Wednesday, January 20, 2021

DREAMS

Nung bata ako lagi akong nilalagnat, umaabot minsan ng isang linggo kaya pina albularyo nila ko. May ipapahid yung albularyo na parang langis sa plato at susunugin at dun nakikita kung anong nangyari sakin ba't ako nagkaganon tapos may parang mga imahe na lumabas.

Lagi kong naririnig na nakakita ako ng multo, na matanda, o nakipag laro sa mga elemento ang lagi kong naririnig.
At tama naman dahil ako mismo naalala ko yung huling nakakita ako ng ganon, may kalaro ako non tatlo akala ko non sila yung mga kaibigan ko pero narealize ko ako lang pala mag isa natakot ako non dahil wala pala silang nga mukha, nung umalis sila saka ko lang napagtanto lahat at nung pina albularyo ako yun din ang sinabi niya. Natakot ako nun, pati mga magulang ko nabahala nadin sila kaya pina usukan nila yung labas ng bahay namin kaya simula din non hindi nadin naulit lahat ng nangyayari sakin.
lumipat kami ng bahay, pero nauwi lang din sa wala dahil pinamahayan daw ng mga multo, sila lang nakakakita pero hindi ako.
Simula nung bumalik kami sa dati naming lugar na tinitirhan, dun na nagsimula ang mga bangungot ko. Akala ko normal lang yon pero palala ng palala.
Laging may humahabol sakin at humihinto yung pag takbo ko, minsan muntik pa kong mamatay sa panaginip na yon buti nalang nagigising ako. Nung nagtagal tagal, sa mismong bangungot nalang ako nagigising alam mo yon yung akala mo gising ka na 'dipa pala, Nung pangatlong ulit akong nagising sa panaginip nayon, may bumubukas ng pinto at nakakatakot ang tunog and then I saw a demon. It was all dark, he's smiling at me na parang kukunin nya ko, natataranta na ko that time tapos naalala ko nun na kahit ang pangalan ni Jesus ay powerful, sabi ko sa isip ko. Lord Jesus help and these three words saved my life, at that time my eyes opened immediately.
Hindi kasi ako nagp-pray noon, wala pa kong ni katiting na faith kaya simula noon bago ako matulog nagp pray na ko and guess what since then I never had a bad dream. Sometimes I forgot to pray kaya dun ako nata target ng devil, kaya ito lang maipapayo ko sainyo, pray every day, and
DON'T GIVE THE DEVIL A CHANCE.
Qui
Grade 11
Unknown
Unknown

 HEAL

I am a long-time reader sa USF since sa unang page pa lang nila. One time while reading confessions here, napadpad ako sa post dito na "How do you fight the trauma of cheating?" And bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Because even me don't know how to fight with this trauma.
Wala na kami pero 'yung sakit at trauma sa ginawa niyang panloloko ay nandito pa rin. Hindi lang once but twice kaya sobrang sakit lang. Siguro sasabihin ng iba na "ang tanga mo naman pinatawad mo pa nung una" naniniwala kasi ako na lahat tayo ay deserve ang second chance, and I thought he deserves it. He was my first love. He was my first na I thought to be my last. I thought he's the one. Sobrang daming pangarap na binuo na akala ko sabay naming bubuuin. But still for the second time around, this happened.
I cry myself just to sleep at night. Fooling my heart na paggising ko ay wala na 'yung sakit. But I just always see myself waking up in the morning crying again. Sa totoo lang, I'm so tired of crying. I want this feeling to be over. I want to be able to live happily because this isn't a life I am praying for. Pero hindi madali, but still I will try step by step, one day at a time. Maybe soon kaya ko na makalimutan lahat and to forgive him.
For the person who can relate and to everyone who had their own pain, these days and months may be rough but we are tough. We will all HEAL in God's grace. Things may not go back to normal but in God's will, we will all rise up stronger than the usual. I know soon, magugulat na lang tayo na ang gaan na ng loob natin. Wala ng bigat, malaya na, at nakapagpatawad na.
Surely, healing is coming our way. We were going to be happier that we've ever been. Claim it! In Jesus Name 🙏
Then Jesus said,
"Come to me, all of you who are weary and carry heavy burdens, and I will give you rest." -Matthew 11:28
Roswell A.
2021
BSChE
Unknown

COMPETITIVE

Hi everyone, hoping everyone's having a good day. If your day is not good, it's alright, it's okay to not be okay. Shall we start?

