Monday, August 9, 2021

THOUGHTS JUST NOW (SPG)

Hi. I'm Erin. Ewan, bigla ko lang naisip na mag-share ng thoughts ko dito. Para to sa mga lumalaban ng palihim. Silent battles ika nga. Kasi isa ako don.

Maraming kaganapan sa buhay ko na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Plus, dumagdag pa ang pandemic.
Sobrang laki ng pinagbago ko noon at ngayon. School ko, work ko, iniwan ko dahil sa kalagayan ko, at umuwi ako sa amin, sa probinsya.
At eto na nga, almost 3 months na rin akong nandito sa parents ko. Namiss ko rin sila. Akala ko, ito na yung chance ko para baguhin ulit lahat. Pero hindi pala. Dami kong inakalang tama. Mas lalo lang akong nagpakalunod sa lungkot. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, parang may hinahanap akong sagot na hindi ko alam saan ko makukuha kasi ang isip ko, may mali talaga.
Hanggang sa nitong nakaraang gabi lang. Nagsisimula na naman yung mood ko na parang ewan. Tapos timing din na may konting alitan si mama at papa. Napansin namin yun kasi medyo pasigaw na sila naguusap. Rinig sila kahit nasa kusina.
Tapos pumasok ako sa kwarto at doon ginawa ko yung laging dinidemand sa akin ng utak ko. Pinag-uuntog ko yung ulo ko sa dingding. Pinagsasampal ko ang mukha ko, suntok. Hanggang sa nasugat yung kilay ko sa kaliwa tapos nabibingi na ako dahil nasuntok ko yung tenga ko. Para akong nawawala sa sarili.
Napatigil ako sa pag iyak kasi nasa likod ko lang pala si mommy. Hindi ko siya napansin.
Lumapit sya sa akin. Niyakap nya ako, umiiyak na rin sya. Kumuha sya ng yelo tapos towel, tapos yung first aid kit. Umiiyak sya habang ginagamot nya ako.
Pagkatapos nun, tsaka sya nagsalita.
"Anak, labanan talaga ang buhay ngayon. Stress lang kasi kami ng papa mo, kaya ganun. Sorry, nak, pero sana hindi ganito. Kung iisipin lang ang pagod anak, sobrang pagod na rin kami. Pero hindi namin ipapakita yun sa inyo. Kakayod kami hanggang kaya namin. Pero kung makikita kitang ganyan Nak, malaking sampal sa amin yun ng papa mo. Isang kabiguan yun sa amin bilang magulang mo."
At dun ako lalong napaiyak. Nung sinabi sakin ni mama yun, parang bigla akong nagising at narealize ko na,
Sa hinaba ng panahon, naging selfish ako.
Maraming oras ang sinayang ko. Nagpakalubog ako sa lungkot. Nadaya ako ng sarili kong utak.
Kung iisipin ko, malungkot na ang mundo, dadagdag pa ako? Sa sobrang nakatuon ako sa sarili kong drama, di ko man lang nakita na sila din ay naghihirap. Pero nagpapatuloy sila.
Sobrang sakit.
Hindi dahil pagod na ako. Kung hindi naging makasarili ako. Nakikita ko, pero hindi ko naisip sila Mommy at Daddy na gumagapang na sa hirap ng buhay pero patuloy pa rin sila sa pagkayod para lang ipakita sa amin na andyan sila bilang mga magulang namin. Pero kung iisipin ko, pagod na rin sila. Kung iisipin ko, naiisip na din nila na tila pinaparusahan sila ng panahon. Imbis na maging ganito ako, dapat I-appreciate ko sila.
Kaya sa mga tulad ko, hindi ko ini-invalidate yung bigat na nararamdaman niyo. Pero sana wag nyo hahayaan na tatagal yung ganung pakiramdam sa inyo, yung magiging malungkot nalang bawat araw.
Simulan mo nang i-appreciate ang mga bagay, lalo na yung mga taong nasa paligid mo, yung mga taong parte na ng buhay mo, kumustahin mo sila, makipagusap ka sa kanila.
Kasi hindi natin hawak ang buhay natin. Tumatanda tayo, hindi bumabata. At kung may unang-una ka man na dapat mong pahalagahan, yun ay ang sarili no at mga mahal mo sa buhay kase hindi natin alam ang maaaring mangyari kinabukasan.
Erin
2018
Unknown

Friday, July 23, 2021

I THOUGHT

Hi, I'm Beng from Bulacan. Graduating student this coming August. I just want to share what I've experienced 2 weeks ago.

