Thursday, August 6, 2015

JOLLIBEE MORAYTA GUY

"July 23, 2015 around 5 7:30pm

This happened super fast kaya hindi ko talaga alam ano dapat ang tamang i-react ko.. Ano ba dapat ginawa ko?!

SANA MAPOST TO ASAP

Di ako naka-uniform kanina, I'm a girl from FEU FIT. I've decided na dumaan ng school for the first time since pure internship lang ako this term to meet my friend (babae taga FEU FIT din) so nagkita na kami, na miss namin magkwentuhan kaya nag kita kami and naisip namin na magtawag pa ng barkada along U-belt.. so pumunta muna kami ng JOLLIBEE MORAYTA just to make calls to our friends, literally tumayo lang kami don at hindi nag order.. HAHAHA. Alam nyo namang di safe sa tabi tabi ng morayta so pumasok kami ng Jollibee para lang doon magtawag ng mga kaibigan. And then eto na si GUY(pogi) dumaan palabas na sya ng Jollibee, naka sweatshirt sya and napatingin ako, di ko alam from what school sya because di nga sya nakauniform. Dont know if taga FEU talaga sya but he's with guys wearing FEU uniform.. While ako nakaharang sa daanan ng mga tao HAHAHA epal lang nakaharang pa with my friend, may kausap nako sa phone non.. then I noticed na yung GUY ulit ..and he's checking me out. LOL. Pero ewan, na feel ko na tinignan nya ko so tinignan ko din sya pero sobrang ""ah okay good looking ka kuya.."" HAHAHAHA. Kilig syempre pero may kausap ako sa phone ano ba naman to?!

Kaya eto na nakita ko sya na kinausap nya mga friends nya na parang may plano sya.. Alam ko kanina pa sila palabas ng Jollibee pero humarang din sila ay nagstay sa pintuan ng Jollibee which was totally weird. Edi ako naman act normal lang pero naka feel na talaga ko. AND THEN NILABAS NA NGA NYA YUNG PHONE NYA. HAHAHA. At may kausap pa din ako sa phone! Eventually binaba ko na yung phone ko at palabas na kami ng Jollibee ng friend ko. PERO NANDUN PA DIN NAKA ABANG SI GUY. Wala syempre lakad lakad lang palabas na parang wala lang sya don.. Nakalagpas nako sakanila and then

Guy: Miss! miss!
Me: (tumingin syempre)
G: Uhm pwede ba makuha number mo?
Me: (sumagot naman agad ng di nag iisip) Uhm sorry hindi pwede eh. (Single naman ako?! Di ko lang talaga trip magbigay ng num sa strangers. Chos)
G: Ah girlfriend mo? Girlfriend mo?
M: (ka-holding hands ko pala yung friend kong girl napagkamalan pang girlfriend ko?!) Hindi ah!
Friend ko: May boyfriend na sya!

Then lakad na uli kami habang tumatawa na napagkamalan pang kaming dalawa?! Nakakaloka. And wala di ko binigay at di nako tumingin sa GUY habang papalayo.

HAHAHAHA. Nagulat ako na pinagkamalan pa kami ng friend kong babae. Kinuwento ko to dito para linawing di ako TIBO (no offense sa mga tibo) pero HELLO?! Di ba pwedeng close lang talaga kami ng friend ko hahaha. Nakakaloka yung pinagkamalang girlfriend ko pa sya.

Pero malakas loob ni kuya ah nag attempt pa din sya na hingin ang number ko.. Sorry kuya kung di ko nabigay agad medyo nagulat ako di ko ineexpect eh. May mga humihingi naman ng number ko pero di ko talaga binibigay agad lalo na pag on the spot. Pakipot muna. Kaya kung nababasa mo man to at naalala mo pa na nag attempt ka hingin ang number ko.. Sige ibibigay ko na kaso paano?! HAHAHAHAHAH

PS: medyo nanghinayang ako ngayon na di ko binigay number ko sayo kanina POGI mo pa naman.
tongue emoticon

Pero okay lang ba talaga ibigay ang number sa stranger?"

Chichi
201*
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment