For me everything was perfect. Yung kasal na pinapangarap ko ginawa ko sa kasalan na'to. Isa ako sa nagplano. Binuhos ko lahat ng makakaya ko. Pagod, gutom at puyat ang inabot ko pero okay lang, maging maganda lang ang kinalabasan ng mahalagang event na'to. Talagang pinaghandaan ko. Pati sarili ko hinanda ko sa araw na ito.
Nasa simbahan nako, mula dito sa kinatatayuan ko tanaw na tanaw ko yung ganda ng lugar, mga papasok na bisita, si tito at tita, si mama at papa, at ilan pa nating kakilala na nasa loob na. Pati ikaw na groom, kitang-kita. You're looking at me blankly pero nakikita ko sa mata mo ang awa at sakit. Bakit pa kailangang humantong sa ganito?
Tapos ng mag-martcha ang mga flower girls at abay ng kasal. Susunod na ang bride. Bago buksan ang pintuan halos nakatingin lahat sakin. Tinitignan nila kung anong magiging reaksyon ko, but i chose to stay calm.
I was trying my best to smile and be happy for your most special day. Napatitig ako sa mapapangasawa mo, habang dahan-dahang naglalakad papalapit sayo. Bawat hakbang niya parang inaapakan ang puso ko. Bawat titig sakin ng mga kaibigan natin, bawat lingon ng pamilya natin na may kasamang awa hindi ko maiwasan na mapaluha pero as much as possible pinipigilan ko. Ginusto ko rin naman 'to kaya papanindigan ko.
Nakikita kong malapit na yung mapapangasawa mo sayo at naramdaman ko na rin ang unti-unti pagtulo ng luha ko.
Gusto kong pigilan yung kasal, gusto kong sumigaw pero ayaw kong masira 'tong araw na'to. Wala akong ibang magawa kun'di panooring ikasal ka. Ikaw na nakasama ko ng ilang taon. Simula nung nakilala kita, at naging tropa hanggang sa nagtapat ka sakin at sinagot kita at naging jowa, halos lahat yun masasaya. Masasaktan man pero hindi ganto kalala.
Nung malapit na ang bride sa harap mo, hindi ko napigilang mawalan ng balanse. Muntik na kong matumba. Pero sumenyas ka sa kaibigan mo na alalayan ako.
Pinalabas ako ni Paulo. Hindi na'ko kumontra kase naririnig kong nagsisimula na. Bawat katagang binibitawan ni Father, tumatagos sa puso ko. Sabay tayong nanunuod ng wedding videos dati. Pinapractice pa nga natin ang mga linyang isasagot natin sa kasal na pinlano natin. Parehas na parehas din ang mga panatang binitawan mo, ang pinagkaiba lang, sa kanya mo na sinabi, habang ako ay nakikinig nalang.
Akala ko kaya ko. Kaya nung sinabi mo 'saking magpatulong ka sa kasal mo, pumayag ako. Tutulong lang naman ako, kase si Paulo talaga ang wedding planner mo. Pero masyado yata akong tänga, at halos lahat ako nagplano. Oo ka lang ng oo kapag tinatanong ka ni Paulo tungkol sa mga suggestion ko. Malamang alam ko kung anong gusto mo kase pinangarap natin 'to. Pero ang sakit lang na tinutupad mo sa iba. Pinlano nating dalawa to, pero ngayon hindi na ako ang kasama.
Naisip ko. What if hindi kita sinagot, hahantong kaya tayo sa ganto? What if naging magkaibigan lang tayo, ganto parin kaya ang sakit? Alam kong selfish na piliin mo'ko kesa jan sa mapapangasawa mong nabuntis mo, pero what if pinili mo'ko? Magiging masaya ba tayo? Hindi ko alam kung paano ka kakalimutan, pero alam ko rin na kailangan. Bata pa naman ako/tayo kaya alam kong hindi pa dito matatapos ang mundo.
Ron, pasensya ka na kung hindi ko na kayang tapusin ang seremonyas. Ang tänga ko lang sa part na tumulong pa'ko magplano. Na pumunta pa'ko. Pasensya kana, akala ko kaya ko na pero hindi pa pala.
~~~
Jana
2021
Unknown
Unknown
No comments:
Post a Comment