(PART 2)
Five years ago you became my dance partner, hindi dapat ako ang kapares mo dahil sobrang tamad kong mag-aral at wala akong pakialam sa grades ko. I am the kind of man that always have my friends around, drinking massive amount of alcohol, playing around teacher and student and always making my name known around the campus.
Pero ayun nga, dahil sa tamad ako at kailangang kong bumawi sa grades ko sabi ng prof namin naging its either make or break so I do not have other choice but to join the dance leaders. I really do not like the idea of me dancing and teaching the steps around my buddies because for me it is was shameful act and I always look cool.
Dumating na yung araw ng unang practice, mainit nakakairita yung panahon. Uminom muna ako ng 2 can ng Red Horse bago ako sumunod sa mga ka-group ko, magically I arrived on time (that is so not me). There’s this cute girl pretty silent, she caught my attention still I act cool. Any partner will do for me cuz I am not not looking forward on practicing after that day.
Yun ung time na naging ka-partner ko yung cute at tahimik na babae, sobrang mahiyain niya na para bang may kasalanan siya sakin. She was gentle, kind and sweet, yung kahit na parehas naman kaliwa ang paa ko sa pagsayaw ng Boogie wala siyang reklamo. Nagtuluy-tuloy ang pagbilang sa bawat indak ng kanta, hindi ko namalayan matatapos na pala ang araw ng aming unang pagsasama.
Dun ko lang nalaman na sa kanya ako ay nahumaling, sa makipot niyang balakang, sa maganda nuyang ngiti, sa natatamis niyang labi, sa mata niyang parang anghel kapag ngumiti. Bagay na bagay sa kanya ang berde niyang damit dahil lalong umaangat ang kutis niyang maputi. Simula noon gusto ko ng sumayaw basta makikita ko siya, kinalimutan ko ang barkada and pag-inom ng malamig na alak para lang sa kanya.Sabi ko sa sarili ko siya na, siya na ang gusto kong kasama hanggang sa pagtanda.
Simula nun lahat ginagawa ko para sa kanya, para bang wala siyang timbang kung buhatin ko siya, para bang wala akong bukas dahil hindi ako nauubusan ng lakas, sa bawat palo ng kanyang mabangong buhok sa mukha kong nakatitig lang sa kanya, nahuhumaling ako, lumalalim ang nadarama ko. Hanggang sa nagnanakaw na ako ng halik sa ulo niya, patagong inaamoy siya. Hindi binibitawan ang kamay niya kahit tapos na ang kanta, kahit na punung-puno na ang kamay ko ng pawis, bahala na.
Dahil sa kanya natuto akong magmahal ulit, kiligin at masabik na parang batang laging nag-aabang sa bagong laruan. Hindi nagtagal, nagtapat ako ng nadarama ko sayo, tandang-tanda ko pa nung magkatabi tayo sa jeep, sabi mo hindi ka pa handa, naghintay ako pinagpatuloy ko ang mga ginagawa ko para sayo.
Hanggang sa dumating yung araw na may binulong ka sa lamesa sa isang park na ating laging pinupuntahan. Lagi tayong magkausap hanggang sa isang gabi tinanong kita, tinanong ko kung ano ung binulong mo habang nakatitig ka sa aking mga mata. February 23 nun maghahating gabi na, kinukulit kitang aminin sakin kung ano yun. Mag aala-una na pero gising na gising pa rin ako sa pangugulit sayo.
Hanggang sinabi mo saking mahal din kita. Pumutok ang puso ko sa saya at para akong nanalo sa lotto sa gabing yun. Simula nun nagbago ako, inayos ko ang sarili ko, nagpakabait ako, hindi na dumadampi ang baso ng alak sa labi ko dahil sa labi mo na laging tumatama ito. Naging sobrang saya ko sa araw-araw, kahit hindi kita kaklase sa ibang subject dun ako pumapasok makita lang kita. Maihatid lang kita sa susunod na silid mo, lagi ko lang hawak ang kamay mo kahit nasaan tayo, iniiwas ka sa araw kahit na nangingitim na ako. Hindi ka iniiwan sa paglalakad para lang maitaboy ko ang mga pwedeng makabangga sayo. Feeling ko ang pogi pogi ko, dahil ikaw ang asawa ko.
Lumipas ang maramin araw, buwan at taon. Nagtapos na tayo sa kolehiyo pero hindi pa rin ako nagbabago sayo. Hatid sundo pa rin kita kahit anong oras. Piniling maglakad ng malayo maihatid ka lang sa inyo. Umulan, umaraw lagi mo akong kasama, umiiyak ka pa kapag nababasa ang iyong mga paa. Gusto ko kasi laging safe ka.
