Typical na teenager. I enjoyed how social media makes me feel empowered. Binibili ko lahat ng gusto ko para makasabay sa "uso" at hindi mapag-iwanan. Pero lahat ng yon, hindi ko gamit ang sarili kong pera. Binibigyan ako ng pera ng tatay ko. Binibigay niya sakin lahat ng gusto ko, naming magkapatid. Pero hindi ko napansin na wala na pala siyang ginastos para sa sarili niya. Last month lang nung pumunta ko sa bahay ng tatay ko (separated kasi sila). Tanda ko, around 4pm yon, kakatapos lang niya sa trabaho (may work kasi siya kahit pandemic).
(Non-Verbatim)
T: Anak, pakitanong nga sa nanay mo kung anong mabisang gamot pang pawala ng sakit ng tiyan.
A: E tay bakit? masakit ba tiyan mo? baka kaka-inom niyo yan (biro ko, dahil madalas sila mag-inom nila lolo)
Tumawa lang siya tapos nagtanong ulit,
T: Nakakasakit ba ng tiyan kapag naka tatlong tasa ng kape?
A: Aba tay oo, bakit sobrang dami mo namang ininom na kape?
T: E kasi sakto na lang sa pamasahe pauwi yung natira kong pera, kaya hindi ako nakabili ng meryenda kanina, e sa opisina namin, libre lang ang kape.
Maluha luha na ko ng marinig yon. Nagulat ako kasi hindi ko ine expect yung sagot niya. Habang ako sinasayang ang pera na binibigay niya. Milktea, Samgyup, pati na rin mga uso at branded na mga damit. Tapos yung tatay ko pala, wala man lang pambili ng pagkain para sa sarili niya. Isang malaking sampal sakin yon. Ngayon todo ipon ako para kapag may kailangan akong bilhin, hindi na ako hihingi sa kanya. Naki-usap na din ako sa nanay ko na ibili si tatay sa grocery ng pwede niyang baunin sa trabaho. Ngayon, hindi na naman naulit ang pagsakit ng tiyan niya hehe. Nakakakain na daw siya ng maayos.
Kaya sa mga tulad ko dyan, huwag kayong mag hangad ng mga bagay kung alam niyong kapos kayo. Isipin niyo yung mga magulang niyo na nagpapaka hirap mag trabaho, at nagsa sakripisyo ng malaki para makapag bigay ng mga luho niyo. Tsaka na kayo magyabang sa ibang tao kapag sariling salapi niyo na ang ipinang bibili niyo. Natuto na ako, hindi na ako palabili at hindi na ako nag a-aksaya ng pera. Lalo na't hindi naman ako ang nagpapaka pagod para kumita. Lalo kong minahal ang tatay at nanay ko. Saludo po sa mga magulang diyan!!
Ps: Mabait na po ako ngayon, kaya pag minsan nabili akong milktea, share kami ni tatay haha! Na adik na siya sa milktea, hindi na sa alak.
Rin
2020
Others
Others
No comments:
Post a Comment