Thursday, May 13, 2021

MCDO SERYE (Part 1)

Hi. Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Mark. May kaibigan akong si John. Parehas kaming nagtatrabaho sa fastfood, kita naman sa title kung saan. Please admin, pakitago ng identity namin at baka mawalan pa kami ng trabaho ni John.

Alas-sais ng gabi pasok namin dalawa ni John. Parehas kaming nightshift dahil parehas kaming working student.
Kalagitnaan ng duty, biglang nagutom si John. Tatlo lang kami sa kitchen kaya hindi kami makapag-break. Sobrang dami rin ng orders kaya hindi talaga namin masingit ang pagkain.
Busy na ang lahat. Habang yung managers namin hindi na magkanda-ugaga sa dami ng costumers.
Etong si John nakaisip na naman ng kalokohan.
"Erp, pabantay si Ma'am” biglang sigaw niya.
Ako naman 'tong masunuring tropa, tumango lang. Masyado na naming kilala ang isa't isa kaya alam kong kalokohan na naman.
Nilingon ko si Ma'am andun pa kumakausap ng costumer sa drive-thru kaya hindi ko na siya tinignan at bumalik sa station ko.
Nung nilingon ko si John, nakita kong may hawak hawak ng dalawang pirasong chicken nuggets. Halatang mainit init pa dahil pinapatong niya sa apron niya.
Nang isubo na ni John sa bibig niya ang dalawang nuggets biglang nagsalita si ma'am sa likuran,
"John, ilang minutes daw sa nuggets?"
Sa loob ko mamatay matay na 'ko sa tawa dahil nakita ko si John na sabay nilunok ang dalawang pirasong nuggets hahaha!
Si tängä hindi makasagot habang namumula na at nangingilid na ang luha.
Buti nalang nakatalikod siya kaya nagkunwaring hindi niya narinig si ma'am.
Dahil naawa ako sa tropa kong maiyak-iyak na, ako na sumagot kay ma'am,
"3 minutes nalang po yan ma'am, may dagdag order pa ma'am?"
"Wala naman, nag-follow up lang" sabi ni ma'am sabay umalis.
Dun ko na nabuhos lahat ng tawa ko habang tinitignan ko si John hahaha. Halos hindi na makahinga si tängä. Kaya sabi ko pumunta munang crew room at uminom ng tubig.
Ilang araw ring hindi nakakakain ng maayos si John, dahil napaso ang lalamunan. At sinisisi pa ko dahil hindi ko raw binantayan si ma'am.
P.S. Like niyo nalang kung gusto niyo pa ng ibang kalokohan.
Mark
2021
Unknown
Unknown

Thursday, April 22, 2021

MALUWAG

Hi. I'm Snow.

