Hi. Call me Jana and I’m a lesbian. Even if it’s hard to be part of LGBTQ family, sa part ko hindi ako nahirapan. Tanggap ako ng parents ko at ng mga friends ko since lumaki akong ganto. Maraming akong tropang babae pero mas maraming lalaki. Magaling ako sa basketball kaya part ako ng varsity team sa school namin. Meron kaseng womens division ang larong basketball sa school namin.
I have a lot of friends pero may nag-iisa lang akong matuturing na bestfriend. Halos may alam siya sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Sabay kaming lumaki. Lahat ng trip ginagawa namin. Magka-edad kami, same school pero hindi kami same section.This school year kase nahiwalay siya. Siya din ang palaging nakakalaban ko sa basketball tuwing nag-papractice kami. He’s Ron. Also a school’s varsity.
Ewan ko kung anong meron dito kase ang dami-daming babaeng nagkakagusto sa kanya. Siguro dahil magaling siyang mambola? Lol. Pati yung crush na crush ko nagkagusto din sa kanya. Maraming kumakausap sakin na babae na gusto ireto ko sila sa bestfriend ko, kasama na dun yung crush ko. Hindi sya gwapo. Hindi rin naman pangit. Sakto lang. Pero nung isang beses na tinanong yung crush ko kung anong nakikita niya kay Ron, eto lang nasabi nya "Daig ng ma-appeal ang gwapo." Appealing daw. Syempre wala akong interes sa kanya. Kaya nga naiinis at naiingit ako sa kanya. Palagi ko nalang hinihiling na sana lalake nalang talaga ako kasi mas gwapo naman ako sa kanya kung naging lalaki ako.
Maraming nangyari. Hanggang sa nagkamabutihan sila nung crush ko. Hindi ko na sila parehas nakakausap dahil palagi na silang magkasama. Kaya hanggang ngayon nai-insecure parin ako sa kanya. Pero masasabi ko na simula pagkabata, dito na naghihiwalay ang landas na namin.
Matagal din na natatahimik ang buhay ko mula nung nagkamabutihan sila ng crush ko. Puro sila post sa facebook na magkasama. Matagal-tagal narin akong hindi nakatanggap ng trashtalk mula sa kanya. Matagal narin yung huling laro namin ng online games at huling movie marathon sa bahay nila. Matagal na yung huling foodtrip. Wala na ‘kong makasamang mag girl hunting sa campus. Hindi narin kami nakapaglaro, tinatamad na siya kase ilang buwan nalang graduation na. Ilang beses akong nag-aya pero react lang natanggap kong reply sa kanya. Pag nagkasalubong naman kami, kulitan saglit at maya maya aalis na siya. May mga kaibigan din naman ako pero iba parin pag siya talaga kasama. Nasanay akong andiyan lang siya.
Naiiyak ako bigla pagkatapos ng halos kalahating taon na hindi kami nagkakasama. Feeling ko nababakla ako. Marami akong na-realize ‘nung nawala siya. Hindi na rin siya masyadong pumupuntang court. Ayoko naming magdrama sa kanya kaya sa inis ko iniwas ko nalang sarili ko. Nakakatampo. Bukod sa nakaka-offend na nasa kanya yung crush, nakakabw*sit lang na nakalimutan niya bigla ako.
Umiwas ako. Binlock ko siya sa lahat social media accounts ko. At umiiwas ako tuwing magkakasalubong kami. Hanggang sa napansin nya. Nung una parang wala lang sa kanya. Alam kong alam niyang binlock ko siya at galit ako sa kanya pero wala siyang ginawa kaya mas lumalim yung inis ko sa kanya.
Halos isang buwan na wala kaming communication. Buwan ng January, pumunta siya sa bahay makiki-New year daw. Hindi ko siya nilabas. Nasa kwarto lang ako. Ilang buwan siyang nanunuyo at nagpapapansin pero nagmatigas ako. Andun yung hinahagisan niya ko ng bola pag dumaan sa hallway. Inaabangan pagpasok at paglabas ng school. Tumatambay sa bahay. Pinagluluto ako ng paborito kong ulam . Pero wala badtrip talaga ako sa kanya. Sabi ko sa sarili ko ilang buwan nalang naman magkokolehiyo na kami, mahihiwalay na ko sa kanya.
April 1, 2016. Graduation day na mismo. Tapos na ang siremonyas. Naghagis na kami parepareho ng sumbrero namin. At kanya kanyang iyakan ang mga babaeng katabi ko, kokorni. Bat kase dito ako nakapwesto.
Paglingon ko nakita ko si Ron. Kinawayan nya ako at dali-daling lumapit sa pwesto ko. Tapos hinagis niya sakin yung isang regalo gradution gift daw. Alam kong hindi ko siya trip pero hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko nung mga oras nayun. Kasabay nun biglang lumuhod sya at iniangat ang kamay nya. Lah? Tapos natulala ako ‘nung kunin niya kamay ko. Sabay sabing “Janaaa, sorry naa.” Takteee nakakahiyaaaa!!! Nasa likod ko pa naman sila mama.
Iningat ko siya at sinuntok sa tiyan sabay sabing “gag* mo.” Napakalakas ng trip kase alam niyang nasa likod ko parents ko at maraming nakatingin samin. Pero natulala ako nung pagkatayo niya lumapit at bumulong siya sa tenga ko “Jana, sorry. Feeling ko may gusto na yata ako sayo.” The audacity! Biglang lumambot ang pang-lalaki kong katauhan nung narinig ko ang sinabi niya. Putcha ! nababakla na yata ko sa kanya.
Jana
2016
Unknown
CNHS
No comments:
Post a Comment