Tuesday, November 3, 2020

CHAPEL

         Hi goiz,  just wanna share my stupidity back then when I was an Elementary pupil, hindi po ako magaling mag kuwento sorry in advance. Bale may tito ako, and he had a crush on this girl named Haya not her real name a, joke real name niya yan, para maiba naman chos. Si ate Haya matagal ko ng kilala, teacher namin siya sa chapel uwing may bible study. She's like the epitome of a dalagang pilipina, mabait, God fearing, mahinhin. Ewan ko kung dahil sa traits niya kaya lalo siyang gumanda pero she's really pretty back then tlaga. Laging white yung suot, white pants, white shoes, white bag, lahat yata! I used to call her "white lady" hahaha I perceive her as a really decent woman. And yung tito ko naman, no joke kabaliktaran niya, babaero, pasaway kila mommy at daddy (lola at lolo) sakit ng ulo sa bahay, halos per week nag iinom. But honestly though ganun siya he really isn't a spoiled brat yung pag iinom niya, babae, came from his wallet. 

      Hindi pa nag sink in sa utak ko nun na crush ng tito ko si ate Haya. Parang wala lang yung dating, noon bata pa kasi ako, tas asar na asar pa ako minu-minuto kumakanta siya ng "you look so beautiful in white" I'm not sure kung yan tlga yung title ha, basta sumisigaw ako every morning nun "papansin Jepoy!" feel na feel kasi kumanta tas ang lakas lakas pa, pag daan sa akin kukutusan ako.

        Then one time while nag sasagot ako ng parang mini Bible siya then may mga questions na sasagutan, kuwento ni Haring Solomon, detailed talaga favorite ko kasi na kuwento yun. Tinanong ako ni ate Haya, habang ako nakadumog sa Bible "Ley, may nobyo na ba ang tito mo?" ang soft tlga ng boses niya, "Ewan ko ate kung sino-sino po." Nagkikita lang kasi sila tuwing ihahatid ako ni tito sa Chapel. Like freak whenever na-aalala ko yung scenario na yun na aasar ako sa sarili ko. Bakit ko ba kasi sinabi yun, haha. Tas dati, yung Chapel nirenovate, kaya ang ending sila Pastor nag ba-bahay na o di kaya sa bahay nila Pastora. Tas dumating na yung araw sa bahay naman na namin sila, pumasok na sila Pastor, sister Thea ate Haya, brother Luis at iba pa, at bOom nagulat tlga ako, si tito nag bless!? As in nagulat tlga ako sa isip ko "Si tito Jef nagmano? We?" Hindi siya sumasama sa chapel kahit anong pilit ko abala sa car shows. Tas ayun, umupo na kami at nagsimula na mag preach si Pastor, katabi ko si ate Haya nun, tas sa kaliwa si Tito, tuwing mag pi-pray naka pikit siya at naka dumog, naninibago pa rin tlga ako nun. Pakitang tao e. Tas dahil singkit ako di halata kung sisilip ako habang nagdadasal sila, nasa gilid ko lang kaya malinaw tlga, si tito nakatingin kay ate Haya, tas ako naman tinignan ko siya nang masama, ayun nahuli biglang pikit ulit. Pero di ko pa talaga naisip na crush niya nun si ate Haya. Sa loob ng ilang buwan ganon yung routine (medyo may kalakihan kasi yung chapel, tas ilang beses pa napurnada yung pag start kasi namatay nun yung architect) 3 times a month siguro sa bahay yung simba dati tas lagi lang nasa gilid ko yung dalawang yun, tas kahit kailan di naman sila nag uusap.

       Pero one time kakagising ko lang nun, siyempre ano pa nga ba, alarm clock ko yung ngala-ngala ni tito, tas naka amoy ako ng pabango sinundan ko yung amoy kasi ambango talaga hanggang napadpad ako sa sa kwarto. Andon pla si tito nagsusuklay with matching kanta sa harap ng salamin. "Anong ganap tito?" Tanong ko sa kanya "Simba ngayon BRUHA" sagot nya. Papansin talaga kakagising ko lang nun eh. Tas ayun na nag lunch na kami at inantay mag ala una. Una kong nakita si Pastor tsaka si sister Perlie tas dumating na rin yung iba tas si tito Jef pa tingin-tingin inaantay si ate Haya, pero wala e hindi siya dumating. Inutusan pa ako ni titong papansin na tanungin kung bakit wala siya, ako nman na musmos pa lamang nagtanong na-ospital daw pala yung kapatid ni ate Haya, si Bambi, childhood friend ko dati. Si titong atat hindi pa nakuntento, pinatanong sa akin saang Ospital, tas yun humarurot na si tito. Sabi ko pa noon sama ako eh.

      Kaso ang bilis nya. Ambilis talaga. Ambilis. Ambilis ng panahon, 16th Death year anniversary niya ngayon, nung araw na umalis siyang nagmamadali naaksidente siya. 

      To tito Jef, papansin ka talaga! 21 ka palang noon kaasar ka talaga ang daya mo! Miiss na kita. Miss na miss. Yung beautiful in white mo? As in. Ang sakit. Sinisisi ko pa rin sarili ko, bakit ba hindi ko sinabi, na bago magsimba sa chapel noong hinahatid mo ako, lagi kang hinahantay ni ate Haya. 



SageM.

2004

UNKNOWN

UNKNOWN

No comments:

Post a Comment