Tuesday, November 3, 2020

BRAIN WASHED

  Hi, gusto ko lang i-share yung mgaulong kwento ng angkan ko hehe, pero sana magets nyo at mabigyan nyo ako ng advice. So eto na nga po.

Nung bata ako, yung mama ako at yung tita ko(kapatid ni papa) ay mag best friend. Mula nung lumipat kami, yun ang alam ko, na magkaibigan sila. Kaya kaming magpipinsan ay close na close din. Yung isa nyang anak na kasing edad ng kapatid ko ang pinakaclose namin dahil di kami nagkakalayuan ng edad. We even share some of our things to everyone even them. Never naman kami nagdamot, hangga't kaya naman namin magshare e nagshashare kami sa kanila ng mga biyaya sa amin.
Pero yung kabutihang pinapakita pala namin ay nabaliktad nila ng ganun kadali. Hindi kasi tahimik na tao si mama na tatahimik nalang, lumalaban sya kapag alam mya natatapakan na yung pagkatao nya o sinasaktan na yung mga mahal nya.
Ganito kasi yun nung una kasi yung tita ko na yun inakusahan si mama na kabit ng asawa nya. Na nagkikita daw sila somewhere pag sinusundo kami sa school. Hello?! Si mama hindi nga sya gala dahil hindi sya sanay magbyahe mag-isa, kaya nga lagi nya akong sinasama. At isa pa, maski anino nga ng asawa nya hindi namin nakikita sa daan. Eto medyo inintindi namin ng slight kase inisip namin na kaya sya ganyan kase kapangalan ng asawa nya yung tito ko na namatay. Selosa na tsimosa pa tsk.
Pero mas lalong lumala yung pagseselos nya to the point na kung anu-ano nalang ang sinasabi nya like di daw ako tunay na anak, anak daw ako ni mama sa ibang lalaki tinuring ko syang second mother ko tapos pagsisigawan nya yang walang kwentang bagay na yan, e kay papa ko nga namana ang galing sa pag drawing.
After that incident ay mas lalong lumala. Bakasyon nun at walang pasok pero dahil may free workshop nag join kami ng sister ko. Then, isang gabi na-late si mama ng sundo(bata pa kasi kami nun). Natagalan sya sa pagsundo sa amin. Yung tindera nga na nasa tabi namin ay ayaw kaming iwan dahil gabi na daw wala pa kaming sundo. Inisip namin ng kapatid ko na baka madaming ginagawa si mama baka naglalaba (sabado kasi non) o baka nakatulog so nagdecide kami na umuwi nalang at wag na hintayin si mama.
Nung maglalakad na sana kami, biglang dumating na si mama. Maya-maya tumawag si papa tapos bigla nalang humagulgol si mama sinabi nya kay papa na "sinaksak nga ako ng kapatid mo!" Kaya napalingon kami kay mama dahil sa sinabi nya. Nangatog yung tuhod ko ng makita ko yung likod nya na may dugo. Naka suot sya ng yellow na V-neck kaya kitang kuta yung pulang dugo. Umuwi kami sa bahay. Humingi ng tawad yung panganay na anak ng tita ko. Wag na daw namin ipakulong ang mama nya, sya nalang daw.
Tita, kung alam mo lang kung paano humingi ng tawad yung anak mo para lang sa kasalanang ginawa mo. Hiniling nya pa na sya nalang daw ang ikulong at wag na ikaw dahil kawawa ang mga kapatid nya!lumuhod yung pinsan ko at umiyak, maging samin ay humihingi sya ng tawad pero ikaw tita? Nung pagdating ni papa nagtago ka kaagad.
Nang dahil din sayo, maging mga kapitbahay namin ay ganun ang tingin kay mama at pinagkakalat mo pa talaga na mangkukulam si mama dahil kilala yung probinsya nila na maraming mangkukulam. Na kesyo in-oorasyonan nya ang mga pagkain para malasin kayo. Kung talagang mangkukulam si mama matagal na sanang inuuod yang katawang lupa mo!
Ang nakakainis pa, lahat ng kapatid at pinsan ng papa ko masama ang tingin kay mama. Maging ang papa ko naglalasing dahil sa lasong isinasaksak nyo sa isip ng mga tao. Ito namang mahal kong lola, sa halip na kami ang kampihan e yung tita ko pang baliw ang kinampihan.
Sinusundan nya rin si mama sa palengke o kapag susunduin kami. Baliw ka na talaga.Lahat nabrain wash mo. Pinsan, kinakapatid, kapit-bahay at iba pa lahat yan na nauto nya. Maging pagaaral namin naapektuhan dahil sa gulo'ng sinimulan mo
Masaya ako na lumayo na kayo. Kahit na nagpaka-biktima ka, ayos lang. Maayos na din naman kami. Hindi ko ito shinare para halungkatin ang nakaraang sugat. Hindi pa kasi tuluyang naghihilom eh. Ang masakit pa ay nagiwan ito ng peklat na kailanma'y di na mabubura.
Ps. Nagtatampo ako sayo lola, alam ko namang hindi mo kami paboritong apo, Pero ayos lang sana yun eh. Ang ko lang matangganp ay yung alam mong mali yung ginawa ng anak mo kay mama pero sya parin ang kinampihan mo. Pero wag kang mag-alala, mabait naman yung kapatid mo, sya kasi yung nagparamdam ng pagmamahal ng isang lola na hindi ko maramdaman sayo. Sana maging malusog ka at malayo sa sakit, lola parin kita kahit di ko maeamdamang tinuturing mo akong apo.
Pps. Miss ko na kayo mga pinsan ko kahit na magkaaway mga magulang natin, kami parin naman yung pinsan nyo. Sana maging maayos tayo tulad noong bata pa tayo. Ipapaubaya ko nalang sa diyos ang kinabukasan nating lahat. Sana ay masaya na kayo
Eleben
Others
Others
Unknown