May boyfriend ako, and hindi ko sya hinihigpitan sa lahat. If he wants this I let him. Nakilala ko sya na naninigarilyo and umiinom so okay lang saken yon.
Every time na magpapaalam sya saken na pupunta sya sa ganito sa ganyan, iinom I let him. Hinahayaan ko syang gawin whatever he wants at kung ano yung nagpapasaya sa kanya kasi magboyfriend and girlfriend palang naman kami at hindi pa kami mag asawa. So I let him enjoy his own life hanggang binata pa sya.
But then one day, he ask me if okay lang daw kung iinom sya kasi birthday ng barkada nya. Sabi ko,
"Go, It's okay hindi yun big deal"
"How many times do I need to tell you na you don't need to ask me, just inform me" then he said I love you. Tuwang tuwa pa. Syempre masaya rin ako na masaya sya.
After that nagpunta na sya sa pupuntahan nya. Hindi ko na inaalam ko sino sino kasama nya because I trust him so much. Tsaka sabi nya birthday ng barkada. And i know his friends are not my friends. Ang alam ko lang panatag ako na di nya ko pagpapalit and hindi naman sya magloloko, hindi nya rin magagawa sakin yun.
12 midnight still hindi pa rin sya nagchachat kung nakauwi na sya or what and nakaoffline sya. So I decided to chat his brother if nakauwi na sya. And his brother said na "hindi pa, baka dun na yun matulog."
After that kinabahan na ko. Kasi first time nyang hindi umuwi ng bahay na nakainom.
Madaling araw na pero di pa rin ako natutulog, hoping na magchachat sya saken.
And someone chatted me on my message request. So I check it. Nagtataka ako that time kasi di ko kilala ung babaeng nagchat saken. So I open her message. I was so shock that time and starting to cry.
She said " Hey, is this you boyfriend?" and nagsend ng picture ng boyfriend ko lying on the bed, smiling with her. I know it's my boyfriend kase nagsend sya ng picture ng suot nya bago sya pumuntang birthday kunno.
Hindi na ko nagreply sa girl kasi wala nakong lakas makipagpalitan ng salita and hindi rin worth it. Wala rin akong masabi kase sobrang pagtitiwala ang binigay ko sa kanya. Choice nya yun kung nagloko sya. Lalo na't lalaki sya at kayang kaya nyang iwasan yun kung gugustuhin nya.
So let me tell you guys, specially to those who have partners na. Hindi hadlang yung pagiging mahigpit or maluwag nyo sa partner nyo. Kasi ang totoo nasa partner nyo yan, kung magloloko sila or hindi.
Sa lahat nang may partner dyan. Appreciate your partner. Kung mahigpit sila sayo, iniingatan ka lang nila (pwera nalang sa walang sense na paghihigpit).
And kung maluwag sila sayo, (like me) hindi mo dapat abusuhin, at wag mong hayaang mawalan ng tiwala sayo yung partner mo kasi once na nawala yan, mahirap nang ibalik yan.
Snow
20**
BEED
Unknown

MANATILING BAKLA MO

Nagsimula ang lahat ng makita kitang nakangiti noong pagpasok ko sa loob ng classroom sa unang araw ng school year 2016. Agaw pansin yung ngiti mo na parang nagsasabing, kumusta ka Ginoo? Sa ngiti mong nakakaakit, una kong agad inisip na magiging magkaibigan tayo at hindi ako nagkamali, naging malapit na kaibigan kita.

