Wednesday, January 20, 2021

TRANSFEREE

Request ng mga friends ko na i-send to sa USF so sana mapili po. So ayon medyo mahaba pero kaya naman.

Nung first year highschool ako nag transfer ako sa isang private school na malayo sa dati kong lugar. May naging crush ako, nagustuhan ko siya kase ang kapal ng muka niyang di ako pansinin char. Weeks passed, nag ccp lang ako may nag notif na someone sends a friend request which is yung crush ko, kilig na kilig ako that time so wala pang 1 minute cinonfirm kona agad, nag wala ako nung pagka confirm ko nag chat sya saken ng "hi panget" at doon na nag start first convo namin. One day nag ka aminan kami na gusto pala namin isa't-isa pero hanggang gusto lang daw dahil may ka puppy love sya nung grade 6 na di pa rin nya nakakalimutan, di kona matandaan why di na kami nag usap bigla. Inunfriend niya ko, at back to stranger na naman kami.
Second year high school, kami kami pa rin mag ka-kaklase at gusto ko pa rin siya. Hindi pa rin kami nag uusap sa personal, pero nag bibigay siya ng motibo o talagang assumera lang ako. Ilang beses ko siyang inadd sa fb pero di niya ko cinoconfirm so cinacancel ko. One time yung school nag invite na pumunta sa church nila, which is church din nila crush so sumama ko. Week passed, Meron akong unknown caller nagpakilala ako as super girl tas yon kinukulit niya ko. Ilang beses pa siyang tumawag pero di ko na sinagot. Exam namin non, nasa likod ko yung crush ko. Patapos nako sa sinasagutan ko ng may narinig akong "supergirl patulong naman" di ko sure kung nababaliw nako that time pero napatingin ako sa likod ko pero nag sasagot naman siya. Sa sobrang pagkagusto ko sakanya gumawa ako ng dummy account. Pinangalanan ko ng jenny kim tapos yung dp is si supergirl. Chinat ko si crush nung una di niya pako pinapansin hanggang sa nakulitan siya saken at nakipag chat naren hindi rin nag tagal nagpakilala ko at di naren siya nag reply. Dumaan ang bakasyon at hindi na sana ko magpaparamdam dahil nakakapagod mag papansin kay crush!
Third year highschool na, kami kami pa rin mag kakaklase. June 29 nagpunta kami sa dati naming adviser. Nung uwian, nagulat ako dahil may nag pop up na chat head, naka data lang ako that time so hindi kita yung dp. Pag ka pindot ko nakita ko yung name nung crush ko, nabitawan ko pa yung phone ko sa sobrang gulat ko. Sabi niya "hoy ano to" tas nakita ko sinend niya convo nila nung bestfriend ko about supergirl. Nag start na naman yung convo namin, pero natapos yung araw nayon sa inamin niya saking crush niya paren daw ako. Naging mag MU kami. Sobrang saya dahil after 2 years na pagpapaka tanga sakanya nag bunga den, inamin niya ding siya yung unknown caller ko before nakuha niya daw number ko sa notebook sa church. Sobrang saya namin, di namin pinapansin yung mga sinasabi ng iba. Ang dami naming pangarap that time hahaha sobrang cheesy namin na everyday nagbibigayan kami ng written love letters which is nasaken pa hanggang ngayon. Napaka daming promises kahit di naman naging kami, genuine yung love and happiness. Nasayangan panga siya na sana daw 3 years na kami ganon ganon. Sobrang solid namin, mula sa acads hanggang kalokohan, not until may nag transfer samen. Almost 6 months ata kaming mag mu pero nawala din lahat dahil sa transferee na naging tropa ko pa. Nagustuhan nila isa't-isa so nag paubaya ako. Nag sm kami one time ng mga tropa. Pauwi na kami nakita namin yung ex mu ko tas bestfriend niya hinahantay tong si tropa ko. Naka sando lang siya non may dala kong extra tshirt so pinahiram kopa siya. Bago ko umalis hinarap ko yung ex mu ko, sabi ko "ingatan mo yang kaibigan ko, mag ingat kayo" after non sumakay nako tas dikona napigilan umiyak. Natapos ang school year nayon na nagpanggap lang akong masaya para sakanila.
Mag 4th year highschool na kami ng mapag desisyunan kong bumalik sa dati kong lugar. Part of moving on naren. Hindi paren don natapos lahat napapanaginipan ko pa rin siya kahit okay na ko. May month panga na nag pakita siya sa panaginip ko everynight, kung hindi siya umiiyak, nag babangayan naman kami at nag aasaran.
Senior high school nako ngayon. Pero patuloy pa rin siya nag papakita sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit pero, isa sa mga dahilan ko kung bat sinend koto is dahil sa patuloy na pagpapakita niya sa panaginip ko.
If nababasa mo to ngayon, gusto kong malaman mo na I'm still wishing all the best for you. Hindi nako galit, pero masakit pa ren. See you nalang siguro sa airline if ever na magkita tayo with the same profession, my future cabin crew.
Supergirl
2021
tourism
Others

No comments:

Post a Comment