Monday, November 2, 2020

INCEST

  May mga tao talaga na sobrang gusto natin pero hindi pwedeng maging atin. Mahal ko ang tito ko, alam ko parehas kami ng nararamdaman dahil sinabi at ipinaramdam nya 'yon sa saglit na pag kakataon lamang.

I'm 16 while his turning 19.15 years old pa lang ako inamin ko na sa tita ko na crush ko ang kapatid nya mukha namang okay lang sa tita ko kahit na sinabi ko na gustong gusto ko talaga si tito.
Hindi pa kami sobrang close noon palagi kaming nag kakasama pero nandoon yung ilang namin sa isat-isa. Pero gusto palagi ko syang kasama at natutuwa talaga ako kapag nakikita ko sya.
16 years old ako nawala yung atensyon ko sa kanya at napunta sa ibang tao. Nawala yung nararamdaman ko sa kanya.Ilang months ang lumipas nag ka boyfriend ako at tuluyan na talagang nawalan ako ng pake sa tito tama nga si tita na nadadala lang ako dahil palagi kong nakikita at nakaka sama kaya naging crush ko ang tito ko noon.
July 15, 2020 nag break kami ng boyfriend ko. Parang wala lang sa akin. Sabi pa nang tita ko sa akin "minahal mo ba talaga 'yon o ginawa mo lang dahilan para mawala yung feelings mo sa tito mo?" Napaisip ako. Minahal ko nga ba talaga sya? Parang hindi naman.
Sept. 14, 2020 ng dahil sa isang pangyayare bumalik yung nararamdaman ko sa tito ko.Gusto ko na naman na palagi syang nakikita, palagi syang nakaka usap at palaging nakakasama.
Sept. 22 2020 nag over night ako sa bahay ng tita ko. Doon natutulog ang tito ko at mag katabi kami, okay lang namn kay tita siguro inisip nya na wala naman kaming gagawin na masama at may tiwala sya. Umamin ako sa tito ko na gusto ko sya. Kita ko ang gulat sa mukha nya, tinitigan nya lang ako noon at ginulo ang buhok ko. Sabi pa nya "matulog kana lang" tumawa sya pero ramdam ko talaga yung pag kabigla nya , napansin ko din na may kakaiba sa kanya.
Then the next day napansin ko na palaging nakatitig yung tito ko sa akin e mahilig din ako tumitig kaya nag tititigan kami sabay ngingiti, nag kakaintindihan na kami.
Sept. 25, 2020 nag over night ulit ako kila tita at mag katabi ulit kami ni tito. Sobrang clingy nya na sa akin, kapag nag kukwento ako nilalapit nya yung mukha nya na halos mag kadikit na kami ng mukha. Madaling araw natapos kami sa kwentuhan namin sa mga walang ka kwenta kwentang bagay. Tumalikod na ako sa kanya at matutulog na sana ng bigla nya akong yakapin at sinabi nyang gusto nya din ako.
Ilang araw ang lumipas mas naging clingy kami sa isat-isa at gabi-gabi na din akong natutulog sa bahay ng tita ko kaya gabi-gabi din kaming mag kayakap ng kaming dalawa lang ang nakaka alam. Lumalim pa don ang ginagawa namin hindi kami nakuntento sa yakap lang kaya nag hahalikan na din kami pero hanggang dun lang hindi na humigit pa.
Isang buwan ang lumipas nakita kami ng tita ko na nag hahalikan. Inamin nya sa amin na hindi 'yon ang unang beses na nakita nya kami gusto nya lang daw suguruhin kung tama ba talaga ang nakita nya. Sinabi nya na hindi nya sasabihin sa magulang ko para iwas iskandalo na din dahil kami lang rin namn daw ang kawawapag nangyare 'yon. Pero sa isang kondisyon nya. Iiwasan namin ni tito ang isat-isa at hindi na mag uusap pa. Nung una ay nagawa namin pigilan pero habang tumatagal ay hindi na namin nakaya na iwasan ang isat-isa.
Isang beses palihim kaming nag kita. Niyakap lang namin ang isat-isa at nag paalam na dahil nangako na ako kay tita na hindi ko na uulitin ang nagawa kong mali.Nalaman ko nalang na may iba pa palang pinag sabihan si tita hindi lang kaming tatlo ang nakaka alam, marami na pala pero nanatili silang tahimik.
Kinausap kaming dalawa ni tito ng lola ko at pinag sabihan kami. Hinding hindi ko malilimutan ang sinabi nya "nakaka diri kayo!" "Hindi kayo pwede!" Masakit, sobrang sakit. Hinusgahan kami nang hindi nila alam ang tunay na katotohanan. Alam ko na hanggang ngayon mahal pa rin ako nang tito at mahal ko pa rin naman sya pero kailangan talaga namin iwasan na ang isat-isa para sa ikatatahimik ng lahat. May mga bagay na kailangan isakripisyo at 'yon ay ang pag mamahalan namin ng tito ko.
Cutekosobra
2020
Criminology
Others

