahal na mahal mo rin ata mga barkada mo! Buong akala ng parents ko nasa mabuting kamay ako dahil alam nila responsable kang lalake. Responsable ka naman sana kaso pag nadikitan ka ng barkada, para kang tuta na hinagisan ng buto tapos susunod kana sa mga amo mo which is yung mga barkada mong walang magandang naidudulot sayo! Kung di lang kita mahal nabato na kita ng mga plato at kaldero bwisit ka. May mga barkada din naman ako pero alam ko yung limitasyon ko! Palibahasa ikaw payag kang bumarkada ako para makabarkada karin. Kaqiqil ka talaga!
SHAWARAWT DIN PALA SA MGA BARKADA MO!!! WHOOOO!! Imbes na maging mabuting kaybigan kayo, mag sulsulero pa kayo. Ang gagaling nyo sarap nyo bigyan ng tig-iisang chiks! Alam nyong iba ang tama ng alak sa asawa ko talagang pipilitin nyo pa tapos aasarin nyo na UNDER pag di sumama sa inyo? Pano puro kayo pagpapalaki ng bayag!
Simula ng magsama tayo mahal ito na ang issue natin. Pero nakakapagod ka rin palang intindihin at sabihan. Gasgas na gasgas na kasi sakin yang mga linyahan mo, ayoko nalang ipakita sa parents ko na tama sila, na baka pagsisihan ko ang desisyong ginawa ko. Gusto ko parin manindigan na hindi ako nagkamali sa pagpili sayo kahit na pilit mong pinaparamdam na buhay binata pa talaga ang gusto mo.
PS. I LOVE YOU KAHIT PAKY* KA!
MariangMartir
2020
STI
Others

TOXIC NA ENOUGH NA

  Hi USF gusto ko lang i-share yung relationship ko with my currently ex bf. Yeah netong gabi lang like October 29,2020 monthsary namin actually eh, ganito kasi hindi naman sya dating mainitin ulo or bugnutin. Nag start lang to nung nagka pandemic. Live in partner ko sya dahil pandemic nga nagka quarantine stop ang work nya. Dun na nagsimula lahat like konting kibot ko lang naiirita na sya. To the point na pinapahiya nya ako sa harap ng mga kapatid nga nung una at ng mga anak nya. Yes meron syang 4 na anak. Nung una medyo natatagalan ko pa iniintindi ko kako baka kasi aburido lang sya dahil parehas kaming palamon sa bahay nila ng mama nya. Kaya inintindi ko sya pero grabe habang tumatagal palala sya ng palala.