I came from a simple family. Sapat na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Only child ako. Parehong nagtatrabaho ang mga magulang ko. Ang tatay ko ay driver ng tryk habang ang nanay ko naman ay nag aalaga ng bata.
Madalas ako maiwan sa bahay araw-araw kahit noong hindi pa pandemic. Maayos naman kami ng mga magulang ko, were good in terms (I guess) kahit hindi magkakasama araw-araw but syempre we have arguments din but "lambing arguments" ang matatawag ko. Nagkakapikunan kami ng mama ko sa mga hugasin, sa mga gawaing bahay. We both hate kalat. Ayaw na ayaw nila na umuuwi na makalat. Kaya I always challenge myself na everyday uuwi sila dapat malinis sa bahay. Everything goes well, uuwi sila maayos sa bahay, papasok sila sa trabaho ng maaga. And I didn't expect na maeexperience ko yung mga na-experience ng ibang tao.
One time, umuwi mama ko, saying na nag-positive daw yung tatay nung inaalagaan niya na bata. And for me, I was just chill because I was confident that time na she was okay lang, na I have faith ba na she's protected. But I didn't know that yung pagiging "chill" ko would end up sa sobrang pagka-worried.
For the next swab test, she became positive. And there was a pinch inside my heart. All the memories I had with my mom came back, the way na awayin ko siya, everytime na hindi ko na-appreciate yung mga ginagawa niya for me, yung pagalit niya kasi makulit ako na I thought trip niya lang ako pagalitan, everytime na mainit ulo ko because of school works, the way she leave me a note before she go to her work. I thought were okay, but were actually not. I realized how bad I was. How I lack and deprive them ng attention ko.
I thought okay lang na ganon ang set-up namin na uuwi sila, papasok sa work and maiiwan ako tapos paulit-ulit lang na routine. I thought ayos lang na hindi nag-uusap. I thought sapat na yung nanjan sila at nandito ako. I thought okay lang na hindi ako nag-iinitiate ng usapan or kwentuhan sa kanila. Mas nakikipagbiruan pa ako sa mga kaibigan ko kaysa sa kanila. I thought ayos lang na mabibilang sa daliri kung ilan lang pictures namin together.
But its not.
And I thought that time, mama ko lang but yung papa ko din nag-positive. They even told me na they have to leave for the protocol of isolation facility. And for the whole weeks they're gone, I just realized how important yung communication no matter how hard, how hectic yung sched ng bawat member ng family 'coz this is life. We never know what will happen in the next hours, days, weeks, months or years.
We always call each other, during their stay in the facility, we tend to call each other. And one thing I observed to them was, they were really happy and kinda funny to be with. Hindi pala sila boring, its just that ako lang kasi talaga yung hindi nag-initiate na makipagbiruan sa kanila because I always reason out na I was busy sa school, inaantok na ako amd whatever excuses.
I realized and see the worth of my parents. I see and understand na hindi lang lagi aral, hindi lang laging barkada ang inaatupag, hindi laging sila nanay at tatay lang ang may responsibilty satin. Its also our responsibility to take care of them. I learned how to be intentional and make time to those people around me.
Archt
2021
Architecture
BSU

Tuesday, July 20, 2021

SMART BANNER

So ito nga, aside sa bts meal we all know naman na endorser rin ng smart yung bts dito sa atin. Nakapag redeem na ako ng bts photocards sa smart outlet pero wala pa ako ni isang smart banner na may mukha ng mga asawa ko. May nakita naman akong tindahan dito sa amin, trinay ko hingiin pero bawal daw. Edi si ate mo girl umuwing sawi. Hahaha!

Hanggang sa para akong nakakita ng lightbulb sa utak ko at naalala ang ex ko. Yung girl na ipinalit nya sa akin noong nagloko sya, sila pa rin till now. Naalala ko man yung panloloko nilang dalawa, natatawa na lang ako sa ideyang pumapasok sa utak ko.
Yun kasing ipinalit nya sa akin nagbebenta ng load sa may palengke. Retailer ba ganun. Yung lahat ng networks. Tho palagi ko nga sya nakikita noon, hindi kami nagpapansinan kasi aware naman syang nang agaw lang sya noon. Nahiya ata.
Pero this time I need to talk to her. Hindi para magkapatawaran kundi alam nyo na. Humingi ng bts smart banner. HAHAHAHAH! So ito nga, pagdating ko sa pwesto nila nagulat si girl. Sabi ko magpa-paload ako. After nya ako niloadan pangiti ngiti lang ako halata mong may pakay talaga. While sya halata mo nahihiya. Hanggang sa nagtanong ako.
"Uy may smart banner ka yung may face ng bts?" Abay tumango lang ang lola mo. Sabay sabi nya "Gusto mo? Bibigyan kita. Ayun kumuha sya hindi lang isa kundi tatlo. HAHAHAHA nag thank you ako after. That was our smooth conversation after a year of betraying me. By the way wala na sa akin yung nangyari, okay na ako. Pasalamat nga sya bts banner lang hiningi kong danyos sa kanya on breaking my heart before. Hahahaha atleast my Bts banner na ako.
Jena
2021
Others
Alabang

SELFISH

Meron na sana tayo ngayon 5 years old na anak kung hindi ako naging selfish noon.
Year 2016 nung sinabi ko sayo na buntis ako. As usual, di ka naniniwala, hindi ka pa ready sa responsibilidad mo. Mas matanda ako sayo ng isang taon at highschool lang tayo parehas neto. Mula ng sinabi ko sayo na buntis ako, naging cold ka sa akin, kaya ramdam na ramdam ko na ayaw mo sa dinadala ko. Pilit kita nilalambing at sinasabihan na pupuntahan kita sa inyo pero ayaw mo. Palagi mong reason busy ka mag ayos ng mga papeles mo, dahil nung mga panahon na to pabalik kana ulit sa italy. Masakit para sa akin na hindi mo kami kayang panindigan ng anak mo. Kita ko din naman sayo na hindi ka pa ready, at alam ko sobra kong masisira buhay mo kung ipagpapatuloy ko pag bubuntis ko. Kaya nag decide ako umuwi non sa panggasinan, pinalaglag ko anak natin. Kahit mahirap ang signal sa panggasinan nag hanap padin ako ng way makausap lang kita. Hindi ko sinabi sayo yung ginawa ko. Sinusubukan pa rin kita kausapin kung pwede tayo magkita bago ka man lang umalis ng bansa dahil sa sobrang depress ko sa ginawa ko. Gustong gusto ko humingi ng comfort sayo ng mga oras na yun pero binaliwala mo lang ako at ni hindi mo man lang din kinamusta pagbubuntis ko.
Husgahan niyo na ko kung gusto niyo, inisip ko lang ang kinabukasan namin parehas, lalo na sa kanya. Ngayon nakikita ko naman siya na masaya na sa Italy at masaya na ko doon, may bago na rin siyang girlfriend ngayon. Pero ako eto hanggang ngayon, dinudurog pa rin sa ginawa ko sa sarili kong anak. Hanggang ngayon di ko pa rin nasasabi sa kanya, at wala na ko balak pang sabihin sa kanya yun. Di bale ng ako ang magdusa dahil sa ginawa ko, dahil di ko nagawang protektahan sarili kong anak.
Freya
2015
Others
Others

ALAK

Ang swerte nung pamilyang kahit broken family may pagmamahal at pagmamalasakit sa isat-isa. Yung pamilyang kahit nagkamali ka tatanggapin ka buo at walang isusumbat sayo kasi ayaw ka nilang masaktan. Yung pamilyang pagkukunan mo ng lakas, magpapalakas ng loob mo at mamahalin ka ng buo. Yung pamilya kasing meron ako wala ni isa sa mga nabanggit ko.

Sa bawat araw na dumadaan wala kong narinig sa kanila kundi puro pangmamaliit at panglalait. Pwede ko na nga sabihin na nabubuhay ako sa sumbat nila e. Yung tatay ko everytime na malalasing lahat ng reason kung bakit sila naghiwalay ni mama isusumbat nya sakin kahit wala kong kinalaman. Ico-compare nya ko kay mama tapos dadagdagan nya yon at isusumbat sa akin.
"Yung utak mo puro pangarap, bobo!"
"Puro ka pangarap ng walang katuturan."
"Dun ka sa nanay mong p*ta, pvta*na!"
"Wala kang patutunguhan sa buhay."
"Tanggapin mo lahat ng sakit kasi yun yung totoo."
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tanggapin at magsawalang-kibo sa lahat ng sinasabi nyo kasi dati tatahimik lang ako at iiyak sa isang tabi pero ngayon? Nagagawa ko ng tanggapin na parang wala lang lahat. Ni hindi ko na magawang umiyak o masaktan. Immune na siguro ako kaya sobrang manhid ko na.
Sabi nyo may anak na ko kaya dapat napupursigi ako, pero sa tuwing susubukan kong umabante, hihilahin nyo ko pabalik. Kesyo "Sinong mag-aalaga ng anak ko, ura-urada ako at di nag-iisip. Sinong inaasahan kong mag-aalaga sa anak ko, kayo?"
Sobrang hirap na maging taga salo ng kasalanang hindi ko naman ginawa. Sobrang hirap maging anak nyo. Pagod na pagod na ko mentally and emotionally.
Pero kahit tingin nyo sakin walang kwenta at pabigat. Kahit tingin nyo hindi ako mabuting anak. Hindi ko hahayang maranasan ng anak ko lahat ng hirap at bigat na naranasan ko sa inyo. Wag kayong mag-alala makakabawi din ako pero hindi na sa inyo. Magiging mabuting magulang ako sa anak ko kahit hindi yun ang nakikita nyo.
Siguro nga puro pangarap lang ako ngayon pero sa bawat hakbang ko sa buhay hindi ko kayo nakalimutang isama. Pangako isang araw may mararating din ako.
Marami pa sana kong gustong sabihin pero siguro hanggang dito na lang. Hindi rin kasi ako magaling magkwento gusto ko lang talaga ilabas yung bigat na nararamdaman ko.
Kang
2018
H.E
Others