Our friendship took months bago natin marealize na mahal na natin ang isat isa and so I asked you, kung pwede bang manligaw? and you said yes. At first, nagaalangan ako, kasi bakla ako, inisip ko na baka hindi ako matanggap ng pamilya mo, but you've helped me, pinalakas mo loob ko na kahit bakla ako, mamahalin mo ako at ng pamilya mo.
Tanda ko pa noon, noong unang punta ko sa inyo, pinakilala mo ako sa Mama mo at tinuring niya akong parang anak na lalaki niya since apat na babae kayo.
Naging malapit ako sa inyo, halos araw-araw pinipilit kong 6am pa lang dapat nakaalis na ako sa bahay namin to make sure may time ako para sa'yo bago ang rehearsal natin for Romeo and Juliet grand play.
Ang ganda mo, sobrang nabaliw ako sa'yo, lubos kitang pinagmalaki sa pamilya ko, lalo na sa Mama ko at sa Lola ko. Hindi ko agad naisabi sa mga tito ko na may nililigawan ako kasi syempre bakla ako, nahihiya pa ako.
Feb 24, 2016, araw na sinagot mo ako and girlfriend na kita officially. Walang katumbas yung saya ko noong mga panahong iyon, wala na akong inisip kundi ikaw, kasi mahal kita. Kapag kailangan ko ng model sa Beautycare, ikaw lagi ang takbuhan ko kasi gusto kong maramdaman mo na ikaw lang ang katangi-tanging babae sa buhay ko, na ikaw lang pinakamagandang babae na aayusan ko. Ginawa ko ang lahat para sa'yo. Pinangako ko pa noon sa sarili ko na iuuwi kita sa Batangas para makilala mo buong pamilya ko at para mabisita mo papa ko na doon nakalibing. Pinangako ko pang ipakilala ka kay papa sa harap ng nitso niya, kasi ganun kita kamahal. Handa akong ipagmalaki sa kahit sino noon na mahal kita.
Nagdaan ang ilang buwan at tila sa wari ko'y may mga pagbabago na, may mga oras na wala ka ng time sa akin, may mga pagkakataon na napapadalas away natin at lumala pa noong nagkalayo tayo kasi tumira ako ng 2 months sa Bulacan...
Hanggang sa nakausap ko pinsan mo, nanghina ako sa mga sinabi niya. May isang beses raw na nagpasama ka sa kaniya para makipagkita ka sa lalaki and worse is, nakita niya kayong naghahalikan sa sasakyan. Nanginginig katawan ko kasi hindi ko kinaya yung mga nalaman ko and your cousin advised me to talk with you and so I did. Nagusap tayo and you've told me na you want some time for yourself at dahil mahal kita binigay ko iyon sa'yo.
Awang-awa ako sa sarili ko noon. I felt like I've lost everything, especially yung interest ko sa pagaaral. Sobrang lungkot ko ng mga panahong iyon at tanging alak lang ang naging sandalan ko. Inisip ko na baka kinulang ako sa'yo ng oras. Maybe, napabayaan kita at some time, pero hindi eh, ang alam ko is I gave my all to you at kahit walang matira sa akin, ok lang, basta para sa'yo ilalaban ko kasi ganun kita kamahal.
Nagdaan ang ilang taon ng muling nagkausap tayo. It was last year, you've confessed na mahal mo pa rin ako, inamin mo sa akin na, oo nagkamali ka at handa kang magbago bumalik lang ako sa'yo, but I've already promised myself na kung magmamahal ako muli, sana sa tamang tao na kaya ang sinabi ko lang sa'yo noon is, hindi pa siguro ito yung panahon para muling maging tayo. Ang tanging pinangako ko lang sa'yo noon ay hintayin nating maging ok muna ang bawat isa bago bumalik sa dating tayo.
At gumuho ang lahat ng malaman kong manganganak ka na sa August this year. Natulala ako sa inuman ng batch natin na para bang ang lakas na ng amatz ko. Hindi ko magawang umiyak, hindi ko magawang magsalita... speechless... Hindi agad nag-sink in sa akin na totoong magkakapamilya ka na. Hindi ko napansin na buntis ka na pala nang minsang magkasalubong tayo sa palengke, hindi kita pinansin noon, nilampasan lang kita na para bang kung sinong estranghero. Ang narinig ko lang sayo that time, 'uyy ang taba mo'. I felt guilty kasi gusto kitang kausapin noon kaso naunahan ako ng lungkot. Sa tuwing maiisip kasi kita, makikita, makakachat, bumabalik lahat ng sakit.
Ang dami kong regrets, na sana noong gusto mo ng makipagbalikan sa akin, sana tinanggap na kita, na sana edi tayo yung bubuo ng masayang pamilya. Masaya ako sa'yo panget, although sobrang sakit. I'm in no right para magalit or what. Nanghihinayang ako sa pagkakataon na sana ay muling maging tayo. Ang dami ko pa naman sanang plano para sa ating dalawa, na kapag lisensyado na akong Inhinyero, ako ang gagawa ng bahay natin. Hindi ko na nagawang ipakilala ka kay Papa. Hindi ko na magagawang pakasalan ka sa simbahan na pinagkasalan nila Mama't Papa, kasi may asawa ka na at hindi ako iyon.
But still, kahit magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya mananatili pa rin ako para sa'yo, hindi kita pababayaan. Kapag kailangan mo ng tulong, nariyan agad ako. Mananatili ka sa aking puso, nagiwan ka ng ukit na mananatiling isang obra sa makulay na likha ng ating kwento. Sobrang mamimiss ko ang "I love you, first love ko" na parating binabanggit mo sa tuwing maguusap tayo. Sobrang mamimiss kitang kasamang maghugas ng plato. Mamimiss kitang ipitan ng buhok at make up-an. Mamimiss kitang kaasaran. Mamimiss kitang kausap sa gabi. Mamimiss kita, panget ko, ang pinakamamahal kong ex-girlfriend ko.
Lagi mong tatandaan na ako pa rin yung baklang first love mo, yung baklang minahal mo, yung baklang tinititigan mo noong ikaw ang gumanap na Juliet sa grand play ng Romeo and Juliet natin, egul si Denver na gumanap na Romeo, sa kaniya ka kasi dapat nakatingin eh. Well, boyfriend mo kasi Director eh kaya sakin ka haha. Ako pa rin yung baklang mas babae pa sa'yo. Ako pa rin ang Jr. na nakilala mo. Mananatili pa rin akong, ako.
Siguro ito na yung huling pagkakataon na sasabihin kong,
"Mahal na mahal kita panget! Ikaw at ikaw pa rin kahit hindi na ako."
Kent
2020-2021
BS in Civil Engineering
UM

JAYJAY (SPG)

Hi! Im Andrea ( hindi ko totoong pangalan). I want to share my story way back 2018.

Isa akong seasonal demo sa SM noon. Pabalik na kami noon galing canteen, habang naglalakad nakatingin ako sa katabi ko nagchichismisan kasi kami, pagharap ko nakita ko yung lalaki nakatitig sakin so nakipagtitigan ako.
Nawala na lang yung tingin namin nung magpapa-frisking na ako.
Tuwing break time palagi ko na siyang nakikita at nahuhuling nakatingin sakin. Nagtataka ako kung bakit nya ako tinitignan pero di pumasok sa isip ko na baka type niya ako, kasi sino ba naman ako para magustuhan niya? Ang gwapo kaya nya matangkad, matangos ilong, may mahahabang pilik mata, maputi, singkit at may mapulang labi. Samantalang mukha akong monggoloid na tomboy dahil nagpa-boy cut ako kahit di bagay kasi broken hearted ako tapos siga pa maglakad.
Isang beses nag-coffee break kami, habang naglalaro ako ng ml napatingin ako sa harap ko at nakita ko na naman siya na nakatingin sakin pero umiwas siya sabay inom ng kape na nakangiti, di ko alam pero parang kinilig siya.
Napangiti din ako at unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya sino bang di magkakagusto sakanya? Jusme! Mala-Kim soo hyun! Ang hot!
Sinabi ko sa mga kaibigan ko na may crush na ako at tinuro ko yun sa kanila
"yieee babae kana HAHAHAHHA" sabi nila.
"Mga baliw HAHA" sabi ko.
Hindi nagtagal nagtataka na mga kaibigan ko bakit daw parati na namin siya nakikita at nahuhuling nakatingin sakin. Sagot naman ng isa kung kaibigan na inaabangan daw talaga ako magbreak. Kinilig naman sila kasi baka daw gusto din ako nung guy.
Kaya nung nag lunch break, habang busy ako kaka-ml kinalabit ako ng kaibigan ko na tinitignan daw ako nung guy. Pagtingin ko nakatingin siya sakin at umiwas siya ng tingin sabay napangiti siya. Syempre di ako nagpahalatang kinikilig ako. Hanggang sa di nakatiis yung kaibigan ko.
"Kuya ! Anong name mo ? Crush ka nito HAHAHAHA" Sabay turo sakin.
"Jayjay po." sagot niya.
"Jayjay daw yieee kilig yarn? HAHAHAHA" asaran ng mga kaibigan ko.
Di ko sila pinansin. Nakakahiya. Alam ko sa sarili ko na namumula na ako nun dahil mainit yung mga pisnge ko kaya hinarang ko na lang cp ko sa mukha ko.
Tumayo na kami pra mag-ayos dahil malapit na time namin.
"Nasan na si baks?" Sabi ko.
"Nandun sa crush mo hinihingi number niya HAHAHHAHA"
"Hala ka dyan nakakahiya potëk dapat di ko na lang sinabi sainyo eh mga hindot! ” sagot ko.
"Ok lang yan para maka move on kana sa ex mo whahahahha" pang-aasar pa nila.
Dumating na si baks pero di binigay ni jayjay yung number niya hiningi lang yung facebook name ko para e-add na lang daw niya ako kaya binigay naman ni baks.
Nagtaka ako at napaisip na baka may girlfriend na si jayjay at baka gumawa ng dummy account para dun ako kausapin. Kasi kung wala edi sana binigay niya number niya.
Kinagabihan pag-uwi ko may message request akong natanggap. Si jayjay nag-chat tama nga ako gumawa siya ng dummy account para dun ako kausapin. Sabi niya saka na lang daw niya ako icha-chat sa main account niya kapag magkakilala na kami ng lubos pumayag naman ako.
Bago pumasok, lunch break, coffee break at bago matulog. Nagkakausap kami ni jayjay halos nasakin lahat ng oras niya kaya di ko na inisip na baka may girlfriend na siya.
Masaya ako kay jayjay kahit na sa messenger lang kami nagkakausap unti unti na akong nakakamove on sa ex ko na siyang dahilan ng pagpapaboy cut ko.
Hanggang sa sinabi ng kaibigan kong lalaki na may anak na daw si jayjay.
"Paano mo naman nasabi na may anak na" tanong ko.
"Nakita ko siyang may ka vc tapos kausap niya bata tinatawag niyang anak"
"Huh? Sure ka? Eh mga ilang taon na nakikita mong kausap niya?"
"Oo sure ako, 1-2 yrs old, pero baka di niya anak yun kasi mukhang bata pa si jayjay pero papa kasi tawag sakanya di ko alam"
" Or Baka hiwalay na sila, kasi bago pumasok, lunch break, cb, at bago matulog kausap ko siya” depensa ko.
Nanghina ako sa nalaman ko kaya napaisip ako na pa aminin si jayjay na may anak na siya at umamin naman siya.
Sabi niya, "bat ka ba nagmamadaling malaman? Sasabihin ko naman sayo lahat pero di pa ngayon"
"Dapat sinabi mo na may anak ka na tatanggapin ko naman e" diretsong sabi ko.
"Natatakot kasi ako na baka di mo na ako kausapin sorry."
At dahil nasakin ang buong oras niya akala ko wala na sila ng asawa niya.
Hanggang sa nalaman ko na di pala sila hiwalay kundi nagkakalabuan lang pala. Nasa probinsya yung asawa at anak niya. Madalas daw silang mag-away mag-asawa kaya nagkakalabaun na daw sila.
Ang sakit kasi niloko niya ako, hindi pala totoo lahat ng pinaramdam niya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil mahal ko na si jayjay, tinanong ko siya kung mukha ba akong uto-uto at tanga para gawin niya sakin yun, sabi niya na di nya sinasadya na magkagusto siya sakin at ito daw ang unang beses na niloko niya ang asawa niya. Humingi siya ng sorry at hindi daw niya pinagsisihan ang ginawa niya dahil mahal daw niya ako.
At dahil hindi ko pa kayang bitawan si jayjay hindi ko siya muna binitawan, hindi ko gustong agawin siya sa asawa niya kaya kapag okay na sila ng asawa niya ako na mismos ang lalayo.
Alam kong masasaktan ako ng sobra sa huli pero gusto ko pang sumaya kasama siya.
Last day ko na sa sm nagyayang maginom mga kaibigan ko. Sabi ko "isama natin si jayjay pagbigyan nyo na ako last day ko naman na" pero di sila pumayag kasi panilyadong tao na at tigilan ko na daw si jayjay.
Habang nag-iinom nagkikipag-chat ako kay jayjay ng hindi nila alam nag-decide kami na magkita pagtapos ko uminom.
Nagsi-uwian na kami kasabay ko umuwi ang kaibigan ko at ang asawa niya na kaibigan ko din dahil parehas lang kami ng dadaanan. Pagbaba namin ng jeep bigla akong kinalabit ni jayjay na siyang ikinagulat ko, gusto sana siyang kausapin ng kaibigan kung lalaki kaso tinulak ko at pinaalis nalang ang kaibigan ko baka magka-initan pa dahil naka-inom na.
Naupo muna kami ni jayjay at inantay umalis yung jeep na sinasakyan ng mag-asawa hanggang aa nakaalis na nga ang jeep at niyaya ako ni jayjay na umuwi na sabi ko na maglakad lakad muna kami kasi ito ang una naming paguusap ng kami lang dalawa.
Habang naglalakad sabi niya na masyado ng gabi at baka ano pang mangyari samin sa kalsada.
Kaya nag-decide kami na mag-mötel.
Nung nakakita kami ng sögö nag-check-in na kami. First time ko lang makapasok sa mötel. Nakahiga kami at nag-uusap lang, hanggang sa iantok na ako at nag-goodnight kiss ako sakanya sa labi sabay tulukbong ng kumot. Tumawa siya na siyang dahilan kaya tinanggal ko yung kumot.
"Bat ka tumatawa dyan?" tanong ko habang nakangiti
"Bat ka nagtalukbong?" sabi niya habang natatawa.
"Eh bakit masama ba?” nahihiyang tugon ko.
Lumapit siya sakin at dun na nagsimulang maging malikot ang kamay niya. Pero dahil takot ako sa pwede niyang gawin pinigilan ko siya. Walang nangyari samin dahil virgîn pa’ko at takot din ako mabuntis.
Pinipilit niya ako kasi masakit daw sa puson pero hindi talaga ako pumayag kaya nagsuot na kami ng damit. Nakaupo na lang kami at nakayakap siya sa likod ko habang nagkwekwentuhan kami.
Di lang isang beses na pumasok kami ng mötel, pero walang nangyari. Kaya iniisip ko na baka totoo yung nararamdaman ni jayjay sakin dahil ok lang sakanya na walang nangyayare samin.
Lumipas ang mga araw paunti-unti na nagbabago si jayjay ang dating madalas na pag-uusap nagiging madalang na lang dahil siguro nagkakaayos na sila mag-asawa.
Sobra na akong nasasaktan kaya pinutol ko na yung namamagitan samin ni jayjay. Pero nagtataka ako bakit bukas pa din yung dummy account niya baka hindi lang ako yung babae niya kundi meron pang iba. Gusto ko man siyang kausapin pero mas pinili ko na lang na wag na.
Ilang buwan ng hindi ko nakikitang active yung dummy account niya marahil okay na sila mag-asawa. Hanggang isang araw may nagtext sakin unknown number at kinakamusta ako lakas ng kutob kung si jayjay yun or ang asawa niya kaya nag-reply ako na sino to?
"Si jayjay to kamusta kana pwede ba kitang tawagan ?'
Nag alinlangan ako dahil kung si jayjay yun icha-chat niya ako. Kaya di ko na pinansin at pinabayaan ko lang.
That day nag-chat sakin si jayjay sabi niya na asawa niya ang nagte-text sakin at wag ko na lang daw pansin kaya ganun ang ginawa ko.
Lumipas ang isang araw may nag-text na naman saking unknown number ulit at tinanong ko siya kung saan niya nakuha number ko sabi niya hinulaan lang daw niya malakas ang kutob kung asawa ni jayjay yun pero kinausap ko pa rin.
May binigay siyang name sa facebook at e-add ko raw siya dahil malakas ang kutob ko na asawa niya yun ginamit ko ang isa kung account na iba ang pangalan at chinat ko yun kung paano niya nakuha number ko.
Pero nagkamali ako dahil hindi ko nilinis yung account ko may mga post dun na naka-tag yung main account ko at dun niya na ako nakilala at kinausap.
Gusto niya akong makita sa personal para malaman kung ano daw nagustuhan sakin ng asawa niya pero nagulat ako nung sinabi nyang buntis siya bago pa daw siya bumalik ng province. T@ngin! Laking tängä ko bakit ako naniwala kay jayjay !! Niloko niya ako. Nagpaloko naman ako.
Natatakot ako baka kung mapano siya dahil cesarean siya sa una nilang anak at nalaman ko din na nung mga panahon na di na ako madalas kausapin ni jayjay ay may iba na pala siyang hinaharot na dun din nagwo-work sa sm bilang isang consignor.
Nalaman ko din na sinugod ng asawa ni jayjay yung babae sa mall kaya tinanggal na yung babae sa sm hindi ko sure kung nilipat sa ibang mall si jayjay or tinanggal din.
Sabi pa ng asawa niya na mali siya ng sinugod at hindi dapat daw yun kundi ako raw dapat kasi ako daw ang nauna. Sinabi ko naman na walang nangyari samin ni jayjay at sana maging okay pa sila.
Hindi ko alam kong ano ng nangyari sa kanila pero naging aral sakin ang pangyayaring to. May mga lalaki pala talagang akala mo mabait at loyal pero yun pala may tinatagong kadëmunyohan.
Ps. Dati hindi ako pangit at hindi rin maganda. Sakto lang. Hindi kasi ako marunong mag-ayos pero maganda ako lalo na ngayon na marunong ako mag-ayos.
Makulitz
2015
ANHS
Unknown