I'm a consistent honor student, walang dumadaang schoolyear na hindi ako umaakyat sa stage since kinder ako. And it's all because of my dad. My dad is an engr. Matalino super, kaya bawal kaming maging tanga.
I always hear these lines from him "top 6? Wala ka man lang sa top 5" "wala ka pang contest na nasalihan, 'di mo gayahin mga ate mo". Bata pa lang ako naririnig ko na 'yan. I remember nung grade 1 ako hiyang hiya ako nun kasi sinisigawan ako sa harap ng mga kaklase ko kasi wala ako sa top 5. Hindi naman ako bobo, nag eexcel ako sa acads ko, kaya lang kasi introvert ako. Hindi pala recite kaya hindi napapansin ng mga teacher, wala akong kaibigan kasi takot sila sa'kin kasi ang maldita ko daw tignan.
Lagi akong ikinu-kumpara sa mga ate ko, lagi din akong sinasama 'pag may contests sila, only for them to say na "buti pa mga ate pupunuin na bahay natin ng medals, eh ikaw?" as a child ofcourse nasasaktan ako. That's why nadevelop ko yung pagiging competitive ko.
I remember nung grade 7 ako bumaba yung section ko, because inenroll ako sa bagong school. Nalaman yun ng buong angkan namin, nahiya sila, nadisappoint. Lahat nung pagiging proud nila sakin nung graduation ko, biglang nawala, just because of that. Kaya I did strive hard, ginalingan ko sa lahat ng subs even though unstable mental health ko due to new environment. Naalala ko nun chinat niya pa ako na I don't need to be the first honor kasi proud na daw siya sakin, I just laughed, hindi naman kasi totoo 'yun eh. Kinalimutan ko yung emotion ko just to prove na hindi ako bobo. And I did, nag top 1 ako, pero wala lang din eh. Hindi umakyat sa stage si daddy you know why? Kasi may iba daw siyang pupuntahan na mas importante. Lahat ng pinaghirapan ko, lahat ng iniyak ko, lahat ng sacrifices ko napunta lang sa wala, wala man lang akong natanggap na sincere na "I'm proud of you, congrats".
I hate my competitiveness, there's this one time na I got insecure instead of being proud sa friend ko kasi nataasan niya ako. Iniisip ko na na nun na mas matalino naman ako sakanya, mas matataas naman scores ko. And I was really ashamed nung narealize ko yung thoughts ko, kasi kaibigan ko yun eh I should be proud. Believe me, I am changing that trait of mine. Pero ang hirap kasi eh, lalo na kung lagi mong naririnig na tanga ka, 'pag lagi kang ikino compare.
Recently hanggang ngayon actually I'm dealing with my mental health. There was times na I just feel empty, I want to stop everything. Gusto ko na lang itigil lahat, hindi naman kasi ako naki credits sa efforts ko.
Someone might say na "ang pangit naman ng ugali mo" "ayaw mo lang mataasan eh". Pasensya na po, ganito po kasi ako pinalaki eh, kaya takot na po akong may madisappoint pa sa akin. Don't worry I am changing myself to be better naman po.
I know hindi ako nag-iisa, cheer up satin! We'll get through this, kapit lang!
The black sheep
Unknown
Unknown
Unknown

TRANSFEREE

Request ng mga friends ko na i-send to sa USF so sana mapili po. So ayon medyo mahaba pero kaya naman.

