Hi USF gusto ko lang i-share yung relationship ko with my currently ex bf. Yeah netong gabi lang like October 29,2020 monthsary namin actually eh, ganito kasi hindi naman sya dating mainitin ulo or bugnutin. Nag start lang to nung nagka pandemic. Live in partner ko sya dahil pandemic nga nagka quarantine stop ang work nya. Dun na nagsimula lahat like konting kibot ko lang naiirita na sya. To the point na pinapahiya nya ako sa harap ng mga kapatid nga nung una at ng mga anak nya. Yes meron syang 4 na anak. Nung una medyo natatagalan ko pa iniintindi ko kako baka kasi aburido lang sya dahil parehas kaming palamon sa bahay nila ng mama nya. Kaya inintindi ko sya pero grabe habang tumatagal palala sya ng palala.
Tuesday, November 3, 2020
TOXIC NA ENOUGH NA
Umabot na sya sa pananakit at pagmumura sakin. Una pinatawad ko pa sya sa pagtulak at pagsuntok sakin sa braso ko, pagkaladkad sakin to think na sa labas ako ng kwarto namin natulog sa right side ng pinto. Tapos paggising nya ayun nga kinaladkad ako. Sira sira yung t.shirt ko sa lakas ng kaladkad nya sakin umiyak na ako pero parang wala syang naririnig at nakikita. Nag-away kami nun. Nagkapasa ako, sakto namang pupunta yung anak ko sa amin nakita ng anak ko yung mga pasa ko sa braso namumugto mga mata ko. Tinanong ako ng anak ko kung ano daw nangyari sakin sinabi ko na lang sa anak ko na naglalaba ako nadulas ako sa rooftop. Humingi sya ng sorry kesyo nabigla lang daw sya nablangko daw sya hindi na daw mauulit. Edi ako naman si tanga pinatawad naging okay hanggang sa makalipas ang isang linggo naulit na naman kasi lasing sya. Ganun na naman eksena hindi nya lang sinasapak mukha ko para walang pasa na makita. Hingi sorry binigyan ko ulet ng chance. Hanggang sa nag-inom kaming dalawa doon sa bahay ng papa nya. Timing namang pauwi mama ko galing maynila sbi ko sa mama ko daanan nya ako s bahay ng papa nya kasi nanghhngi ako ng 100 pesos lang nagpaalam naman ako sa kanya na dadaan si mama at aabutan ako ng pera. Diyos ko pagkabalik ko pinagtulungan ako nilang mag ama pinagisipan nila ako na lalaki daw nagbigay sakin ng pera kasi lumabas ako nun para hindi na bumaba si mama sa kotse at umuulan. In-explain ko sa kanila bakit daw hindi bumaba si mama para man lang makasilip sinabi ko na masakit paa ng mama ko. Hindi daw yun lalake daw nagbgay sakin ng pera jusko kung lalake sbi ko nagbgay sken ang cheap ko nman 100 lang hihingin ko. Hanggang sa inalisan ko sila sa bahay ng papa nya umuwi ako s bahay ng ka live in ko. Kasi magkaiba bahay ng mama at papa nya dahil hiwalay mga magulang nya.
Edi nasa bahay na ako nun dun sila nag patuloy ng inom lumipat hanggang sa pinapalayas nila ako mag ama sa bahay ng biyenan kong babae. Imagine alas 2 ng madaling araw ang lakas ng ulan pina impake nila ako ng damit. Eh wala na ako masasakyan dahil may curfew kaya sinabi nila sige hanggang umaga lang daw ako pero lumayas na daw ako ang dami dami kong narinig na masasakit na salita sa papa nya. Kesyo daw malandi ako pati daw sya nilalandi ko grabe nandidiri ako s sinabi nyang yun. Sya naman pinagmumura ako sinasagot ko daw papa nya sempre kahit sinong tao sasagot dahil tinatapakan na nya pagkatao ko. Sinabi pa ng papa nya na wala daw akong karapatan sa anak nya dahil kasal daw anak nya sa nanay nung una nyang anak. Wala daw akog kwentang babae lahat lahat na ng masasakit nasabi na nila sken tapos habang sinasbi ng tatay nya yun minumura nya ako. Hanggang sa dumating ang umaga nahulasan na sya sorry sya ng sorry edi ako naman umiyak. Pinatawad ko na naman. Hanggang itong martes October 27 nilalagnat ako dahil nabasa ako ng ulan nung gabi. Humihingi lang ako ng gamot sakanya sinabihan nya ako ng wala daw syang pake saken. Sobrang nasaktan ako dahil sobrang sakit na ng ulo ko ang taas pa ng lagnat ko tapos ganun pa maririnig ko samantalang sya nung nagkasakit halos gawin ko ng cr kwarto namin para lang punasan at anlawan ng shampoo ulo nya. Tapos ganon sya saken? Edi ginawa ko sa inis ko sinipa ko sya ginawa naman nya kinaladkad nya paa ako paalis ng kama sabay suntok sa ulo ko nahilo ako hindi ko na kinaya pinagkukurot ko sya ginawa nya tinulak nya ako ng sobrang lakas natumba ako sa eletric fan. Tumama pa ulo ko sa cabinet namin. Tapos dinidila dilaan pa nya ako nang aasar sya at sinasabi nya na gago ako paulit ulit. Lakas ata ng hang over nung sira ulo na yun. Doon na ako nag decide umuwi at inimpake ko na mga gamit ko sinabi ko sa sarili ko hindi na sya yung lalaking minahal ko noong una kaming nagkakilala napakalayo.
Hanggang sa chat na sya ng chat hindi ko nirereplyan ang sinabi nya skin sa chat. Patawarin mo lang ako hindi na kita guguluhin pa edi sinabi ko sa kanya pinapatawad ko na sya. Natakot ang baliw na yun akala nya babalikan ko pa sya, na papatawarin ko pa sya. Ayun hanggang ngayon chat sya ng chat.
P.S. To You My Ex Live in Partner ang ganda ganda ko tapos sasaktan mo lang ako hindi ka na nga gwapo pangit pa ng ugali mo.
Tam
2013
HRM
LSPU
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment