Thursday, August 6, 2015

Possible reasons why your guy is cheating on you

1. Losyang kana- Masakit isipin na isa sa dahilan yung pagbabago ng itsura mo. Hindi kana kasing fresh nung una ka nyang nakilala.

2. Mataba kana- Naniwala ka sa kasinungalingang.." Okay lang na mataba ka. Para sakin ikaw parin ang pinaka sexy." ISA YANG MALAKING KALOKOHAN! Tignan mo ipinagpalit ka sa sexy-payat diba.

- Mag paganda, magpa sexy ka, in short wag mong pabayaan ang sarili mo dahil lang sa mga salita niyang "gusto ko simple ka lang o gusto ko ganyan ka lang ka taba" dahil di yan totoo! Kapag nakakita ng mas sexy o mas maganda yan iiwan ka agad nyan. Gawin mo ang pag aayos para sa sarili mo at wag kang makinig sa mga opinyon niya.

3. Wala ka ng oras sa kanya - Binabalewala mo. Pakiramdam niya hindi mo na siya mahal. Nakahanap tuloy siya ng babaeng kayang mag bigay ng time sa kanya. Yung kayang mag paramdam ng pagmamahal sa kanya araw araw.

4. Nagger ka na- Rinding rindi na siya sa pagbubunganga mo araw araw. Sawang sawa na siya sa panget na ugali at pang aaway mo ng walang dahilan. Ayun nakaramdam tuloy ng pagmamahal sa iba, iniwan ka.

5. Wala siyang tiwala sayo- Niloko mo na siya dati. Tandaan, mas madaling iwanan ang relasyon kung wala ng tiwalang involve dito.

6. Ang pabebe mo- Ang arte arte mo, turing mo sa kanya parang aso na susunod sayo kahit san ka mag punta, parang maid na susunod sa lahat ng utos mo, parang bangko kakapabili mo ng kung anu-ano.

7. Sawa na siya- Simpleng sawa nalang talaga siya sa mukha mo, sa relasyon nyo, sa set up nyo araw araw, sawa na.

8. Ayaw sa kanya ng magulang mo- Sumuko agad, di ka kayang ipag laban. Nakahanap ng iba na hindi siya mahihirapan sa magulang, iniwan ka.

9. You're out of his League- Masyado kang better compared sa kanya. Pakiramdam niya siya yung pinaka bobo o pinaka panget kapag kasama mo siya kaya tapak na tapak ang ego nya.

10. Sexy time- Ayaw mong makipag ano tuwing naaano siya. Nakahanap tuloy ng ibang maaano, iniwan ka.

11....20. Malandi - Malandi lang talaga yung gago, hindi marunong makuntento, di marunong mag pahalaga. Yung mga ganitong tao na ang sarap ibaon sa ilalim ng dagat. Ang kakapal ng mukha. Pweh!

Mariz
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment