Hi admin sana po mapansin niyo ako kasi nahihirapan ako, ako nalang kasi mag isa.
Way back 2009, I was 8 nong nakita ko kung paano mag makaawa si mama kay papa na wag kaming iwan pero hindi manlang kami nilingon ni papa. Iniwan nya kami at simula noon kami nalang ni mama. 2012 nong nag hongkong si mama. Ayoko sanang umalis siya pero walang wala talaga kami and I was forced to live with my grandparents. Mahal ni lola yung paborito niyang apo but unfortunately that's not me. Galit kasi si lola kay mama kasi she got pregnant at the age of 19 kaya mainit dugo sakin ni lola. Simula nong tumira ako don laging nag paparining si lola kesyo may dumagdag pa daw na palamunin pero nagpapadala naman si mama ng allowance ko. Everytime mag papadala si mama ng mga beauty products naririnig kong sinasabi niya na ang landi ko daw at tanda ko pa non birthday ni lolo narinig kong nag uusap sila tita at lola sabi ni lola wala daw aasahan sakin at sayang yung pag alis ni mama kasi mag papabuntis din lang naman daw ako. Hindi nila alam kong gaano kalaki yung pangarap at determinasyon kong makatapos ng pag aaral para kay mama. Everytime minumura ako ni lola to the rescue agad si lolo, si lolo yung naging kakampi ko, si lolo yung naging tatay at nanay ko,at tuwing birthday ko dinadala ako ni lolo sa restaurant at oorder siya nga friedchicken at pancit. Dahil kay lolo naging masaya ako at minsan nalang ako nalulungkot pero hindi ko alam na dadating pala yung araw na ako nalang ulit mag-isa. It was 2014 when my lolo passed away,maaga akong nasaktan ng mundo.
2016 nong nag pakasal si mama sa boss nya kasi kung hindi sya papayag pauuwiin sya at sabay kaming mamamatay sa gutom. Nagkaanak sila at simula non minsan nalang tumawag si mama to the point na hindi ko na siya ma contact at sabi ng tita ko masaya na daw si mama kasama yung asawa at anak niya,mayaman daw kasi yung asawa ni mama at mukhang inabandona na niya ako. Nanliliit ako kasi wala akong kakampi, my family treated me like an outcast and I was 15 that time. Naaalala ko nagkakaron lang ako ng magandang damit kapag may bagong damit yung mga pinsan ko, kung ano yung least sakin napupunta at hindi ako nag rereklamo kasi nasanay ako na ganon. Hindi ako makapagreklamo kasi sila yung nagpapakain sakin.
2018, I was 17 nong naging working student ako at pinilit kong mag trabaho ng sabay-sabay para makaalis ako sa bahay ni lola kasi para akong hayop kung ituring nila. Nahirapan akong mamuhay mag isa pero kinaya ko. Wala na rin akong narinig kay mama at minsan nakikita ko si lola at wala siyang pinagbago, tuwing nakikita niya ako dumudura sya na parang nakakita siya ng nakakadiri at syempre masakit yun para sakin. Kaya ko at kinaya ko ng mabuhay, maayos naman ako at tahimik ang buhay ko.
Not until January 16 2020 pinuntahan ako ng pinsan ko at sinama kila lola. Ayoko ko sana kasi sabi niya kahit ngayon lang daw. Hindi pa lahat nag sink in sakin ang mga nangyayare pero pag pasok namin sa bahay ni lola nakita ko yung babaeng naging inspirasyon ko dati para makapagtapos ng pag aaral, yung nag iisang taong kakampi ko pero inabandona ako, nandito si mama. Umuwi siya dahil namatay daw yung asawa niya, kasama niya yung kapatid ko. Nag usap kami ni mama at kaya daw hindi ko na siya ma contact kasi nong nalaman ng asawa niya na may anak siya dito sa pilipinas nag higpit daw siya kay mama. Madaming pinaliwanag si mama at kahit papaano napatawad ko siya sa ginawa niya sakin. Akala ko okay na lahat kasi simula nong dumating siya doon na rin ulit ako tumira kila lola kasama si mama at kapatid ko. Nakikita ko kung paano alagaan ni mama yung kapatid ko, nakikita ko kung gaano kasaya si lola at mga tita ko don sa kapatid ko, sa loob loob ko nasasaktan ako kasi yung saya sa mga mukha nila kahit minsan hindi ako ang naging rason.
Naging maayos kami kahit nagkapandemic. September 28 nong sabi ni mama babalik na daw siya sa hongkong okay naman sakin kasi akala ko magkasama kaming babalik sa Hongkong, akala ko kukunin na niya ako pero hindi.
November 5 2020 bumalik lahat ng sakit. Bumalik na si mama at kapatid ko sa Hongkong pero hindi ako kasama. Naiwan ulit ako mag-isa parang sinakal ako ng katotohanan. Sa mga oras na yun, akala ko babawi si mama, akala ko kasi okay na kasi naging masaya naman kami pero hindi pala. Porket masaya, magbabago na?
November 5 2020, binalikan ako para iwan ulit.
Guia
1st year
BSED
CAVITE
No comments:
Post a Comment