Monday, March 29, 2021

PAGTINGIN

I just want to share the unforgettable moment namin ni crush. Lunch break noon and kapapasok ko lang, naabutan ko yung mga kaibigan ko sa labas ng room kasama ang aking future husband HAHAHAHA charot! Pero that time bad mood ako, so umupo lang ako sa tabi nila at bigla din namang umupo si crush sa harap ko at naka-earphone sya. Wala akong balak magpacute sa kanya kasi nga bad mood ako, pero bigla na lang sinalpak ni crush sa tenga ko yung earphone nya, bali tag-isa kami ganern haha tapos ang nakaplay na music ay yung kanta ng ben&ben na PAGTINGIN, yawaen bakit yun pa? HAHAHA nananadya ata si crush, pero syempre keleg na keleg si ate mo ghorl lalo na yung nasa chorus na "pag nilahad ang damdamin sana'y di magbago ang pagtingin" sinasabayan ko yung kanta habang pasimpleng nakatingin sa kanya habang nag-aayos sya ng sapatos. Tapos bigla syang napatingin sakin haha kinikilig ako pero mas lamang yung sakit kasi kahit kailan hindi nya ako magugustuhan, kahit mga 1% ata wala eh. Habang ninanamnam ko yung kilig at sakit, ninamnam ko rin yung amoy ng medyas nya, bigla nya kasing tinapat sa ilong ko bwisettt HHAHAHAHA so ayun kilig na kilig na naman ako! HAHAHAHAHA

Hi crush! idk kung natatandaan mo pa yan pero sa tingin ko ay hindi na. Isa lang yan sa mga unforgettable moments natin dahil marami pang iba na nagbigay sakin ng pag-asa na baka may nararamdaman karin sa 'kin pero nagkamali pala ako, dahil yung mga moments na yon ang syang nagpahirap sa 'kin para kalimutan ka at yung nararamdaman ko para sayo. Tama nga sila, hindi lahat ng unforgettable moments ay masaya. Pero mas okey narin ata yung set up natin ngayon na hanggang friends lang. Alam ko naman kasi na alam mo na may gusto ako sayo, pero hindi mo parin ako iniiwasan, dahil dyan mas lalo kitang nagugustuhan. Mahal na nga ata kita eh HAHAHAHA rupok.
Mabango po yung medyas ni crush HAHAHAHAHAHA kung sakaling mauulit yon, baka po malunok ko na yung medyas nya sa sobrang kilig. 😀
Eyla-eun
Others
Others
Unknown

No comments:

Post a Comment