Tuesday, November 3, 2020

BINENTA KO ANG SARILI KO PARA SA PAMILYA KO

  Itago nyo nalang sa pangalang karen 18 years old At may isang anak na lalaki 2years old. Isa akong Single mom. Panganay sa magkakapatid.. Maagang nagkaanak  kaya natigil sa pag aaral. Broken family kami. May iba ng pamilya mama ko.. At may girlfriend nman ang papa ko. Okay naman lahat nung una.. Kasi nasa ibang bansa yung papa ko. Sinusuportahan nya naman kami ng maayos.

Hanggang sa dumating yung araw na.. Nagsawa na syang magpadala saamin. Alam nyo nman diba? Pandemic. Kaya walang hanap buhay. August 29 chinat kami ni papa na hindi na sya magbibigay saamin ng sustento. At tumayo na raw kami sa mga sarili naming mga paa... At that time di ko alam kung saan ako kkuha ng pera para sa anak ko. At para na din kela mama.. Hirap akong humanap ng trabaho kasi walang magbabantay at magaalaga sa anak ko.. Sunod sunod problema ko. Nagkasakit ako.. Nagkasakit anak ko. At nagkasakit mama ko. Sobrang problemado ako. At pinagdarasal ko lang lagi na sana maging maayos din lahat. Okay pa nman.. Binibigyan pa kmi ng mga tita ko ng pagkain.. Kada tanghali at gabi. Hanggang sa dumating sa puntong walang wala na kami. At baon na baon sa utang.. Wala ng makain.. Ng pambili ng gatas at pampers ng anak ko. Nagbibigay naman ng tulong yung ama ng anak ko.. Pero sobrang dalang lang...

 At isang kaibigan ang nag offer saakin ng tulong. Ang ibenta ang sarili ko. Sa ibat ibang lalaki sa halagang 2500. Sept 8 ng hapon. Sumama ako sa kaibigan ko. Sa dasma. Dun ako nagsimula. 2500.. Iniwan ko yung anak ko sa kapatid ko. Sobrang natakot ako.. Kasi di ko nman gawain yung ganun. At di ko alam kung anong gagawin ko. Pero nakisabay lang ako sa kanila. Naibbili ko na yung pangangailangan ng anak ko. Nakakain na kami ng tatlong beses sa isang araw. At nakakapagbayad na ako ng paunti unti sa mga utang namin. Hanggang sa inulit ulit ko na. Nasanay na din ako. Syempre. May proteksyon parin yun.

 Marami na ding kamag anak ko ang nakakaalam sa kung ano ang ginagawa ko. Pero di ko nalang pinapansin. Ang mahalaga di kami nagugutom.

 Dun sa papa ko. Pa.  Oo nasa tamang idad na kami para maghanap ng trabaho.. Pero pandemic ngayon pa. Mahirap humanap ng matinong trabaho. Di ako galit. Pa. Di ko lang matanggap na parang wala lang kami sayo... 

1f62d.png

 Sobrang hirap ng pinagdaanan ko pa.. Sobra. Di ko alam kung pano mo kami nagawang baliwalain ng ganun ganun nalang.

 Nangako ka pa e.  Na hanggat kaya mong tumulong tutulong ka.. Pero bat di mo kami tinulungan? Bakit mo kami pinabayaan.?



 AteMongP

1f494.png

 2019

 Grade12 Stem student/ehs


No comments:

Post a Comment