Nung first year highschool ako nag transfer ako sa isang private school na malayo sa dati kong lugar. May naging crush ako, nagustuhan ko siya kase ang kapal ng muka niyang di ako pansinin char. Weeks passed, nag ccp lang ako may nag notif na someone sends a friend request which is yung crush ko, kilig na kilig ako that time so wala pang 1 minute cinonfirm kona agad, nag wala ako nung pagka confirm ko nag chat sya saken ng "hi panget" at doon na nag start first convo namin. One day nag ka aminan kami na gusto pala namin isa't-isa pero hanggang gusto lang daw dahil may ka puppy love sya nung grade 6 na di pa rin nya nakakalimutan, di kona matandaan why di na kami nag usap bigla. Inunfriend niya ko, at back to stranger na naman kami.
Second year high school, kami kami pa rin mag ka-kaklase at gusto ko pa rin siya. Hindi pa rin kami nag uusap sa personal, pero nag bibigay siya ng motibo o talagang assumera lang ako. Ilang beses ko siyang inadd sa fb pero di niya ko cinoconfirm so cinacancel ko. One time yung school nag invite na pumunta sa church nila, which is church din nila crush so sumama ko. Week passed, Meron akong unknown caller nagpakilala ako as super girl tas yon kinukulit niya ko. Ilang beses pa siyang tumawag pero di ko na sinagot. Exam namin non, nasa likod ko yung crush ko. Patapos nako sa sinasagutan ko ng may narinig akong "supergirl patulong naman" di ko sure kung nababaliw nako that time pero napatingin ako sa likod ko pero nag sasagot naman siya. Sa sobrang pagkagusto ko sakanya gumawa ako ng dummy account. Pinangalanan ko ng jenny kim tapos yung dp is si supergirl. Chinat ko si crush nung una di niya pako pinapansin hanggang sa nakulitan siya saken at nakipag chat naren hindi rin nag tagal nagpakilala ko at di naren siya nag reply. Dumaan ang bakasyon at hindi na sana ko magpaparamdam dahil nakakapagod mag papansin kay crush!
Third year highschool na, kami kami pa rin mag kakaklase. June 29 nagpunta kami sa dati naming adviser. Nung uwian, nagulat ako dahil may nag pop up na chat head, naka data lang ako that time so hindi kita yung dp. Pag ka pindot ko nakita ko yung name nung crush ko, nabitawan ko pa yung phone ko sa sobrang gulat ko. Sabi niya "hoy ano to" tas nakita ko sinend niya convo nila nung bestfriend ko about supergirl. Nag start na naman yung convo namin, pero natapos yung araw nayon sa inamin niya saking crush niya paren daw ako. Naging mag MU kami. Sobrang saya dahil after 2 years na pagpapaka tanga sakanya nag bunga den, inamin niya ding siya yung unknown caller ko before nakuha niya daw number ko sa notebook sa church. Sobrang saya namin, di namin pinapansin yung mga sinasabi ng iba. Ang dami naming pangarap that time hahaha sobrang cheesy namin na everyday nagbibigayan kami ng written love letters which is nasaken pa hanggang ngayon. Napaka daming promises kahit di naman naging kami, genuine yung love and happiness. Nasayangan panga siya na sana daw 3 years na kami ganon ganon. Sobrang solid namin, mula sa acads hanggang kalokohan, not until may nag transfer samen. Almost 6 months ata kaming mag mu pero nawala din lahat dahil sa transferee na naging tropa ko pa. Nagustuhan nila isa't-isa so nag paubaya ako. Nag sm kami one time ng mga tropa. Pauwi na kami nakita namin yung ex mu ko tas bestfriend niya hinahantay tong si tropa ko. Naka sando lang siya non may dala kong extra tshirt so pinahiram kopa siya. Bago ko umalis hinarap ko yung ex mu ko, sabi ko "ingatan mo yang kaibigan ko, mag ingat kayo" after non sumakay nako tas dikona napigilan umiyak. Natapos ang school year nayon na nagpanggap lang akong masaya para sakanila.
Mag 4th year highschool na kami ng mapag desisyunan kong bumalik sa dati kong lugar. Part of moving on naren. Hindi paren don natapos lahat napapanaginipan ko pa rin siya kahit okay na ko. May month panga na nag pakita siya sa panaginip ko everynight, kung hindi siya umiiyak, nag babangayan naman kami at nag aasaran.
Senior high school nako ngayon. Pero patuloy pa rin siya nag papakita sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit pero, isa sa mga dahilan ko kung bat sinend koto is dahil sa patuloy na pagpapakita niya sa panaginip ko.
If nababasa mo to ngayon, gusto kong malaman mo na I'm still wishing all the best for you. Hindi nako galit, pero masakit pa ren. See you nalang siguro sa airline if ever na magkita tayo with the same profession, my future cabin crew.
Supergirl
2021
tourism
Others

Monday, January 11, 2021

BISEXUAL

Warning: medyo mahaba po ito

😁
".........sana, bumalik nalang ako sa pagkabata. Yung tipong iiyak lang pagnapapalo't nadadapa"😭
Hi, ahm itago ko nalang ang identity ko sa pangalang Psalm, kase nahihiya pako at natatakot sa judgement ng ibang tao pag nabasa nila to. Matangkad, medyo may utak din naman sa pagaaral kahit papano, mabait, kalog, masayahin kahit maraming problemang dinadamdam, mahiyain din minsan, diko masasabing gwapo ako pero pwede na siguro sa taong hindi pisikal na anyo lamang ang basehan sa pag-ibig.
When I was in High School way back 2018, nagkaroon ako ng GF masaya naman nung una pero di ko alam ba't diko feel ung parang essence ng Love pag kasama ko siya. Proud siya sa akin kase ako boyfriend nia, sabi nia dream guy niya raw ako palagi niya ako chinachat ng "Goodmorning", "Goodnight", "I love you so much" at ginagawan ng love letter. Napakeffort niya sa relationship namin ako lang yung hindi kaya parang nakokonsensya ako na hindi ko maibigay sa kanya ung love na ibinibigay niya sakin. Hanggang sa dumating ang punto na naghaluhalo mga problema ko. Naghiwalay kase parents ko that time na nagbigay sakin ng stress hanggang humantong sa depression.
Pilit ako kinakausap ng GF ko non. Hinihintay niya pa ung paglabas ko sa klase para lang makasabay niya ako at makausap pero palagi ko siyang tinatakasan at iniiwasan. I know I hurt her so much pero sinamantala ko yun para magbreak kame. One day I broke with her without telling the reason. I left her crying alone. Napakagago ko. ISANG MALAKING GAG*. She's an ideal girl. Maganda, mabait, matalino, at napaka understanding pero sinaktan ko lang siya at iniwan ng di niya alam ang dahilan. Bash me, I deserved it. Gumraduate na kame sa high school. With honor ako tas with high honor naman siya. Sa CLSU ako nagtuloy sa College tas pagkakaalam ko nagNEUST naman siya, and after that wala na akong naging balita about her.
Sa CLSU marami ako naging kaibigan na nagrereto sakin ng babae para daw magkagirlfriend naman ako pero diko alam bat diko sila trip. Then one day may nakilala at nakalaro ako sa MPG (Multipurpose Gym) na guy nun kase merong pa One Day league yung ibang mga player dun, itago nalang natin sa pangalang Calvin, from CAS po siya. Diko alam parang biglang nagbukas ang kalangitan, huminto ang oras feeling ko kaming dalawa lang ang nasa MPG nung mga araw na yun, at di magkamayaw sa paglalaro ang mga paruparo sa aking tiyan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Diko pa naranasan un dati kahit nung asa relasyon pako. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Parang busug na busog ako sa pagmamahal pag nakikita ko siya.
Natakot ako nung mga panahong iyon kase diko alam kung ano na nangyayari sakin. Gusto ko malaman name niya nun kaso nahiya ako. Tsaka baka kung ano pa sabihin nila about sakin. Dun ko po narealized na Bisexual po ako kase naaattract ako sa kapwa ko lalaki. Then one day, nagulat nalang ako kase bigla niya ako inadd sa facebook. Potek ang saya saya ko nun mga pri para akong babae non hahaha. Shempre auto accept inistalk ko account niya tas sinave lahat ng photos niya tas iniscreenshot (hoyy wag kayung piling parang di nio naman ginagawa hahaha). Kinapalan ko mukha ko hahaha chinat ko agad tas inayang maglaro ng volleyball. Tas nung nagreply siya powtangena haha ang saya ko ulit nagtatatalon talon ako sa saya. Daig ko pa tunay na babae non wahaha. Hanggang sa humaba nang humaba ung pagchachat namin. Naging close kame lalo sa isa't isa nun which is gusting gusto ko naman. Everytime na mayproblema siya, sakin siya nagrarants at humihingi ng advice.