Hanggang sa nagtrabaho na ako para hindi na ulit mabasa ang iyong mga paa. Sanay tayong palaging magkasama. Laging magkausap at laging nagkikita. Sobrang saya ng mga panahon na yun, sa mga simpleng bagay nagkakasundo tayo. We really are made for each other.Ilang kanta na ba ang kinanta mo para sa akin, ilang ulam na ba ang pinakain mo para sakin, kulitan, tawanan, iyakan ang sabay nating naranasan.
Hanggang sa magkaron ka na ng trabahong maganda, tumaas ang posisyon mo at ako naman nagnenegosyo, nabawasan ang oras natin sa isa’t isa sa dami ng ating ginagawa, pero pilit pa rin ako gumagawa ng oras para mahatid at sundo lang kita. Nami-miss na kita, nami-miss ko na yung dating tayo, nami-miss ko na yung lagi kong nararamdaman ang haplos mo. Nagsimula na akong maging mahina, hinanap ang mga barkada para lang mapunan ang oras na wala ka, umiinom ng patakas para lang madaling makatulog sa pangungulila.
Nagkamali ako... patawad.Wala ako sa tamang pag-iisip sa mga nagawa kong kasalanan sayo, naging selfish ako at sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko na naisip ang mararamdaman mo kapag nalaman mo ang kasalanan ko. Nabawasan na yung taong minahal mo. T@ngin@, napakat@nga ko, nagsisisi ako sa mga nagawa ko, sobrang swerte ko sayo, hindi lang ako nagsasabi pati mga taong nasa paligid ng ko. Sobrang bait mo, pero ano ang ginawa ko? Sinayang ko, napaiyak kita ng sobra-sobra. Pero sa kabila nun, pinatawad mo pa rin ako. Tinanggap mo, minahal mo ulit, pero naging mahigpit ka na ng sobra. Hindi naman kita masisisi dahil sa laki ng kasalanan ko.
Ilang buwan ang lumipas naging okay ulit tayo, bumalik tayo sa dati, naging masaya laging lumalabas kung saan-saan. Ganun ka pa rin, mahigpit sa lahat ng bagay, lahat may update, lahat may oras. Picture every 30 mins kung ano ang ginagawa ko, kinaya ko. Ginawa ko hanggang sa makakaya ko. Umasang makakabuo na tayo ng maliit nating kamukha pero wala pala, umasa lang pala. Nalungkot ako, gustung-gusto ko nang magkaanak tayo. Hindi ko sinabi sayo na sobrang lungkot ko dahil ayaw kong malungkot ka, sabi ko okay lang wag kang mag-alala. Nagsinungaling ako sa nararamdaman ko. Uminom na naman hanggang magkaron ako ulit ng malaking kasalanan.
Nag away tayo, blocked mo ako. Natakot na akong humarap sa pamilya mo at kaibigan mo, ayaw ko ng masaktan ka dahil sa akin, pinili kong umiwas kahit masakit, pinili kong umalis kahit ayaw ko. Akala ko yun ang tamang gawin. Akala ko lang pala yun. Habang tumatagal sobrang hirap, hindi kita kayang tignan, hndi ko kayang makita ang mukha mo dahil sa tuwing nakikita ko parang hinihiwa ang puso ko sa ka g@gaguhan ko.
Di makatulog, kailangan ng tulong ng alak at kaibigan, kailangan lasunin ang katawan para lang makawala sa kasalanan kong hndi ko na mababawi. Nagsisisi ako sa lahat, sa lahat ng mali, sa lahat ng hapdi, sa lahat ng sakit na nagawa ko sayo. Itatama ko na lahat ng mali, itatama ko na ang sarili ko para sayo, sana mapagbigyan mo ulit ako sa huling pagkakataon. Nagmamakaawang papasukin muli sa puso mo, alam kong malaki ung hinihingi ko pagkatapos ng nangyari. Natuto ako sa lahat ng mga gulong nangyari na ginawa ko, sa lukot ng kwento ng buhay natin dalawa. Alam kong para sayo walang laman tong mga salita ko, pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.
Ikukwento ko sayo ang simula hanggang huli ng buhay nating dalawa kahit ilang beses pa. Bumalik na yung lalakeng dati ay binago at pinatino mo, yung lalakeng ipaglalaban ka sa buong mundo, at ipagpapalit sa lahat ng kumakalaban dito. Ikaw lang naman talaga ang mahal ko.
We molded each other in our arms, kung ano tayo ngayon ay dahil sa pinagsamahan nating dalawa, I am what I am today because of you, because of what you teach me in life, na-achieve ko lahat ng to dahil sayo. Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagnegosyo. Kung bakit kailangan natin umangat sa buhay, dahil ayaw ko ng maulit ung araw na wala tayong makain at ayaw ko ng maulit yung araw na nababasa ang mga paa mo kapag umuulan. Mahal na mahal na mahal kita.