Wednesday, January 20, 2021

COMPETITIVE

Hi everyone, hoping everyone's having a good day. If your day is not good, it's alright, it's okay to not be okay. Shall we start?

I'm a consistent honor student, walang dumadaang schoolyear na hindi ako umaakyat sa stage since kinder ako. And it's all because of my dad. My dad is an engr. Matalino super, kaya bawal kaming maging tanga.
I always hear these lines from him "top 6? Wala ka man lang sa top 5" "wala ka pang contest na nasalihan, 'di mo gayahin mga ate mo". Bata pa lang ako naririnig ko na 'yan. I remember nung grade 1 ako hiyang hiya ako nun kasi sinisigawan ako sa harap ng mga kaklase ko kasi wala ako sa top 5. Hindi naman ako bobo, nag eexcel ako sa acads ko, kaya lang kasi introvert ako. Hindi pala recite kaya hindi napapansin ng mga teacher, wala akong kaibigan kasi takot sila sa'kin kasi ang maldita ko daw tignan.
Lagi akong ikinu-kumpara sa mga ate ko, lagi din akong sinasama 'pag may contests sila, only for them to say na "buti pa mga ate pupunuin na bahay natin ng medals, eh ikaw?" as a child ofcourse nasasaktan ako. That's why nadevelop ko yung pagiging competitive ko.
I remember nung grade 7 ako bumaba yung section ko, because inenroll ako sa bagong school. Nalaman yun ng buong angkan namin, nahiya sila, nadisappoint. Lahat nung pagiging proud nila sakin nung graduation ko, biglang nawala, just because of that. Kaya I did strive hard, ginalingan ko sa lahat ng subs even though unstable mental health ko due to new environment. Naalala ko nun chinat niya pa ako na I don't need to be the first honor kasi proud na daw siya sakin, I just laughed, hindi naman kasi totoo 'yun eh. Kinalimutan ko yung emotion ko just to prove na hindi ako bobo. And I did, nag top 1 ako, pero wala lang din eh. Hindi umakyat sa stage si daddy you know why? Kasi may iba daw siyang pupuntahan na mas importante. Lahat ng pinaghirapan ko, lahat ng iniyak ko, lahat ng sacrifices ko napunta lang sa wala, wala man lang akong natanggap na sincere na "I'm proud of you, congrats".
I hate my competitiveness, there's this one time na I got insecure instead of being proud sa friend ko kasi nataasan niya ako. Iniisip ko na na nun na mas matalino naman ako sakanya, mas matataas naman scores ko. And I was really ashamed nung narealize ko yung thoughts ko, kasi kaibigan ko yun eh I should be proud. Believe me, I am changing that trait of mine. Pero ang hirap kasi eh, lalo na kung lagi mong naririnig na tanga ka, 'pag lagi kang ikino compare.
Recently hanggang ngayon actually I'm dealing with my mental health. There was times na I just feel empty, I want to stop everything. Gusto ko na lang itigil lahat, hindi naman kasi ako naki credits sa efforts ko.
Someone might say na "ang pangit naman ng ugali mo" "ayaw mo lang mataasan eh". Pasensya na po, ganito po kasi ako pinalaki eh, kaya takot na po akong may madisappoint pa sa akin. Don't worry I am changing myself to be better naman po.
I know hindi ako nag-iisa, cheer up satin! We'll get through this, kapit lang!
The black sheep
Unknown
Unknown
Unknown

No comments:

Post a Comment