Tuesday, November 3, 2020

AKO MUNA

          Hi admin, itago niyo nalang ako sa pangalang Chin. Gusto ko lang i-share yung kwento ko para maging aral na din sa iba at makahingi na din ng advice. Hindi ako magaling magkwento pero sana ma-post po. So ayun mayroon akong ex at classmates kami dati. Siya yung tipo ng lalaki noon na tahimik, walang kibo kung hindi mo kakausapin, hindi makabasag pinggan kumbaga. As in di talaga kami close noon kasi kabaliktaran ako ng ugali niya kung anong ikinatahimik niya yun namang kinaingay ko HAHA. One time nagkasabay kami sa bus stop nung pareho kaming pauwi na tapos dun ko nalaman na iisa lang pala kami ng lugar na inuuwian. Kaya yung isang beses na magkasabay na yun ay nasundan pa ng ilang ulit. Hanggang sa siya yung nauna na pansinin ako. Sa isip-isip ko nga nun "marunong pala to magsalita" Nakakatawa nga. Kasi hanggang ngayon naalala kopa. Naging close kami, sa kaniya ko na nailalabas mga sama ng loob ko, So parang siya yung naging crying shoulder ko.

       Hanggang sa mahulog kami pareho sa isa't-isa. Nagkaaminan. Sa unang mga buwan naging maayos naman ang relasyon namin. Madaming nagalit nung una pero nalagpasan naman namin pareho. Unang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan, Isang taon. Hanggang sa umabot na nga kami ng taon. Naalala ko pa nga noon kapag nagaaway kami magugulat nalang ako kasi nasa labas na siya ng pinto para lang iabot yung foods sabay hihingi ng sorry. Namimiss ko na yung ganun HAHAHAHA

       Fast forward. Sabay kami naka-graduate, Pero magkaibang school  kami ng papasukan sa college dahil hindi namin afford ng pamilya ko yung tuition sa school na papasukan niya kaya magkahiwalay kami ng school. Unang semester?sa college maayos pa rin kami. Pero habang tumatagal nagbabago na siya. Puro nalang hinala, selos tapos lagi ng mainit ang ulo pagdating sakin. Nanibago ako kasi hindi ganun ang pagkakakilala ko sakaniya. Hinayaan ko lang baka dala lang ng pagod at stress sa school. Inintindi ko nalang tutal pareho kaming nagaaral. Pero ang hindi ko alam may iba ng ginagawa kaya nagbago na din pakikitungo sakin. Naalalala ko noon yung mga araw na hindi ako mapakali sa kakaisip kung nasaan naba siya? Kung ano na nangyari sa kaniya?tapos malalaman ko nasa kung saang inuman lang pala sila kasama mga kaibigan niya HAHA nakakatawa. Ilang beses na din niya na akong ginawan ng masama, Ilang beses na din siyang nangako na magbabago na siya At Ilang beses na din akong umasa at paulit-ulit siyang pinapatawad kasi umaasa ako na magbabago pa siya. Na baka pag na realize niyang hindi ko siya iniwan magbabago isip niya at babalik ulit kami sa panahon na masaya pa. Pero wala!

          Hanggang ngayon na umabot na kami ng ilang taon hindi ko pa rin nakikita yung pagbabago na pinangako niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong choice kundi sumuko nalang sumuko sa laban na alam ko naman na hindi na ako mananalo. Nagpaparamdam na naman pala siya, pero pinipigilan ko sarili ko na wag siya kausapin kasi alam ko na pag kinausap ko siya babalik nanaman ako sa umpisa. Babalik nanaman yung sakit. Oo mahal ko siya hindi naman agad mawawala yun diba? Pero ngayon mamahalin ko nalang siya sa paraan na pipilitin niya ayusin sarili niya. At sa paraan na magiging maayos kami pareho. Magpapahinga na muna ako. 

      Mahal, magpapahinga muna ako dahil masyado na akong ubos na ubos kasi binigay ko na lahat sayo at wala na ng itinira para sa sarili ko. Wag kang magalala. Babalik na tayo sa dati. sa dati na hindi tayo magkakilala, MAHAL KITA.

1f643.png

Chin

20**

2ndYear

Others 


No comments:

Post a Comment