Perfect couple. Yan daw tayo. Nagsimula sa asaran at nauwi sa pagmamahalan. Katabi kita sa klase. Walang oras na hindi mo ako inaasar. Ako naman pinapabayaan ka lang. Wala ka sigurong magawa. Pero hindi ko pala alam na kaya mo ako inaasar kasi crush mo ko. Yun pala yung way mo para mapansin kita. Kahit napipikon na ako sinusubukan ko pa rin na icontrol yung sarili ko. Gwapo ka oo, pero ayoko sa tulad mo. Bully at laging bagsak sa exams. Pero hindi ko alam na sa isang bully pala ako mafafall. Sinabi ng bestfriend ko na may gusto ka daw sa akin. Pero hindi ko pinapansin as in no comment lang ako. But one time nakita mo kong umiiyak kasi nga iniwan ako ng boyfriend ko. And binigyan mo ko ng panyo. Dun nagsimula ang lahat. After that naging close na tayo. Sabay tayong kumakain sa carpark. Lagi mo akong nililibre. Study buddy tayo sa library. Nagdadate sa lover's lane. Lahat ng relationship goals ginagawa natin at kung hindi man gagawin natin. Masaya tayo sa loob ng three years na tayo. Kung mag-aaway man tayo never lilipas ang araw na hindi tayo magbabati. Hanggang gagraduate na tayo. Sabay tayong lumabas sa arch. Kasabay nun pinakilala mo ako sa mga parents mo. Nagdinner tayo together with your family. Ang saya saya kasi perfect na talaga ang lahat. We planned to find jobs and after nun we will settle to have out own family. Hanggamg nagpropose ka sa akin sa favorite nating restaurant. After a year we planned to get marry pero hindi na pala matutuloy. Hindi mo ko iniwan and never mo akong pinagpalit sa ibang babae. Never kung inisip na kukunin ka na agad sa akin ni Lord. Tawag ako ng tawag nun pero hindi mo sinagot akala ko tulog ka lang yun pala binangungot ka na sabi ng parents mo mo. Hindi ko alam kung paano magsisimula muli ng wala ka. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapagmove on lalo na at ikaw ang one great love ko.
Serena
2008
Faculty of Engineering
Friday, March 25, 2016
Love on Taft
Yes, I found my forever. Happy Thursday, yes dun ko siya natagpuan. Inaamin ko I was in a relationship with a thomasian that time. Yes, same kaming tomasino. Artlet siya habang ako Engineering. Three years na yung relationship namin. Maganda din siya, matalino at talented. Nakakainlove yung boses na mayron siya. Yun bang wala ka ng hahanapin pa. Kasi siya yung pinapangarap ng bawat lalaki. Gimekero ako which is inaamin ko naman. Palagi akong nasa happy t pero hindi alam ni girlfriend. Kaya nga dun ko siya nakilala. Sexy, maganda at chinita. Para siyang anghel na nalaglag sa lupa. Wala siyang kasama. So this was my chance para lapitan siya. Hiningi ko yung name and number niya knowing na may girlfriend na ako. Hanggang naging textmates kami. Laging ko na siyang nakakasama sa Happy Thursday. Tapos niyaya ko na din siya lumabas kasama ko. Naging malabo yung relationship ko sa gf ko. Paano ba naman kasi siya na ang lagi kong hinahanap. Nakakaadik yung ganda at alindog niya. Tapos mabait pa siya sobra. Niligawan ko siya kahit may gf na ako. Swerte ko at sinagot niya ako. Nakipagbreak na din ako kay girlfriend pero ngayon hindi niya matanggap na wala na kami. Lagi niya pa din ako tinetext at kinukulit na makipagbalikan sa kanya. Ang dami kong sampal na natanggap sa kanya nung nakipagbreak ako sa kanya. Hindi ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko. One time, nag-attempt pa siya na magsuicide. Dinalaw ko siya sa ospital at nakiusap yung mama niya na balikan ko siya kasi first boyfriend niya din ako. Pero hindi ako pumayag. Nalaman ng girlfriend ko at willing siya maglet go. Pero ayoko, ayoko talaga kasi mahal na mahal ko yung girlfriend ko. Kasal na pala kami ngayon at may dalawang anak at hanggang ngayon kinukulit pa din ako ni ex. Totoo, masarap magmahal ang mga lasallian. Subukan niyo din ng malaman niyo.
Loverboy
2013
Faculty of Engineering
Loverboy
2013
Faculty of Engineering
Boob Marley
Flat chested ako. As in flat talaga. 23 na ako pero boobs ko sobrang underdeveloped. Kabog pa ako ng boobs ng mga grade schoolers. No joke. Kahit baby bra man suotin ko may free space pa din.
