Thursday, December 3, 2020

WALANG LIHIM NA HINDI NABUBUNYAG

Ako si Franz, matalino, suplado, at pogi. Sa dami ng babae na umikot sa palad ko, isa dito ang babaeng nagpabago sa pagtingin ko sa mundo. Isang babae na nagbigay ng pagasa sakin na mabuhay pa para sa mga taong mahal ko, Isang babae na nagbigay ng regalo sakin, na kailaman man ay hindi matutumbasan ng ginto, salapi, pilak oh ng kahit ano pang yaman sa mundo. Siya ang babae na aking nasaktan, pero bumangon, Nilabanan niya ang mga hamon ng buhay at natuto siyang magpatawad sa mga taong nakasakit sa kanya, Ito ay si Anne.

Apat na taon mula ngayon na ang nakakalipas ng magkaroon kami ng pagkakaunawaan ni Anne. Si Anne, na maganda, makinis, maputi, may magandang ngiti at matagal na kaming magkakilala. Pero lubusan kaming naging close nung panahon na basag na basag ako. Nung panahon na iniwan ako ng babaeng pinapangarap ko para sa matalik kong kaibigan. Siya ang babae na naging palaging andyan para maging ilaw sa kadiliman na kinasadlakan ko. Hindi ko alam na ako pala ang pupundi sa liwanag na ibibinibigay niya. Sinabi ko na sa simula na Pogi ako, Makoy ng hashtag ang tindigan. At yun ring mala anghel na mukha ang dahilan kung bakit maraming nagkakandarapang mga babae sakin, at isa dun si Anne, hindi man niya aminin pero halata naman na may pagtingin siya sa mga bagay na pinapakita niya katulad ng pagkalinga na hindi natural para sa isa lamang kaibigan.
Wala kaming commitment, friends with benifits kung baga. Yung sitwasyon na hindi kami, pero may nangyayari samin. Yung masasabi mo na ineenjoy ng bawat isa ang pita ng laman. Marami siyang problema sa kaniyang pamilya at marami rin akong problema sa aking kalagayan, at dun sa mga problema namin, pinili namin na maging maligaya sa gabi lalo na kung may alak na kasama. Nagkasundo kami na bawal mainlove sa isat isa. Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako handang ikasal sa kahit kanino, oh magmahal ng kahit sino, wala sa plano ko iyon, at yung meron kami nung panahon na yun ay katulad lamang ng isang fiesta na unlimitted mong puedeng kainin ang luto na nakahain, sarap na sarap ka, pero hindi ito magtatagal. Sa handaan, darating ang panahon kapag busog ka na na aalis ka din.
Ginawa na naming gumala sa park, magtravel sa mga malalapit na lugar at matulog na magkasama. Pinagsasaluhan namin ang mga bagay na dapat ay magasawa lamang ang magsalo na sagrado at kailangan ng kasal. Ginawa namin eto ng maraming oras at panahon lalo na kapag malungkot ang bawat isa. Ginawa naming maging maligaya sa piling ng isat isa na wala samin na nakakasigurado sa mangyayari sa hinaharap. Ilang beses kong nilinaw sa kanya na magkaibigan lang kami, walang involve na pagmamahal sa relasyon namin. Alam niya ng panahon na yun na walang chansa na magiging parte siya ng puso ko sapagkat mahal na mahal ko pa ang ex ko, at wala pang papalit duon.
Makalipas ang ilang buwan, bigla na lang siyang nawala ng walang paalam. Umuwi siya sa probinsya sa Bicol ng walang pasabi. Hindi ko alam kung anung dahilan ng kanyang paglisan. Ilang beses ko siyang tinawagan, pero pinapatay niya. Ilang beses kong cinontact ang facebook nya, pero blinock nya ko. Wala akong idea kung bakit siya lumayo. Dati naman nagpapaalam siya sa lahat ng lakad niya pero iba ang sitwasyon ngayun, bigla siyang nawala. Katulad lamang ng isang bula ang pagdating at pagalis niya sa buhay ko.
Nagpatuloy ako sa aking buhay, tuloy ang trabaho, inuman, galaan. Tuloy ang mga babae na dumating at lumisan din sa buhay ko. Tuloy ang paghahanap ko ng aking sarili, tuloy ang paghahanap ko ng kahulugan ng buhay. Iniisip ko na sa tagal ng panahon na nawala siya ay kaparehas din ng sitwasyon ko. Pinagpatuloy niya ang paghahanap ng pera, ang kanyang pangarap at ang kanyang buhay.
Lumipas ang dalawang taon mula ng panahon na yun. Naglalakad ako at nakasalubong ko ang isang kaibigan at aking nakawentuhan. Common friend namin ni Anne, si Jayson at niyaya ko siyang makainuman sa hapon. Dumating ang hapon at naginuman kami, nagkamustahan at napadaan sa usapan namin si Anne. Binanggit niya na may aswa na eto, may anak na rin. Dahil sa tagal ng panahon at gusto kong makibalita kay Anne, tinanong ko kung kamusta na siya. At sinabi niya na okay naman siya, pinakita niya ang picture nila ng minsang magkasama sila ni anne sa handaan ng kaniyang lola. Parehas kasi silang taga bicol. Sa Litrato, karga ni Anne ang isang bata. Tinitigan kong mabuti ang bata, hindi pa ko lasing, hindi rin umiihi pero nanginig ako sa nakita ko. Parehas na parehas kami ng mata, ng kutis, ng ngiti. May lukso ng dugo akong naramdaman sa litrato na aking nakita. Kamukhang kamukha ko ang bata. Napansin din pala eto ni Jayson sa personal at sinabi niya ng pabiro saakin.
