Thursday, August 6, 2015

UAAP Lovers

"UAAP SEASON 73 isa sa mga hindi ko makakalimutang season di dahil natalo ang FEU ng ADMU dahil dito nagsimula ang aming pagmamahalan.

Habang nakapila kami sa Gate ng araneta may lumapit sakin na lalaki at binigyan niya ko ng Jersey ng FEU. di ko siya kilala sabi ko pa nga baka mali yung pinagbigyan niya. After niya yun ibigay sabi niya isuot ko at tumakbo na siya palayo. Cute siya, chinito pero sablay ng konti sa ilong napalaki lang ngkonti pero matangos naman, maputi at higit sa lahat mabango. Hahaha. After ng game hinahanap ko siya sa labas ng Araneta para mag thank you and makilala ko siya. Pero di ko na siya nakita. Medyo nalungkot ako kasi naging crush ko na siya. halos hindi ako makapag cheer nun dahil sa kakaisip sa kanya.

After 2 months naglalakad na ko pauwi ng biglang naka salubong ko siya. WTF. di ko maintindihan gagawin at pakiramdam ko nung mga oras na yun. Natatae, naiihi, suka parang konti na lang aatakihin na ko sa puso di ko alam kung papansinin or kakausapin ko siya. Tinawag niya ako sa pangalan ko na lubos kong ikinagulat.

Me: kilala mo ko?
Him: yup.
M: ok. Haha. Wala ko masabi.
H: tara mcdo.

May exam ako kinabukasan kaya di ako sumama kinuha na lang niya ang no. ko so ako naman si malanditera binigay ko. Hahahahaha. Nag katext kami ng ilang buwan masaya ko kasama siya kakwentuhan ka text. Parang mag bestfriend na nga kami. Alam niya yun na parang sa lahat ng problema ko di siya mawawalan ng payo at solusyon. Para siyang anghel sa lupa. HAHAHAHA. pero seryoso siya yung tipo ng lalaki na pinapangarap ng mga kababaihan. Siya yung pumuno ng mga pag kukulang ng bf ko n nasa Canada.

After 1yr umuwi na yung BF ko, nagagalt siya sakin kasi sobra kami naging close pinapalayo niya ko sa kanya. Lumayo naman ako kahit wala kami ginagawang masama Sobrang nag bago tong si BF lagi niya ko pinagbabawalan dumating na sa punto na sinasaktan niya ko pag di ako sumunod sa kanya sobrang sakal na sakal na ko. Pero wala ko magawa mahal ko kasi kaya ko mag tiis. Until one day nahuli ko siya sa Greenbelt may kasama Magkahawak kamay pa. Pt! lahat ng dugo ko kumulo sa galit sa sobrang galit ko binuhusan ko sila ng tea. Sobrang lungkot ko nuon at di ko alam ang gagawin naisip ko na tawagin si *tooot* kasi alam ko matutulungan niya ko pero di ko na siya matawagn kahit sa fb, at twitter wala. Pinagtanung ko sa mga kaibigan niya sa IARFA wala na daw sa FEU lumipat na ng NU so nawaln na ko ng pag asa na makita siya ulit at makausap pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit siya lumipat. Lalo ko nalungkot at pinagsisihan ko yung paglayo ko sa kanya at di ko pinaglaban sa bf ko pagkakaibigan namin. Lumipas ang ilang taon ang ilang season ng UAAP pero wala pa rin ako balita sa kanya.

UAAP SEASON 77 finals NU vs FEU first time ko ulit manuod ng uaap after ko maka graduate. Nakapila kami ng mga friends ko sa labas ng may lumapit ulit sa akin. di ko makakalimutan ang sandaling iyon sobra kong saya na parang tunigil ang oras nung makita ko siya.

H: para sayo. Suutin mo ah.
M: oh wag ka na tumakbo. Matagal na kitang hinanap. Sabay kindat.
H: oo naman. Ako din naman naghintay na magkita tayo ulit.

After niya sabihin yun hinawakn niya kamay ko habamg papasok sa araneta. Sobrang saya namin sa game parang nabawi namin lahat ng taon na di kami nagkita at nag kasama. kwentuhan, asaran tawanan halos di na namin napanood yung game. After ng game since talo FEU sobra niya ko inaasar. Hanggang pag uwi ko sa paghahatid niya sakin sa bahay inaasar pa rin niya ko. Nasa baba na kami ng bahay ng hinawakan niya ulit kamay ko.

H: i love you. Matagal ko ng gusto sabihin sayo ito. pero alam ko mali kasi may Bf ka. natatakot din ako kasi baka hindi mo ko gusto. sobra ko nalungkot nung pinalayo mo ko at umiwas ka sakin. lumipat k ng school para sayo para di na ko makagulo. kala ko makakalimutan kita kala ko sasaya na ko after ng ilang buwan pero hindi kasi mahal kita at ayaw ko nawala ka
M: (wala ko masabi nung mga oras na iyon. ang nagawa ko na lang ay ang yakapin siya)
H: Mahal kita. sorry kung nagulo nanaman kita. aalis na ko
M: mahal din kita. alam ko nuon pa pero pinigilan ko kasi mali may bf ako. pero alam ko noon pa na importante ka sakin higit pa sa kaibigan.at ngayon na ok na lahat mag simula tayo ulit. mahal na mahal kita *tooot* kay tagal ko hinintay ang pagkakataong ito.
H: Mahal na mahal din kita,

ayun, Nandito na kami sa Cebu masayng nag sasama.nagsisimulang muli. Itinataguyod ang aming mga anak. 3 aso at mga isda. Nagiipon narin ng pera para sa future at lakas ng loob para masabi nanamin sa mga magulang namin ang aming patagong relasyon. Mahirap kasi sitwasyon namin di alam ng pamilya namin na Bisexual kami at parehong alagad ng batas mga tatay namin. Haha."

Tambull
2009
Institute of Nursing (IN)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment