Thursday, April 22, 2021

MANATILING BAKLA MO

Nagsimula ang lahat ng makita kitang nakangiti noong pagpasok ko sa loob ng classroom sa unang araw ng school year 2016. Agaw pansin yung ngiti mo na parang nagsasabing, kumusta ka Ginoo? Sa ngiti mong nakakaakit, una kong agad inisip na magiging magkaibigan tayo at hindi ako nagkamali, naging malapit na kaibigan kita.

Our friendship took months bago natin marealize na mahal na natin ang isat isa and so I asked you, kung pwede bang manligaw? and you said yes. At first, nagaalangan ako, kasi bakla ako, inisip ko na baka hindi ako matanggap ng pamilya mo, but you've helped me, pinalakas mo loob ko na kahit bakla ako, mamahalin mo ako at ng pamilya mo.
Tanda ko pa noon, noong unang punta ko sa inyo, pinakilala mo ako sa Mama mo at tinuring niya akong parang anak na lalaki niya since apat na babae kayo.
Naging malapit ako sa inyo, halos araw-araw pinipilit kong 6am pa lang dapat nakaalis na ako sa bahay namin to make sure may time ako para sa'yo bago ang rehearsal natin for Romeo and Juliet grand play.
Ang ganda mo, sobrang nabaliw ako sa'yo, lubos kitang pinagmalaki sa pamilya ko, lalo na sa Mama ko at sa Lola ko. Hindi ko agad naisabi sa mga tito ko na may nililigawan ako kasi syempre bakla ako, nahihiya pa ako.
Feb 24, 2016, araw na sinagot mo ako and girlfriend na kita officially. Walang katumbas yung saya ko noong mga panahong iyon, wala na akong inisip kundi ikaw, kasi mahal kita. Kapag kailangan ko ng model sa Beautycare, ikaw lagi ang takbuhan ko kasi gusto kong maramdaman mo na ikaw lang ang katangi-tanging babae sa buhay ko, na ikaw lang pinakamagandang babae na aayusan ko. Ginawa ko ang lahat para sa'yo. Pinangako ko pa noon sa sarili ko na iuuwi kita sa Batangas para makilala mo buong pamilya ko at para mabisita mo papa ko na doon nakalibing. Pinangako ko pang ipakilala ka kay papa sa harap ng nitso niya, kasi ganun kita kamahal. Handa akong ipagmalaki sa kahit sino noon na mahal kita.
Nagdaan ang ilang buwan at tila sa wari ko'y may mga pagbabago na, may mga oras na wala ka ng time sa akin, may mga pagkakataon na napapadalas away natin at lumala pa noong nagkalayo tayo kasi tumira ako ng 2 months sa Bulacan...
Hanggang sa nakausap ko pinsan mo, nanghina ako sa mga sinabi niya. May isang beses raw na nagpasama ka sa kaniya para makipagkita ka sa lalaki and worse is, nakita niya kayong naghahalikan sa sasakyan. Nanginginig katawan ko kasi hindi ko kinaya yung mga nalaman ko and your cousin advised me to talk with you and so I did. Nagusap tayo and you've told me na you want some time for yourself at dahil mahal kita binigay ko iyon sa'yo.
Awang-awa ako sa sarili ko noon. I felt like I've lost everything, especially yung interest ko sa pagaaral. Sobrang lungkot ko ng mga panahong iyon at tanging alak lang ang naging sandalan ko. Inisip ko na baka kinulang ako sa'yo ng oras. Maybe, napabayaan kita at some time, pero hindi eh, ang alam ko is I gave my all to you at kahit walang matira sa akin, ok lang, basta para sa'yo ilalaban ko kasi ganun kita kamahal.
Nagdaan ang ilang taon ng muling nagkausap tayo. It was last year, you've confessed na mahal mo pa rin ako, inamin mo sa akin na, oo nagkamali ka at handa kang magbago bumalik lang ako sa'yo, but I've already promised myself na kung magmamahal ako muli, sana sa tamang tao na kaya ang sinabi ko lang sa'yo noon is, hindi pa siguro ito yung panahon para muling maging tayo. Ang tanging pinangako ko lang sa'yo noon ay hintayin nating maging ok muna ang bawat isa bago bumalik sa dating tayo.
At gumuho ang lahat ng malaman kong manganganak ka na sa August this year. Natulala ako sa inuman ng batch natin na para bang ang lakas na ng amatz ko. Hindi ko magawang umiyak, hindi ko magawang magsalita... speechless... Hindi agad nag-sink in sa akin na totoong magkakapamilya ka na. Hindi ko napansin na buntis ka na pala nang minsang magkasalubong tayo sa palengke, hindi kita pinansin noon, nilampasan lang kita na para bang kung sinong estranghero. Ang narinig ko lang sayo that time, 'uyy ang taba mo'. I felt guilty kasi gusto kitang kausapin noon kaso naunahan ako ng lungkot. Sa tuwing maiisip kasi kita, makikita, makakachat, bumabalik lahat ng sakit.
Ang dami kong regrets, na sana noong gusto mo ng makipagbalikan sa akin, sana tinanggap na kita, na sana edi tayo yung bubuo ng masayang pamilya. Masaya ako sa'yo panget, although sobrang sakit. I'm in no right para magalit or what. Nanghihinayang ako sa pagkakataon na sana ay muling maging tayo. Ang dami ko pa naman sanang plano para sa ating dalawa, na kapag lisensyado na akong Inhinyero, ako ang gagawa ng bahay natin. Hindi ko na nagawang ipakilala ka kay Papa. Hindi ko na magagawang pakasalan ka sa simbahan na pinagkasalan nila Mama't Papa, kasi may asawa ka na at hindi ako iyon.
But still, kahit magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya mananatili pa rin ako para sa'yo, hindi kita pababayaan. Kapag kailangan mo ng tulong, nariyan agad ako. Mananatili ka sa aking puso, nagiwan ka ng ukit na mananatiling isang obra sa makulay na likha ng ating kwento. Sobrang mamimiss ko ang "I love you, first love ko" na parating binabanggit mo sa tuwing maguusap tayo. Sobrang mamimiss kitang kasamang maghugas ng plato. Mamimiss kitang ipitan ng buhok at make up-an. Mamimiss kitang kaasaran. Mamimiss kitang kausap sa gabi. Mamimiss kita, panget ko, ang pinakamamahal kong ex-girlfriend ko.
Lagi mong tatandaan na ako pa rin yung baklang first love mo, yung baklang minahal mo, yung baklang tinititigan mo noong ikaw ang gumanap na Juliet sa grand play ng Romeo and Juliet natin, egul si Denver na gumanap na Romeo, sa kaniya ka kasi dapat nakatingin eh. Well, boyfriend mo kasi Director eh kaya sakin ka haha. Ako pa rin yung baklang mas babae pa sa'yo. Ako pa rin ang Jr. na nakilala mo. Mananatili pa rin akong, ako.
Siguro ito na yung huling pagkakataon na sasabihin kong,
"Mahal na mahal kita panget! Ikaw at ikaw pa rin kahit hindi na ako."
Kent
2020-2021
BS in Civil Engineering
UM

No comments:

Post a Comment