Ganun ako ka-flat. E tangina barkada ko nung college pa ako puro boys, only girl ako. So lagi nila akong inaasar na flat daw ako. Plinantsa daw ba torso ko? Baka daw kasi di ko dinidiligan? Baka daw nadeflate lang, parang lobo? O baka naman daw lalaki talaga kasi ako? May isang beses nasiko ako ng kaibigan ko, sakto sa boobs. Siyempre nasaktan ako pero sabi lang niya ""wala ka naman boobs a, nasaktan ka pa din?"" Nigga please. Di porke't di halata boobs ko e wala agad laman! Sobrang sakit pa din okay?!
Well. Insecure lang guy friends ko kasi mas malaki pa boobies nila sa akin hahahaha joke pero yung isa kong kabarkada (let's call him B), siya pinakamalala mang-asar sa akin. Ang theory niya baka naman daw di pa ako nagmemenstruate kaya underdeveloped. Di yun totoo, matagal na akong nagmemenstruate at buwan buwan nagkaka-dysmenorrhea ako okay???
Pero ayun nga. Lagi akong inaasar ni B pero bago kami grumaduate umamin siyang crush pala niya ako. Aba, nanligaw bigla! Pinahirapan kong onti si B kasi bully e. Isipin mo? Apat na taon akong inaasar ng bonggang bongga tapos manliligaw lang din pala?
Pero today, as I'm getting ready to walk down the aisle to marry B, tinatawanan ko na lang lahat ng pang-aasar niyang ginawa. Suot suot ko yung wedding gown kong pina-alter ko pa yung bust section para lang di mag-slide sa katawan ko pag naglalakad ako. I'm marrying the love of my life and I'm proudly flat-chested! Woo!!!!
ECHOS LANG. Sa kasal kasi usually nagtatapos yung love stories sa UST Files e hahahahaha di pa kami ikakasal ni B. Pero oo, going strong pa din kami. Nanligaw siya ng 8 months by the way. Sinagot ko din. Di ako nakatiis e. Hanggang ngayon inaasar pa din niya ako. ""Boobless bae"" daw ako. Letse siya. Pero love ko yung loko lokong yun.
Boobay
2012
AB
Ganun ako ka-flat. E tangina barkada ko nung college pa ako puro boys, only girl ako. So lagi nila akong inaasar na flat daw ako. Plinantsa daw ba torso ko? Baka daw kasi di ko dinidiligan? Baka daw nadeflate lang, parang lobo? O baka naman daw lalaki talaga kasi ako? May isang beses nasiko ako ng kaibigan ko, sakto sa boobs. Siyempre nasaktan ako pero sabi lang niya ""wala ka naman boobs a, nasaktan ka pa din?"" Nigga please. Di porke't di halata boobs ko e wala agad laman! Sobrang sakit pa din okay?!
Well. Insecure lang guy friends ko kasi mas malaki pa boobies nila sa akin hahahaha joke pero yung isa kong kabarkada (let's call him B), siya pinakamalala mang-asar sa akin. Ang theory niya baka naman daw di pa ako nagmemenstruate kaya underdeveloped. Di yun totoo, matagal na akong nagmemenstruate at buwan buwan nagkaka-dysmenorrhea ako okay???
Pero ayun nga. Lagi akong inaasar ni B pero bago kami grumaduate umamin siyang crush pala niya ako. Aba, nanligaw bigla! Pinahirapan kong onti si B kasi bully e. Isipin mo? Apat na taon akong inaasar ng bonggang bongga tapos manliligaw lang din pala?
Pero today, as I'm getting ready to walk down the aisle to marry B, tinatawanan ko na lang lahat ng pang-aasar niyang ginawa. Suot suot ko yung wedding gown kong pina-alter ko pa yung bust section para lang di mag-slide sa katawan ko pag naglalakad ako. I'm marrying the love of my life and I'm proudly flat-chested! Woo!!!!
ECHOS LANG. Sa kasal kasi usually nagtatapos yung love stories sa UST Files e hahahahaha di pa kami ikakasal ni B. Pero oo, going strong pa din kami. Nanligaw siya ng 8 months by the way. Sinagot ko din. Di ako nakatiis e. Hanggang ngayon inaasar pa din niya ako. ""Boobless bae"" daw ako. Letse siya. Pero love ko yung loko lokong yun.
