Friday, March 25, 2016

No chance at all

Indeed. You were the most beautiful woman I have met. I knew it was love at first sight. The first time I saw you I knew I liked you. Yun bang masasabi mo ng you are the one. Maria Clara ang datingan mo. Conservative kung manamit pero kahit ganun ang ganda ganda mo pa din. You were courted by different guys but among them I was the lucky one. Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki ng marinig ko ang matamis mong oo. Tanda ko pa nasa kalagitnaan tayo ng ride nun. Extreme ride yun. Roller coaster pa nga yun. Habang iniikot tayo at binabaliktad sabay mong sigaw na oo tayo na sinasagot na kita. Nalaglag na ata ang puso ko nun at nawala na ang kaluluwa ko hindi dahil sa roller coaster pero dahil sa matamis mong oo. Naging masaya ang lahat sa atin sa loob ng 5years na tayo ay magkasama. Pero ang gago ko ginago ko yung babaeng mahal na mahal ako. Niloko kita at pinagpalit sa babaeng kakakilala ko lang. Nakipagsex sa kung kani-kanino. Inaamin ko ang tanga ko kasi alam kong mahal mo ako pero nagawa kitang saktan. Tanggap ko na hindi mo na ako kayang patawarin o bigyan pa ng another chance. Pero hanggang ngayon hindi pa din kita makalimutan. Araw-araw akong nagsisisi sa mga nagawa ko sayo at umaasa na one time babalik ka sa akin. Aftrer 12 years nagkita na naman tayo and this time sa simbahan na. Ang ganda ganda mo pa din suot ang puti mong damit at belo. Oo, hindi na pwedeng maging tayo hindi dahil may pamilya ka, mas hindi dahil na ayaw mo na kung hindi dahil madre ka na at nagseserbisyo sa simbahan.
Alvin
2005
Faculty of Arts and Letter

No comments:

Post a Comment