July 20 last year. Umaga nun. Ginising ako ni mama.
Siya: Nak alis na ko.
Ako: Ano ba yan! Sige!!!
Tapos natulog ako ulit.
Ni hindi ko man lang siya natignan.
Ilang oras ang nakalipas ginigising ako ng ate ko. Umiiyak siya.
Hindi na daw magising si mama.
Agad akong pumunta sa kwarto ni mama at nakita ko siyang naka higa, wala ng buhay. Iniwan na kami ni mama.
Kahit lalake ako buong araw akong umiyak ng umiyak sa harapan ng mga tao. Hindi ko matanggap. Tangina! Mawala na lahat wag lang mama ko.
ðŸ˜
Mahal ko yun eh!
ðŸ˜
Sana ako na nga lang yung kinuha. Puta! Ang sakit sakit parin!
ðŸ˜
Namimiss ko yung mga araw na tinatawag niya ako para kumain. Namimiss ko yung mga luto niya. Yung mga araw na baby boy parin ang tawag niya sakin tapos ikikiss niya ko sa pisngi pero umaayaw ako.
ðŸ˜
Namimiss ko yung mga araw na susunduin nya pa ko sa court. Nagagalit pa ko kay mama kapag ganun kasi inaasar ako ng mga tropa ko na mama's boy. Tangina kung pwede lang sana ibalik lahat.
Kung alam ko lang na mawawala yung babaeng pinakamamahal ko edi sana yung mga araw na inuutusan niya ko, sumusunod nalang ako. Mga araw na pinapagalitan niya ko edi sana di ko siya sinasagot. Akala ko kasi permanente ang mga bagay. Permanente ang mga taong nandyan lang sa tabi mo.
ðŸ˜
Hindi ko inisip na mawawala siya. Mahal na mahal kita mama.
ðŸ˜
Sana nasabi ko man lang sayo to bago ka nawala. Tang ina. Sorry ma kung nagkaroon ka ng gago at suwail na anak. Alam kong nung nabubuhay kapa puro pagpapaiyak nalang ang nagawa ko sayo. Puro pagpapasama ng loob mo at sakit sa ulo.
ðŸ˜
Mama patawarin mo ko. Mahal na mahal kita mama at kahit ano at kahit sino kaya kong ipag palit para lang sayo.
ðŸ˜
Miss na miss na kita ma.
Alam ko kung gaano mo ako ka mahal dahil nakapag paalam ka pa sakin bago ka kunin. Gago lang ako at kahit lingunin ka, hindi ko nagawa.
Sorry mama! I love you!
💔
ðŸ˜
Baby boy mo.
2011
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila
No comments:
Post a Comment