Umabot na sya sa pananakit at pagmumura sakin. Una pinatawad ko pa sya sa pagtulak at pagsuntok sakin sa braso ko, pagkaladkad sakin to think na sa labas ako ng kwarto namin natulog sa right side ng pinto. Tapos paggising nya ayun nga kinaladkad ako. Sira sira yung t.shirt ko sa lakas ng kaladkad nya sakin umiyak na ako pero parang wala syang naririnig at nakikita. Nag-away kami nun. Nagkapasa ako, sakto namang pupunta yung anak ko sa amin nakita ng anak ko yung mga pasa ko sa braso namumugto mga mata ko. Tinanong ako ng anak ko kung ano daw nangyari sakin sinabi ko na lang sa anak ko na naglalaba ako nadulas ako sa rooftop. Humingi sya ng sorry kesyo nabigla lang daw sya nablangko daw sya hindi na daw mauulit. Edi ako naman si tanga pinatawad naging okay hanggang sa makalipas ang isang linggo naulit na naman kasi lasing sya. Ganun na naman eksena hindi nya lang sinasapak mukha ko para walang pasa na makita. Hingi sorry binigyan ko ulet ng chance. Hanggang sa nag-inom kaming dalawa doon sa bahay ng papa nya. Timing namang pauwi mama ko galing maynila sbi ko sa mama ko daanan nya ako s bahay ng papa nya kasi nanghhngi ako ng 100 pesos lang nagpaalam naman ako sa kanya na dadaan si mama at aabutan ako ng pera. Diyos ko pagkabalik ko pinagtulungan ako nilang mag ama pinagisipan nila ako na lalaki daw nagbigay sakin ng pera kasi lumabas ako nun para hindi na bumaba si mama sa kotse at umuulan. In-explain ko sa kanila bakit daw hindi bumaba si mama para man lang makasilip sinabi ko na masakit paa ng mama ko. Hindi daw yun lalake daw nagbgay sakin ng pera jusko kung lalake sbi ko nagbgay sken ang cheap ko nman 100 lang hihingin ko. Hanggang sa inalisan ko sila sa bahay ng papa nya umuwi ako s bahay ng ka live in ko. Kasi magkaiba bahay ng mama at papa nya dahil hiwalay mga magulang nya.
Edi nasa bahay na ako nun dun sila nag patuloy ng inom lumipat hanggang sa pinapalayas nila ako mag ama sa bahay ng biyenan kong babae. Imagine alas 2 ng madaling araw ang lakas ng ulan pina impake nila ako ng damit. Eh wala na ako masasakyan dahil may curfew kaya sinabi nila sige hanggang umaga lang daw ako pero lumayas na daw ako ang dami dami kong narinig na masasakit na salita sa papa nya. Kesyo daw malandi ako pati daw sya nilalandi ko grabe nandidiri ako s sinabi nyang yun. Sya naman pinagmumura ako sinasagot ko daw papa nya sempre kahit sinong tao sasagot dahil tinatapakan na nya pagkatao ko. Sinabi pa ng papa nya na wala daw akong karapatan sa anak nya dahil kasal daw anak nya sa nanay nung una nyang anak. Wala daw akog kwentang babae lahat lahat na ng masasakit nasabi na nila sken tapos habang sinasbi ng tatay nya yun minumura nya ako. Hanggang sa dumating ang umaga nahulasan na sya sorry sya ng sorry edi ako naman umiyak. Pinatawad ko na naman. Hanggang itong martes October 27 nilalagnat ako dahil nabasa ako ng ulan nung gabi. Humihingi lang ako ng gamot sakanya sinabihan nya ako ng wala daw syang pake saken. Sobrang nasaktan ako dahil sobrang sakit na ng ulo ko ang taas pa ng lagnat ko tapos ganun pa maririnig ko samantalang sya nung nagkasakit halos gawin ko ng cr kwarto namin para lang punasan at anlawan ng shampoo ulo nya. Tapos ganon sya saken? Edi ginawa ko sa inis ko sinipa ko sya ginawa naman nya kinaladkad nya paa ako paalis ng kama sabay suntok sa ulo ko nahilo ako hindi ko na kinaya pinagkukurot ko sya ginawa nya tinulak nya ako ng sobrang lakas natumba ako sa eletric fan. Tumama pa ulo ko sa cabinet namin. Tapos dinidila dilaan pa nya ako nang aasar sya at sinasabi nya na gago ako paulit ulit. Lakas ata ng hang over nung sira ulo na yun. Doon na ako nag decide umuwi at inimpake ko na mga gamit ko sinabi ko sa sarili ko hindi na sya yung lalaking minahal ko noong una kaming nagkakilala napakalayo.
Hanggang sa chat na sya ng chat hindi ko nirereplyan ang sinabi nya skin sa chat. Patawarin mo lang ako hindi na kita guguluhin pa edi sinabi ko sa kanya pinapatawad ko na sya. Natakot ang baliw na yun akala nya babalikan ko pa sya, na papatawarin ko pa sya. Ayun hanggang ngayon chat sya ng chat.
P.S. To You My Ex Live in Partner ang ganda ganda ko tapos sasaktan mo lang ako hindi ka na nga gwapo pangit pa ng ugali mo.
Tam
2013
HRM
LSPU