NA-CARBONARA (SPG)

Hi. I want to share my experience 3 months ago. I thought sa movies lang mangyayari yun like maiinlove yung amo sa yaya. Pero hindi pala, sakin mismo nangyari. Ang masakit pa dun hindi ako yung na-inlove kundi yung ex ko na sobrang kapal ng mukha na akala mo may malaking alaga.

May yaya kami, matanda lang siguro siya ng dalawang taon sakin. Working student sya. Sabihin na natin na hindi siya mukang inday na inday tulad ng mga nakikita natin sa palabas. Naging close kami at malapit na ata maging bestfriend dahil nagkakasundo kami sa mga bagay bagay.
May boyfriend din ako. 1 year na kami. Almost perfect boyfriend na siguro, gwapo, mayaman, at magaling sa mga linyahan. Yung tipong kikiligin ka talaga pag bumanat sabay may pakindat pa. Tawagin nalang natin siyang si J.
Pumunta si J sa bahay namin, kaming tatlo lang nasa bahay dahil nasa bakasyon yung parents ko. Habang nasa sala kami ni J saktong dumaan si yaya.
"Ate mo? Ang ganda." komento ni J na akala mo amaze na amaze talaga.
"What? Yaya namin yan!" I don't want to sound mayabang, pero medyo na-offend ako sa paraan ng pagkasabi at pagtitig niya.
"Ah di kasi halata... " nakangiting sabi ni J habang nakatingin parin kay yaya. Ang insensitive talaga.
Napansin kong napapadalas na yung punta sa bahay ni J. Syempre tuwang tuwa naman ako kase nagka bebe-time kami. Si yaya naman napapadalas din ang pagngiti niya dun sa ka-text niya. Kaya kampante ako na hindi siya nabo-bore habang nandito jowa ko kase may kalandian din siya.
Until one day. Maaga pumunta si J sa bahay dahil ipagluluto nya raw ako. Nasa kitchen sya nagluluto ng Carbonara. Ako naman nasa sala lang ko, habang excited na inaantay ang luto niya.
Nakatodo yung sounds ng TV kaya kinuha ko yung remote at hininaan. Pero may narinig akong kakaibang ingay sa kusina kaya pinuntahan ko yung boyfriend ko na nagluluto ng Carbonara.
Bago ko pa lang buksan yung pinto, mas lalo kong narinig yung ingay na galing sa kusina. Malapit na tumulo yung luha ko sa mga ideyang pumasok sa utak habang papalapit sa pintuan.
Pagkabukas ko ng pinto. Dun na talaga tumulo luha ko. Nagl-love, no scratch that, nag ya-yak making yung boyfriend ko at si yaya. Mga walanghiya. Sa mismong pamamahay ko pa talaga. Sa sobrang galit ko pinalayas ko sila kaagad sa bahay.
To my ex:
Akala ko ba ipagluluto mo'ko ng carbonara bakit si yaya tïnira mo? Kasama ba 'yan sa recipe ha? Yabang mong magya-yak making sa kusina, eh 3-inch lang naman yan.
To my yaya:
Pakasaya ka! Hindi ka man lang nahiya sa nagpasahod sayo. Tinuring pa kitang bestfriend. Hindi kita masisisi, kase alam kong may kasalanan din ex-boyfriend ko. Magsama kayo. At parang awa niyo na, huwag niyo ng ipakita pagmumukha niyo.
Celeste
201*
Tourism
Unknown