Tuesday, November 3, 2020

ASAWANG MABARKADA

  Shout-out nga pala sa asawa ko jan na dina natapos bumarkada! Aba tutoy mula elementary hanggang ngayon kasama mo na mga yan. Ibabahay bahay mo ko tapos barkada lang yang aatupagin mo! Ano ako display dito sa bahay nyo? Ayos na sana ugali mo eh wala na kong masabi. Kaso pagdating pala sa barkada talo ako.

Naaalala mo nung 2018? Nung kinukuha mo ko samin kahit nag-aaral pa ko. Anong sabi mo non? "AKO PONG BAHALA KAY ROSE PAG-AARALIN KO PO SIYA." Nung una di pumayag magulang ko dahil graduating na ko sa kursong Accountancy kaso dahil mahal na mahal kita at ikamamatay ko pag nawala ka (Ugh) sinuway ko sila at sumama parin sayo dahil sabi mo nga ikaw ang bahala sakin. ANYARE? HAHAHA! Pamula nagtransfer ako dito sa province nyo hanggang ngayon di kana nagtrabaho. Ano na ngayon tsong 2020 na! Nagpapalaki ka parin ng itlog mo?
Mahal na mahal kita eh sobra. Kaso p*ta mahal na mahal mo rin ata mga barkada mo! Buong akala ng parents ko nasa mabuting kamay ako dahil alam nila responsable kang lalake. Responsable ka naman sana kaso pag nadikitan ka ng barkada, para kang tuta na hinagisan ng buto tapos susunod kana sa mga amo mo which is yung mga barkada mong walang magandang naidudulot sayo! Kung di lang kita mahal nabato na kita ng mga plato at kaldero bwisit ka. May mga barkada din naman ako pero alam ko yung limitasyon ko! Palibahasa ikaw payag kang bumarkada ako para makabarkada karin. Kaqiqil ka talaga!
SHAWARAWT DIN PALA SA MGA BARKADA MO!!! WHOOOO!! Imbes na maging mabuting kaybigan kayo, mag sulsulero pa kayo. Ang gagaling nyo sarap nyo bigyan ng tig-iisang chiks! Alam nyong iba ang tama ng alak sa asawa ko talagang pipilitin nyo pa tapos aasarin nyo na UNDER pag di sumama sa inyo? Pano puro kayo pagpapalaki ng bayag!
Simula ng magsama tayo mahal ito na ang issue natin. Pero nakakapagod ka rin palang intindihin at sabihan. Gasgas na gasgas na kasi sakin yang mga linyahan mo, ayoko nalang ipakita sa parents ko na tama sila, na baka pagsisihan ko ang desisyong ginawa ko. Gusto ko parin manindigan na hindi ako nagkamali sa pagpili sayo kahit na pilit mong pinaparamdam na buhay binata pa talaga ang gusto mo.
PS. I LOVE YOU KAHIT PAKY* KA!
MariangMartir
2020
STI
Others

No comments:

Post a Comment