TOXICITY OF A SQUAD

Hi I just wanted to share my experience about my recent squad na hindi na nag e-exist.So,we're 4 in the squad, super solid no'n at ang saya as in, magkakasama kami parati and we're helping each other pero meron talagang time na mapapaisip ka na "kasali ba talaga ako dito?".
Before, we're just 3 lang in the squad, and then we met this girl because pinakilala s'ya ng isa naming kaibigan. So tinanggap namin s'ya, tinutulungan namin sa mga lalaking gusto nya pero hindi naman talaga s'ya gusto. Madalas,ako pa nag checheeer up at tumutulong sa kanya to move on and kalimutan na yung mga lalaking yon.Then one time I open up my problems sa kanya, she responded "busy ako" so I understand that. But then I saw her recent post na "kaibigan lang pag may kailangan" I'm curious about it so I chatted her. Tinanong ko s'ya na sino yon, maayos akong kausap pero sinagot nya sa akin "sa tingin mo sino kaya pinariringgan ko? Magsalamin ka kaya." Then I replied, "hindi ko alam, may pagkukulang ba ako sayo? andyan ako palagi para sayo bakit mo ko sasabihan ng ganyan?" after that conversation hindi na nya ako uli chinat for more than 3months.
After 3 months nagulat ako kasi chinat nya ako. Wala na daw sila nung boyfriend nya. Nainis ako sa sarili ko dahil naawa ako sa kanya, so I helped her and chineer up ko s'ya kahit malungkot rin ako that time. Nagchat din yung isa naming kaibigan na nagpakilala sa kanya na malungkot rin sya kailangan daw nya ng kausap so I helped her too. Weeks later, hindi ko na nafe-feel na kasama ako sa squad namin. Di nila ako inaaya na sumabay sa kanila at hindi na rin nila ako pinapansin. Ayoko mag paawa, I'm depressed that time so I need someone to talk to. I'm too tired of being "anjan lagi pag may kailangan sila pero wala naman sila lagi sa tabi ko"friend. Para akong hangin, para akong walang itinulong sa kanila.
So after that lumayo ako sa kanila. Di ko na kaya yung ginagawa nila saakin so I posted solid naman akong kaibigan pero bakit walang nag i-stay sakin? But guess what? Nagalit sila. Nagalit sila na para bang wala silang ginawa sakin, na parang hindi nila ako binalewala. I'm thankful brcuase may isang kumampi sakin na kaibigan ko pa rin until now. Then silang dalawa sila na ulit yung magkaibigan.
Alam kong sinisiraan nyo ako sa iba, so Godbless!
Kung nafe-feel nyo na ganito kaibigan nyo please wag na kayong manghinayang sa memories. Di healthy. Thank youu din for my super bestfriend na kinampihan ako, ilysm.
AdiksaKpopAtSB19
2021-2020
Flight Attendant
FEU