"Pare, wag mo sanang mamasamain tanong ko, total tayong dalwa lang naman ang nandito, may nangyayari ba sa inyo ni Anne dati bago sya umuwi ng bicol?. Kamukhang kamukha mo kasi pare yung anak nya."
Isang bombang sumabog ang tanong niya sa akin.Sabi ko. "oo meron, ilang taon na ba siya?"
"Dalwang taon na siya ngayon" Sabi nya.
Pinangako saakin ni Jayson na kakausapin niya si Anne para makapagusap kami rin kami.
Nanikip ang dibdib ko sa pagluha. May Isa na pala akong anak, Isang anak na nanatiling lihim na nabubuhay siya sa mundo ng hindi ko nalalaman. Isang anak na dalwang taon na palang walang kinikilalang ama maliban ang kanyang ina na tumayong ama at ina sa kanya. Isa na pala akong ama na nagbuhay binata, Ama na masasabi ngayon na walang pakinabang. Kawawa ang musmos na bata sa dahilang ayaw ko ng responsibilidad nung panahon na yun. Isa akong ama, pero nasaan ako ng kailangan ng anghel ko. Isang Ama na hindi anghel kundi demonyo na nagdala ng delubyo sa isang babae na na dapat sana ay maganda ang trato ko sa kanya. Sabihin nyo na sakin mga masasakit na salita at ito ay aking matatanggap sapagkat totoo naman.
Tinupad ni Jayson ang pangako niya. Kinausap niya si anne at nagkaroon kami ng komunikasyon. Sinabi ni Anne sakin na ako nga ang Ama ng anak niya. Natuwa ako na may anak na pala ako at nasa mabuti itong kalagayan. Sinabi ni Anne na ni minsan, hindi niya sinabi sa magulang niya kung sino ng Ama ng dinadala niya. Siguro nga, tadhana na ang naglapit saatin para makilala mo anak mo. At sa panahon na wala ang ama nya, inalalayaan siya ng lalaki na tunay na nagmahal sa kanya, si Vince. Pinakasalan siya nito kahit alam niya na iba ang ama ng nasa sinapupunan niya. Mabuting tao si Vince at lubusan siyang nagpapasalmat dito.
Sinabi rin ni Anne na nung panahon na iniwan niya ako, hindi niya alm na kakayanin niya. Alam niya sa sarili niya na hindi maganda na ikasal kami sa isat isa sa dahilang hindi ko siya mahal at mukhang naglalaro lang ako nung panahon na yun.
"Wala ka sa mga oras at magdamag na umiiyak ang anak mo, halos sumuko ako. Wla ka nung panahon na natumba siya sa mga unang lakad niya. Wla ka rin ng manganganak ako at wala ka ng pagpili ng pangalan sa anak natin. May mga panahon na awang awa ako sa aming dalwa pero may kasalanan din ako, pinili ko na iwan ka. Naduwag ako sa sasabihin ng pamilya ko, at ginamit ko rin ang kaduwagan na yun pra maging malakas at itaguyod ang pmilya na walang haligi sapagkat inanay ka na. Si Vince ang tumayong ama. pero Pinatawad na kita franz sa lahat ng pagkukulang mo, at pinatawad ko na rin sarili ko sa pagtatago sayo." sabi niya.
Hindi ko siya mapuntahan dati sapagkat magagalit ang asawa niya. Sinabi ni anne na maghintay pa ng tamang panahon at ako ang pupunta jan, hindi ko to gagawin para sa akin, kundi para sa anak ko.
Nagpunta sila sa lugar ko, siya at ang anak namin. Eto ang una naming pagkikita ni baby Zion sa personal. Dati sa video call lang, pero kapiling at kayakap ko na si baby, ang Aking anak.
Sinabi ko na kukunin ko, may work naman ako at ako ng magaalaga pero hindi siya pumayag. Binibigyan ko rin sila ng pera pero ayaw tanggapin. Sinabi niya na kung talagang desidido ka, magbukas ka ng bangko, magipon ka para sa pang college ng anak mo, at pag malaki na siya, bibigay natin sa kanila.
Humingi ako ng tawad sa lahat ng maling nagawa ko at pinatawad niya ako. Ang masakit talaga ay ng yakapin ko ang anak ko. Ayaw payakap at hindi niya ako kilala.
Salamat sa Dios at iningatan nila ang Anak ko at salamat sa kanya na iningatan din niya sina Anne at ng asawa niya.
Marami tayong mga maling desisyon s buhay, mga landas na tinahak na minsan ay paliko, hindi pa huli ang lahat para tuwirin ang dinaanan at itama ang mga maling desisyon sa buhay.
Hindi parin huli ang magpatawad lalo na sa mga tao na nakasakit satin, Hindi parin huli para humingi ng tawad sa mga taong nasaktan natin.
Ang buhay ay katulad ng paglalakbay, minsan dumadaan sa putik at nlulugmok tayo. Pero handa tayong bumangon. Minsan napapadaan sa lubak at bumabagsak tayo, pero meron tayong mga tao na nagmamahal saatin na handang umagapay katulad ng mga pamilya at kaibigan. Tahakin ang paglalakbay hangat may liwanag na ang Dios na may gabay sa atin at palaging nariyan. Huwag tahakin sa kalaliman ng dilim. Huwag sumugod sa dilim, tahakin ang paglalakbay kapag may sinag ng araw na mula sa Dios na gabay natin.
-Franz
2020
College of Architecture and Fine Arts
Others

No comments:

Post a Comment