Boobay
2012
AB
No chance at all
Indeed. You were the most beautiful woman I have met. I knew it was love at first sight. The first time I saw you I knew I liked you. Yun bang masasabi mo ng you are the one. Maria Clara ang datingan mo. Conservative kung manamit pero kahit ganun ang ganda ganda mo pa din. You were courted by different guys but among them I was the lucky one. Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki ng marinig ko ang matamis mong oo. Tanda ko pa nasa kalagitnaan tayo ng ride nun. Extreme ride yun. Roller coaster pa nga yun. Habang iniikot tayo at binabaliktad sabay mong sigaw na oo tayo na sinasagot na kita. Nalaglag na ata ang puso ko nun at nawala na ang kaluluwa ko hindi dahil sa roller coaster pero dahil sa matamis mong oo. Naging masaya ang lahat sa atin sa loob ng 5years na tayo ay magkasama. Pero ang gago ko ginago ko yung babaeng mahal na mahal ako. Niloko kita at pinagpalit sa babaeng kakakilala ko lang. Nakipagsex sa kung kani-kanino. Inaamin ko ang tanga ko kasi alam kong mahal mo ako pero nagawa kitang saktan. Tanggap ko na hindi mo na ako kayang patawarin o bigyan pa ng another chance. Pero hanggang ngayon hindi pa din kita makalimutan. Araw-araw akong nagsisisi sa mga nagawa ko sayo at umaasa na one time babalik ka sa akin. Aftrer 12 years nagkita na naman tayo and this time sa simbahan na. Ang ganda ganda mo pa din suot ang puti mong damit at belo. Oo, hindi na pwedeng maging tayo hindi dahil may pamilya ka, mas hindi dahil na ayaw mo na kung hindi dahil madre ka na at nagseserbisyo sa simbahan.
Alvin
2005
Faculty of Arts and Letter
Alvin
2005
Faculty of Arts and Letter
When I was your Man
Magkaklase tayo since highschool. We were seatmates kasi nga parehos tayong M ang start ng surname. Sayo ako humihingi ng papel. Sayo ako kumokopya ng homeworks at kapag may quizzes. I asked you to be my promdate at pumayag ka naman. Since that day we became close with each other. Sabay tayong nag-entrance exams sa UP at UST. Hindi tayo pinalad sa UP pero sa dream school mo which was UST nakapasa tayo. Travel Management ang course mo habang ako Mechanical Engineering. We always hang out together. Lagi tayong magkasam during our free time. For three consecutive years ikaw ang Paskuhan buddy ko. Sabay nating sinusulyapan ang mga fireworks. Niligawan kita at after a few months sinagot mo na ako. We had ups and downs in our relationship. Napakaplayboy ko kasi even we were together nakukuha ko pang magtext at makipaghang out sa ibang mga babae. Pero despite of that you still love me. Hanggang ayun niloko kita. Iyak ka ng iyak nun. We lost our communication hanggang binalita sa akin ng blockmate mo na nagkakamabutihan na kayo ng professor mo. I still love you that time at ayokong mapunta ka sa kanya. Kaya I tried to text you again hanggang napatawad mo na ako. Then, nagkamabutihan ulit tayo. Niligawan kita at sinagot mo ulit ako. Ang saya saya ko na akin ka na ulit. Pero napakatanga ko nga talaga na sinayang ko yung second chance na binigay mo sa akin. I cheated on you again. So we broke up. At ngayon balita ko nga kayo na ng ideal man mo. Ikakasal na kayo ng professor mo. Sinayang ko yung two years na mayron tayo. Oo, mahal pa rin kita mahal na mahal pero hindi ako deserving para sayo. Hanggang ngayon pinagsisihan ko yung mga panahon na akin ka. I wasted the second chance that you gave to me. Mamiss ko yung mga moments na kasama kita. Yung pamamasyal natin sa mall. Yung sabay nating panonood ng sine at pagpunta sa concert. Yung kasama kita lagi sa library. Yung hatid sundo kita sa inyo. Sabay nating pagsimba sa Ust chapel. Lahat ng yun na hindi na natin mauulit pa. Magagawa mo na yun kasama siya. Hindi man naging masaya ang experience ko sa Ust atleast natuto ako mula sa mga pagkakamali ko. Salamat at nakilala kita. Hindi man naging tayo pero tandaan mo minahal kita, mahal kita at mas mamahalin pa kita. Habang buhay kong pagsisihan ang pinakawalan kita my Cinderella. At sayo prof, you are a lucky man. Sana ingatan mo siya hindi tulad ng ginawa ko. Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal ko at higit sa lahat wag mo kong tutularan. Salamat sa pag-imbita mo sa akin sa kasal niyo upang kumanta. Masakit man sa akin pero para sayo Mahal gagawin ko. Hindi man happy ending ang love story natin atleast naging happy ako makasama ka. Oo tama kayo, may forever sa inyo basta kumapit at magtiwala ka lang.
Cinderella's Ex Lover
Engg
2010
Cinderella's Ex Lover
Engg
2010
Subscribe to:
Posts (Atom)