Hi, gusto ko lang i-share yung mgaulong kwento ng angkan ko hehe, pero sana magets nyo at mabigyan nyo ako ng advice. So eto na nga po.
Nung bata ako, yung mama ako at yung tita ko(kapatid ni papa) ay mag best friend. Mula nung lumipat kami, yun ang alam ko, na magkaibigan sila. Kaya kaming magpipinsan ay close na close din. Yung isa nyang anak na kasing edad ng kapatid ko ang pinakaclose namin dahil di kami nagkakalayuan ng edad. We even share some of our things to everyone even them. Never naman kami nagdamot, hangga't kaya naman namin magshare e nagshashare kami sa kanila ng mga biyaya sa amin.
Pero yung kabutihang pinapakita pala namin ay nabaliktad nila ng ganun kadali. Hindi kasi tahimik na tao si mama na tatahimik nalang, lumalaban sya kapag alam mya natatapakan na yung pagkatao nya o sinasaktan na yung mga mahal nya.
Ganito kasi yun nung una kasi yung tita ko na yun inakusahan si mama na kabit ng asawa nya. Na nagkikita daw sila somewhere pag sinusundo kami sa school. Hello?! Si mama hindi nga sya gala dahil hindi sya sanay magbyahe mag-isa, kaya nga lagi nya akong sinasama. At isa pa, maski anino nga ng asawa nya hindi namin nakikita sa daan. Eto medyo inintindi namin ng slight kase inisip namin na kaya sya ganyan kase kapangalan ng asawa nya yung tito ko na namatay. Selosa na tsimosa pa tsk.
Pero mas lalong lumala yung pagseselos nya to the point na kung anu-ano nalang ang sinasabi nya like di daw ako tunay na anak, anak daw ako ni mama sa ibang lalaki tinuring ko syang second mother ko tapos pagsisigawan nya yang walang kwentang bagay na yan, e kay papa ko nga namana ang galing sa pag drawing.
After that incident ay mas lalong lumala. Bakasyon nun at walang pasok pero dahil may free workshop nag join kami ng sister ko. Then, isang gabi na-late si mama ng sundo(bata pa kasi kami nun). Natagalan sya sa pagsundo sa amin. Yung tindera nga na nasa tabi namin ay ayaw kaming iwan dahil gabi na daw wala pa kaming sundo. Inisip namin ng kapatid ko na baka madaming ginagawa si mama baka naglalaba (sabado kasi non) o baka nakatulog so nagdecide kami na umuwi nalang at wag na hintayin si mama.
Nung maglalakad na sana kami, biglang dumating na si mama. Maya-maya tumawag si papa tapos bigla nalang humagulgol si mama sinabi nya kay papa na "sinaksak nga ako ng kapatid mo!" Kaya napalingon kami kay mama dahil sa sinabi nya. Nangatog yung tuhod ko ng makita ko yung likod nya na may dugo. Naka suot sya ng yellow na V-neck kaya kitang kuta yung pulang dugo. Umuwi kami sa bahay. Humingi ng tawad yung panganay na anak ng tita ko. Wag na daw namin ipakulong ang mama nya, sya nalang daw.
Tita, kung alam mo lang kung paano humingi ng tawad yung anak mo para lang sa kasalanang ginawa mo. Hiniling nya pa na sya nalang daw ang ikulong at wag na ikaw dahil kawawa ang mga kapatid nya!lumuhod yung pinsan ko at umiyak, maging samin ay humihingi sya ng tawad pero ikaw tita? Nung pagdating ni papa nagtago ka kaagad.
Nang dahil din sayo, maging mga kapitbahay namin ay ganun ang tingin kay mama at pinagkakalat mo pa talaga na mangkukulam si mama dahil kilala yung probinsya nila na maraming mangkukulam. Na kesyo in-oorasyonan nya ang mga pagkain para malasin kayo. Kung talagang mangkukulam si mama matagal na sanang inuuod yang katawang lupa mo!
Ang nakakainis pa, lahat ng kapatid at pinsan ng papa ko masama ang tingin kay mama. Maging ang papa ko naglalasing dahil sa lasong isinasaksak nyo sa isip ng mga tao. Ito namang mahal kong lola, sa halip na kami ang kampihan e yung tita ko pang baliw ang kinampihan.
Sinusundan nya rin si mama sa palengke o kapag susunduin kami. Baliw ka na talaga.Lahat nabrain wash mo. Pinsan, kinakapatid, kapit-bahay at iba pa lahat yan na nauto nya. Maging pagaaral namin naapektuhan dahil sa gulo'ng sinimulan mo
Masaya ako na lumayo na kayo. Kahit na nagpaka-biktima ka, ayos lang. Maayos na din naman kami. Hindi ko ito shinare para halungkatin ang nakaraang sugat. Hindi pa kasi tuluyang naghihilom eh. Ang masakit pa ay nagiwan ito ng peklat na kailanma'y di na mabubura.
Ps. Nagtatampo ako sayo lola, alam ko namang hindi mo kami paboritong apo, Pero ayos lang sana yun eh. Ang ko lang matangganp ay yung alam mong mali yung ginawa ng anak mo kay mama pero sya parin ang kinampihan mo. Pero wag kang mag-alala, mabait naman yung kapatid mo, sya kasi yung nagparamdam ng pagmamahal ng isang lola na hindi ko maramdaman sayo. Sana maging malusog ka at malayo sa sakit, lola parin kita kahit di ko maeamdamang tinuturing mo akong apo.
Pps. Miss ko na kayo mga pinsan ko kahit na magkaaway mga magulang natin, kami parin naman yung pinsan nyo. Sana maging maayos tayo tulad noong bata pa tayo. Ipapaubaya ko nalang sa diyos ang kinabukasan nating lahat. Sana ay masaya na kayo
Eleben
Others
Others
Unknown
No comments:
Post a Comment