Friday, March 25, 2016

Ala-ala ng kahapon

Perfect couple. Yan daw tayo. Nagsimula sa asaran at nauwi sa pagmamahalan. Katabi kita sa klase. Walang oras na hindi mo ako inaasar. Ako naman pinapabayaan ka lang. Wala ka sigurong magawa. Pero hindi ko pala alam na kaya mo ako inaasar kasi crush mo ko. Yun pala yung way mo para mapansin kita. Kahit napipikon na ako sinusubukan ko pa rin na icontrol yung sarili ko. Gwapo ka oo, pero ayoko sa tulad mo. Bully at laging bagsak sa exams. Pero hindi ko alam na sa isang bully pala ako mafafall. Sinabi ng bestfriend ko na may gusto ka daw sa akin. Pero hindi ko pinapansin as in no comment lang ako. But one time nakita mo kong umiiyak kasi nga iniwan ako ng boyfriend ko. And binigyan mo ko ng panyo. Dun nagsimula ang lahat. After that naging close na tayo. Sabay tayong kumakain sa carpark. Lagi mo akong nililibre. Study buddy tayo sa library. Nagdadate sa lover's lane. Lahat ng relationship goals ginagawa natin at kung hindi man gagawin natin. Masaya tayo sa loob ng three years na tayo. Kung mag-aaway man tayo never lilipas ang araw na hindi tayo magbabati. Hanggang gagraduate na tayo. Sabay tayong lumabas sa arch. Kasabay nun pinakilala mo ako sa mga parents mo. Nagdinner tayo together with your family. Ang saya saya kasi perfect na talaga ang lahat. We planned to find jobs and after nun we will settle to have out own family. Hanggamg nagpropose ka sa akin sa favorite nating restaurant. After a year we planned to get marry pero hindi na pala matutuloy. Hindi mo ko iniwan and never mo akong pinagpalit sa ibang babae. Never kung inisip na kukunin ka na agad sa akin ni Lord. Tawag ako ng tawag nun pero hindi mo sinagot akala ko tulog ka lang yun pala binangungot ka na sabi ng parents mo mo. Hindi ko alam kung paano magsisimula muli ng wala ka. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapagmove on lalo na at ikaw ang one great love ko.
Serena
2008
Faculty of Engineering

No comments:

Post a Comment