"Nabasa ko po yung confession ni Lance. I dont have his number dahil nagpalit din po ako ng cell no. ko kaya naisipan ko na dito nalang sabihin sa kanya ang totoong dahilan ng pakikipaghiwalay ko. It's me, Yumi. His ex girlfriend. Thank you na rin po in advance kung mai-post man po ito Admin.
---
After 1 year and 6 months na
relasyon namin, nakipag-break
ako kay Lance (my ex boyfriend). People may think na may iba,
o na di kita talaga mahal pero ok
lang, tutal desisyon ko naman
talaga yun. At dapat lang na aware
ako na yun ang maririnig ko mula
sa ibang tao.
Lance, I ignored your calls and
messages, dahil alam ko na kapag
pinansin ko pa ang mga yun,
magiging mahina ako. Na baka
isang araw, ako pa yung
magmaka-awa sayo na bumalik ka sa akin. IM SORRY LANCE. IM
SORRY. Im sorry kung nasaktan
kita. Im sorry kung iniwan kita. I
just have to make a difficult
decision, at sorry kung wala
akong ibang nakitang paraan para
lang malusutan ang problema ko.
Lance, remember the reason i told
you kung bakit ako nag-shift? Ang
sabi ko nun, ""eto ang gusto ni
Mommy"". Kinalimutan ko yung
pangarap ko na maging isang civil
engineer dahil ayoko ma-
dissapoint ka akin.
Alam mo naman kung gaano
kahigpit si Mommy diba? Natakot
ako na baka palayuin ka nila sa
akin. Kaya nga ako na mismo ang
nakipag-hiwalay sayo. Para di na
malaman pa nila Mommy ang
tungkol sa atin. Ang sabi ko
nalang sa sarili ko: Masasaktan
ka, pero alam kong kakayanin mo
at makaka move-on ka. Matapang
ka kasi Lance. Ako? Kahit masakit,
ginawa ko. Alang-ala sayo. Ayoko
lang kasi na magalit sila sayo. Na
magkagulo pa pag nagkataon.
Pero Lance, ayokong isipin mong
hindi kita mahal. Ayokong isipin
mong hindi ako proud sayo. Dahil
gustung-gusto kong ipagsigawan
sa buong mundo kung gaano kita
kamahal. kaya ko nga ginawa yun
kasi MAHAL KITA, MAHAL NA
MAHAL KITA. Kahit na ang kapalit
nun ay ang paglayo mo at
pagkadurog ng puso ko.
At isa pang mabigat na dahilan ay dahil may sakit ako. MAY SAKIT AKO SA PUSO. Hypertrophic
cardiomyopathy. Nalaman ko yun before ako makipagbreak sayo. Hindi ko yun matanggap Lance. ANG GULO. ANG GULO NG LAHAT. ANG DAMING HINDI PWEDE. ANG DAMING DAPAT IWASAN. Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin. NATATAKOT AKONG MAIWAN SILA MOMMY NG MAAGA, NATATAKOT AKONG IWAN KA. Kaya nga, imbis na lumalim pa yung love mo para sakin, tinapos ko. Na kung mawala man ako ng
maaga, at least naka-move on
ka na. At least masaya ka na.
Lance, alam kong mababasa mo
ito. Anuman ang mangyari, Magkabalikan man tayo o hindi,
Isa lang ang alam ko: May plano
ang tadhana. At kung papalarin
na mabuhay ako ng matagal,
ikaw lang ang pipiliin kong
makasama hangga't nabubuhay
ako. SA TAMANG ORAS LANG
LANCE. PERFECT TIME. Hindi ito tanda ng pagpapa-asa. Sadyang ipinapaubaya ko lang sa tadhana
ang kung anumang mangyayari. Sorry kung naging mahina ako. Sorry kung hindi ko sinabi. At sa mga nakabasa ng confession ni Lance, naintindihan ko ang mga comments nyo, kung nagalit man kayo. Pero gusto ko pa rin magpasalamat sa mga nakaintindi hindi pa man din naririnig ang side ko. Salamat.
Again Lance, Mahal kita. At sana ngayon, naiintindihan mo na ako at mapatawad mo sana ako sa nagawa kong pang-iiwan. I LOVE YOU, NOW AND FOREVER."
Yumi
2014
Institute of Accounts, Business and Finance (IABF)
FEU Manila
No comments:
Post a Comment