Hi. I'm Erin. Ewan, bigla ko lang naisip na mag-share ng thoughts ko dito. Para to sa mga lumalaban ng palihim. Silent battles ika nga. Kasi isa ako don.
Maraming kaganapan sa buhay ko na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Plus, dumagdag pa ang pandemic.
Sobrang laki ng pinagbago ko noon at ngayon. School ko, work ko, iniwan ko dahil sa kalagayan ko, at umuwi ako sa amin, sa probinsya.
At eto na nga, almost 3 months na rin akong nandito sa parents ko. Namiss ko rin sila. Akala ko, ito na yung chance ko para baguhin ulit lahat. Pero hindi pala. Dami kong inakalang tama. Mas lalo lang akong nagpakalunod sa lungkot. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, parang may hinahanap akong sagot na hindi ko alam saan ko makukuha kasi ang isip ko, may mali talaga.
Hanggang sa nitong nakaraang gabi lang. Nagsisimula na naman yung mood ko na parang ewan. Tapos timing din na may konting alitan si mama at papa. Napansin namin yun kasi medyo pasigaw na sila naguusap. Rinig sila kahit nasa kusina.
Tapos pumasok ako sa kwarto at doon ginawa ko yung laging dinidemand sa akin ng utak ko. Pinag-uuntog ko yung ulo ko sa dingding. Pinagsasampal ko ang mukha ko, suntok. Hanggang sa nasugat yung kilay ko sa kaliwa tapos nabibingi na ako dahil nasuntok ko yung tenga ko. Para akong nawawala sa sarili.
Napatigil ako sa pag iyak kasi nasa likod ko lang pala si mommy. Hindi ko siya napansin.
Lumapit sya sa akin. Niyakap nya ako, umiiyak na rin sya. Kumuha sya ng yelo tapos towel, tapos yung first aid kit. Umiiyak sya habang ginagamot nya ako.
Pagkatapos nun, tsaka sya nagsalita.
"Anak, labanan talaga ang buhay ngayon. Stress lang kasi kami ng papa mo, kaya ganun. Sorry, nak, pero sana hindi ganito. Kung iisipin lang ang pagod anak, sobrang pagod na rin kami. Pero hindi namin ipapakita yun sa inyo. Kakayod kami hanggang kaya namin. Pero kung makikita kitang ganyan Nak, malaking sampal sa amin yun ng papa mo. Isang kabiguan yun sa amin bilang magulang mo."
At dun ako lalong napaiyak. Nung sinabi sakin ni mama yun, parang bigla akong nagising at narealize ko na,
Sa hinaba ng panahon, naging selfish ako.
Maraming oras ang sinayang ko. Nagpakalubog ako sa lungkot. Nadaya ako ng sarili kong utak.
Kung iisipin ko, malungkot na ang mundo, dadagdag pa ako? Sa sobrang nakatuon ako sa sarili kong drama, di ko man lang nakita na sila din ay naghihirap. Pero nagpapatuloy sila.
Hindi dahil pagod na ako. Kung hindi naging makasarili ako. Nakikita ko, pero hindi ko naisip sila Mommy at Daddy na gumagapang na sa hirap ng buhay pero patuloy pa rin sila sa pagkayod para lang ipakita sa amin na andyan sila bilang mga magulang namin. Pero kung iisipin ko, pagod na rin sila. Kung iisipin ko, naiisip na din nila na tila pinaparusahan sila ng panahon. Imbis na maging ganito ako, dapat I-appreciate ko sila.
Kaya sa mga tulad ko, hindi ko ini-invalidate yung bigat na nararamdaman niyo. Pero sana wag nyo hahayaan na tatagal yung ganung pakiramdam sa inyo, yung magiging malungkot nalang bawat araw.
Simulan mo nang i-appreciate ang mga bagay, lalo na yung mga taong nasa paligid mo, yung mga taong parte na ng buhay mo, kumustahin mo sila, makipagusap ka sa kanila.
Kasi hindi natin hawak ang buhay natin. Tumatanda tayo, hindi bumabata. At kung may unang-una ka man na dapat mong pahalagahan, yun ay ang sarili no at mga mahal mo sa buhay kase hindi natin alam ang maaaring mangyari kinabukasan.