Pilit kong itinago yung nararamdaman ko sa kanya kase ayaw ko masira pagkakaibigan namin pero ang hirap mga pri lalo na pag kausap ko siya at nakaharap sa akin, natutulala ako at bumibilis lalo ung tibok ng puso ko. Minsan parang nakakahalata na nga siya eh palagi niyang sinasabi na "Uy pre natutulala ka nanaman! Nababakla ka na ba sa kagwapuhan ko?!😹". "putangin* mo g*gu! Mas gwapo pa ako sayo hahaha" yan palagi kong sagot sa kanya pero kung pwede lang sana, gustung gusto ko sabihin na "Oo pre nababakla na ako sayo. Masaya ako pag kasama kita, ang gaan ng pakiramdam ko pag kausap ka, bumibilis tibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita! Calvin, pre mahal na mahal na kita!" pero hindi pwede kase mali. Hanggang isang araw nagkayayaan kame ng mgabkaklase ko na uminom sa PNR (Beerhauz malapit sa School namin), celebration daw namin kase natapos na ung Midterm.
Lasing na lasing ako nun kase nakaapat na redhorse ako eh yun pa naman kahinaan ko. Nagkaroon ako ng lakas ng loob magconfess sa kanya non ewan ko ba kung ano pumasok sa kokote ko at nagawa ko yun. Chinat ko siya sa messenger ng "Pre may sasabihin sana ako sana wag kang magagalit. Alam ko after mo mabasa ito eh baka magalit ka sakin or iwasan mo na ako. Pilit ko naman na itigil yung nararamdaman ko sayo kaso diko na kaya pre. Habang tumatagal na magkasama tayo eh lalo akong nahuhulog sayo and I can't take it anymore. Pre may gusto ako sayo matagal na since we first met. Ewan ko pero ang gaan ng loob ko at ang saya ko parati pag kasama kita Calvin. Sorry pre diko sinasadyang mahalin ka. Diko sinasadyang mahulog sa bestfriend ko😭" after nun eh nagseen lang siya nabigla ko ata siya sa nasabi ko pero di naman niya ako binlock.
Simula nung sinabi ko ang mga yon sa kanya ay hindi na niya ako pinapansin. Umiiwas na siya sakin. Ang sakit sakit lang kase bakit napakatanga ko! Bakit inamin ko pa kase sa kanya ung nararamdaman ko! Dapat pala tumahimik nalang ako. Dapat pala inilihim ko nalang ung nararamdaman ko!😭 Nanlumo ako sa nagawa ko. Baka ito ung naging karma sakin sa ginawa ko sa GF ko nun. Ganito pala ung naramdaman niya. Ganito pala ung feeling na hindi kayang ibigay ng taong mahal mo yung pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Ang sakit sakit. Nakakadurog ng puso hindi ko pa naranasan ang ganito sa tala ng buhay ko sana, bumalik nalang ako sa pagkabata. Yung tipong iiyak lang pagnapapalo't nadadapa😭
Kung nababasa mo to Pre, sorry sa lahat. Nagpapasalamat pa rin ako sa iyo kase ikaw ang nagsilbing sandigan ko pag down ako. Alam ko nagbago na pagtingin mo sakin pero ako parin ung psalm na kaibigan mo dati. Mahal na mahal pa rin kita pre/bestfriend.
Psalm
202*
Unknown
Unknown