Thursday, August 6, 2015

IKAW LANG TALAGA

"Admin, sana mabigyan ng chance na ma-post to dahil alam kong nagbabasa sya sa page na to. Salamat.

December 19, 2013 after 6 months of courting her, finally sinagot ako ni Yumi (my ex-girlfriend). One of the happiest day of my life.
Nanatiling pribado ang relasyon namin sa side nya, sa mga friends nya at lalong-lalo na sa family nya. Unlike sa akin na legal kami sa family ko at kilala sya ng lahat ng friends ko. Pero never naging issue yun samin.
Truth is, Botong-boto sila Mommy at Daddy sa kanya at mga kaibigan ko. Sabi ko pa nga nun, if God permits, gusto ko sya na yung makakatabi ko sa harap ng altar, yung magiging ina ng mga magiging anak ko at makakasama ko sa pagtanda. Tipong hanggang wakas. Ganoon ko sya kamahal.

Hanggang isang araw, nakipag-break sya sakin. Wala kong maisip na dahilan kung bakit pero, pumayag ako.
Inisip ko, maybe she need some time? Nasasakal ata sya sa pagmamahal ko?
EWAN. DI KO ALAM.
Hanggang sa nalaman ko ang dahilan: Natakot daw sya dun sa hiniling ko nung 18monthsary namin; ang ipakilala nya ko sa mommy at daddy nya.

ANG SAKIT. ANG SAKIT ISIPIN
NA DAHIL LANG DOON KAYA NATAPOS LAHAT NG MERON KAMI.
Sinubukan kong humingi ng isa pang chance pero hindi na sya nagrereply sa mga messages ko. Babe, i know mababasa mo ito, i just wanted to say sorry. Sorry kung nabigla kita sa nasabi ko before, but please?
Bumalik ka na sakin.
Kung kinakailangan na ligawan ulit kita, sige. gagawin ko. kasi, IKAW LANG. IKAW LANG TALAGA.

MAHAL NA MAHAL LANG TALAGA KITA. YUN LANG YUN. SANA BIGYAN MO PA KO NG ISA PANG CHANCE. PLEASE YUMI. I MISS YOU AND I LOVE YOU, FOREVER."

Lance
2014
Institute of Tourism & Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment