"Sir bago nanamang sapatos? Ganda ah"
Yan ang tanong sakin Ng mga staff ko sa opisina kapag bumibili ako Ng sapatos, Hindi ako collector sadyang ngaun lang ako bumabawi, dahil laging butas Ang mga sapatos ko nung highschool.
Sabi nga Ng matandang kasabihan "Education is the key to Success" pero sa mga katulad kong Hindi pinagpala at walng kutsarang ginto sa aking bibig , napakihirap mag aral.
Pinanganak ako dito sa Laguna without a father in short putok sa buho, in other terms aksidente akong nabuo. At the age of 2 , kailangan mag work ni Mama sa Taiwan para matustusan ang pangangailangan namin. It worked fine for the next 7 years pero nagkaroon ng world recession nung 2009 kaya pinauwi si mama sa Pinas, during her stay sa ibang bansa may na meet cyang lalaki doon and pagbalik dito sa Pinas nagsama sila and nagkaroon cla ng anak. That time sa akin ok lang. Pero ito n pala ang simula ng aming kalbaryo, after 3-4 months ng pagbubuntis ni Mama bigla na lang nawala ung step father ko. Sabi nya maghahanap lang daw sya ng work sa Manila, pero hindi na sya bumalik. During that time I was 12 years old and HS Student ako that time. Walang naipon c mama dahil lahat pinapadala nia sa Pinas nung nasa abroad sya. Nalubog kami noon sa utang, pinapalayas kami ng lolo ko dahil wala kami maiambag sa bahay. Halos wala kami makain that time, yung tipong paggising mo di mo alam kung ano kakainin mo kasi wala naman talaga, pinagtataguan kayo ng pagkain. Ang masakit dito si mama nagbubuntis that time wala sya makain, naglalakd ako papunta ng school (di ako nasanay kasi nasa private ako nung elementary), naalala ko pa nun limang piso lang baon ko. Kaya pasalamat ako sa nagtitinda nung HS ako ng pancake na 4 pesos lang tsaka tubig na Piso ok na.
Siguro marami makakarelate dito yung tipong sapatos mo nung first year hanggang 3rd year, tapos butas as in butas may malaking bilog sa gitna. Tandang tanda ko pa noon sinabi ko sa sarili ko, aangat din ang buhay ko hindi ako susuko. Nang ipanganak yung kapatid ko mas mahirap pa pala kakaharapin namin kailangan ni Mama magtinda sa umaga at hapon para may makain kami at may maibaon ako. Gising ng madaling araw at uuwi ng gabi (Kasi night shift ang pasok namin sa HS noon) Then kailangan ko pang maghugas ng sangkatutak. Kung ano ano pang narinig kong sumbat at mga mura galing sa Lolo ko na kesyo ganito n lang daw buhay namin, hindi kami uunlad. Kung nagisip lang daw nanay ko sana maganda buhay namin ngayon. Kaya noon sinisisi ko nanay ko kung bakit kami nagka ganun. Sinasabi ko siya ang dahilan bakit kami nagkahirap hirap, nagalit ako sa kaniya noong panahon na yun.
Nang makagraduate ako ng High School, sabi ko gusto ko mag engineer pero dahil wala ngang pera need kong mag aral ng iba so nag IT ako. Sa State College sa amin, first year first semester pagsubok n agad. Dahil wala kaming stable na pagkukunan. Kailangan ko pa ring tulungan si Mama sa pagtitinda namin araw araw. Lumalaki na ang kapatid ko that time, need na rin nyang mag aral. Kaya nahahati ang aming allowance. Pagtungtong ko ng 2nd semester nag stop ako kasi kailangan kong magtrabaho kasi wala kaming kakainin. Naawa na rin ako nun kay mama kasi pagod na sya. In short tumigil ako. Pumasok ako bilang isang service crew, sa isang fast food chain, during that time naging lulong ako sa pag-iinom at paninigarilyo. Umuuwi ako ng kasing na lasing. Naalala ko pa one time naiyak daw ako ng lasing sinisisi kung bakit ganun qng buhay ko.
After 5 months nag resign ako nag try maghanap ng ibang trabaho. Apply dito apply doon. Alam nyo naman sa Laguna ang daming Science park at factories. Habang nag aapply ako puro BS College Graduate ang hinahanap doon ako sinampal Ng katotohanan bg mundo na iba ang may tinapos. In short bumalik ako sa pag aaral, taglay ang lakas ng loob na tapusin ko ang degree ko.
Pagbalik ko ulit sa school hindi rin naging madali, mahirap maging isang irregular student. Pero this time mas naging mahirap ang status namin sa family kasi nawalan nanaman ng isa pang source of income. Kasi nga bumalik ako sa pagaaral pero that did not stop me to pursue my dream, pero this time sabi ko sa sarili ko "Magtapos ako. 3 years from now magsusot ako Ng TOGA." Still the journey was not perfect meron pa ring times na gusto kong sumuko. I was a nobody in school. Taglay ang lakas ng loob yan ang alam ko, until one day may nag share sakin ng word ni Lord and from that day I believed na hindi lang lakas ng loob ang kailangan kundi pananalig, Faith on Him

Again sabi ko I was a nobody in school that time. Ewan ko ba kung bakit pumasok sa isip kong maging officer ng school. So I ran for an organization position for our course and won. It became an avenue for me to realise that I have a Leadership ability. Until such time I became the president of our Department then became the president of the student council.
Fast forward last year ko na sa college. Eto na gagraduate na. Nagpa Graduation picture na. Ng inabot ko sa Mama ko yung Graduation Invitation pag buklat nta I was an awardee that time kasi nag serve ako as president ng school. Napaluha nanay ko and halos isigaw sa buong Sitio namin na gagraduate na ako. I cannot illustrate how happy she was that time. Pero ako parang wala lang ahhahaha until sinuot ko na yung TOGA ko sa araw ng Graduation ko and seeing my self wearing it, reminded me of the phrase na sinabi ko, "Magtatapos ako! Magsusuot ako ng TOGA" Nag flashback lahat ng pinagdaanan ko para lang makatapos. Iyak na lang ako ng iyak. Isa lang nasabi ko, Salamat Panginoon. 

Minsan nagkausap kami ng Mama ko, ngayong may stable job na ako. Sabi nya noong mga panahong nag-aaral daw ako ng High school yung panahong hirap na hirap kami gusto na daw niyang magpakamatay ilang beses daw niang tinangka pero iniisip nya kami. Lumaban siya para samin. Kahit na nilalagnat sya, masama pakiramdam naglalako at nagtitinda sya para samin. Kahit naulan, sobrang init. Lahat yata ng panindang ulam binenta nya. Nagulat ako sa sinabi nya, mas lalo kong nappreciate sya. Sa bawat small achievements ko nandun sya in my brightest and darkest hours nandun ang Mama ko. Medyo nakaramdam ako ng guilt kasi sinisi ko sya dati pero mas minahal ko nanay ko, kasi mas nakita ko ngayon yung napakadami nyang sinakripsyo para samin ng kapatid ko.
Sa mga nakakarelate sa kwento ko tandaan ninyo, walang matamis na tagumpay kung walang hapdi ang pinagdaanan. Kung may kapareho ako ng pinagdadaanan ngayon, this is my advice, Believe in God, Love your parents and Continue to Dream.
Sa ngayon may trabaho na ako. As an Office Administrator sa City Government in a Regular status and a part time professor. Si Mama hindi na sya nagtitinda pero masarap pa ring magluto 

Kaya ko to sinulat is for the purpose to inspire kahit papaano ang mga students na magbabasa dito sa USF. As a part time professor, nadudurog ang puso ko kapag may estudyante ako na nag paalam na titigil na sa pag aaral dahil need mag work. Students keep on pursuing your dreams. Ok lang tumigil kung talagang kailangan just like what happened to me, but if given a chance to go back, Balik ulit! Ok lang madapa, Basta tatayo at lalaban ulit, pero sa pagtayo mo hindi ka maglalakbay ulit ng mag-isa, maglakbay ka bg kasama mo siya



"Success is not a Destination It is a Journey"
~OHB
2020
CCC
BSIT
No comments:
Post a Comment