Friday, March 25, 2016

Love on Taft

Yes, I found my forever. Happy Thursday, yes dun ko siya natagpuan. Inaamin ko I was in a relationship with a thomasian that time. Yes, same kaming tomasino. Artlet siya habang ako Engineering. Three years na yung relationship namin. Maganda din siya, matalino at talented. Nakakainlove yung boses na mayron siya. Yun bang wala ka ng hahanapin pa. Kasi siya yung pinapangarap ng bawat lalaki. Gimekero ako which is inaamin ko naman. Palagi akong nasa happy t pero hindi alam ni girlfriend. Kaya nga dun ko siya nakilala. Sexy, maganda at chinita. Para siyang anghel na nalaglag sa lupa. Wala siyang kasama. So this was my chance para lapitan siya. Hiningi ko yung name and number niya knowing na may girlfriend na ako. Hanggang naging textmates kami. Laging ko na siyang nakakasama sa Happy Thursday. Tapos niyaya ko na din siya lumabas kasama ko. Naging malabo yung relationship ko sa gf ko. Paano ba naman kasi siya na ang lagi kong hinahanap. Nakakaadik yung ganda at alindog niya. Tapos mabait pa siya sobra. Niligawan ko siya kahit may gf na ako. Swerte ko at sinagot niya ako. Nakipagbreak na din ako kay girlfriend pero ngayon hindi niya matanggap na wala na kami. Lagi niya pa din ako tinetext at kinukulit na makipagbalikan sa kanya. Ang dami kong sampal na natanggap sa kanya nung nakipagbreak ako sa kanya. Hindi ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko. One time, nag-attempt pa siya na magsuicide. Dinalaw ko siya sa ospital at nakiusap yung mama niya na balikan ko siya kasi first boyfriend niya din ako. Pero hindi ako pumayag. Nalaman ng girlfriend ko at willing siya maglet go. Pero ayoko, ayoko talaga kasi mahal na mahal ko yung girlfriend ko. Kasal na pala kami ngayon at may dalawang anak at hanggang ngayon kinukulit pa din ako ni ex. Totoo, masarap magmahal ang mga lasallian. Subukan niyo din ng malaman niyo.
Loverboy
2013
Faculty of Engineering

No comments:

Post a Comment