Thursday, October 29, 2020

INIWAN DAHIL MAHIRAP LAMANG

  Hi po! Itago niyo na lang po ako sa pangalang Lyn, isang mahirap na babae na napagkakamalang mayaman. I have a boyfriend and may kaya siya. May sariling lupa at may magandang bahay, samantalang ako nakikitira lang ako sa bahay ng step father ko na barong barong lamang. Gawa ang bahay namin sa kahoy at flywood at mga trapal bilang pandingding dito.

To make the story short, gusto ng jowa ko na ipakilala ko siya kaso I have doubts and what ifs on my mind kasi natatakot ako na baka iwan niya ako kapag nalaman niyang malayo ang agwat ng lifestyle namin sa isat isa. Lagi niya na akong kinukulit at pinaghihinalaan na may iba sa tuwing sinasabihan ko siya na ayaw ko muna kasi di pa ako handa pero palagi siyang nagagalit. Until one time, grabe na ang galit niya sa akin dahil sa kakareject ko na ipakilala ko siya sa magulang ko. Kaya no choice ako kundi pumayag kaysa naman mag away pa kami.
Bago ako pumayag I told him na mahirap lang kami and di maganda bahay namin tulad ng sa kanila pero he answered me that "its okay, I will accept everything that you may show to me" kaya medyo naging panatag ang loob ko. But after na ipinakilala ko siya sa magulang ko bigla siyang naging cold saken and lagi na lang akong humihingi ng atensiyon niya. I told him na may problema kami but imbes na ayusin mas pinili niyang tapusin. Sobrang sakit nun.
He told me na hindi na daw ako masaya sa kaniya pero tinanong ko yun sa kaniya. I asked him kung happy na ba siya sa akin but hindi siya sumagot pero nakatitig siya sa akin. Until I asked him kung dahil ba sa lifestyle namin? Kung kinakahiya niya ba ako? he looked away after I asked him. Dun pa lang alam ko na ang dahilan.
Kaya girls maraming scam na lalake diyan. Hindi naman sa linalahat ko, kasi yung ex ko sabi niya sa akin na tatanggapin niya ako kahit anong sitwasyon ko sa buhay but see what happened. INIWAN NIYA PA RIN AKO. Kaya girls ingat po sa scammers. Ingatan niyo po ang puso niyo kasi our hearts are fragile especially to be someone that we truly loved.
Dun sa ex ko, Godbless sayo. Wala akong hinanakit sayo kasi I know na may dahilan si God kung bakit niya hinayaang mangyari yun. I still wants the best for you pati na rin sa susunod na maging gf mo sana makahanap ka ng kapareho ng lifestyle mo. Di kasi ako yung babaeng kayang ipagmalaki eh.
atemonginiwan
2020-2021
BNHS
Others

WALANG IBA PERO DI NA IKAW

Its been almost a year since that night pero hindi ko alam kung okay na ba talaga ko o nasanay na lang talaga ko sa sakit, immune lang ganon. We met May 2019, thru dating app. Sabi nila, walang tumatagal sa mga nagkakakilala sa dating app lalo na pag ldr. Pero why not give it a try, diba? We're taking the same program, engineering, kaya talagang nagkakasundo kami sa lahat ng bagay bagay. Timing pa na pareho kami ng university, magkaiba nga lang ng branch.

Masaya kami, hindi araw araw na nagkikita pero okay lang. Sapat na samin yung vc at chat the whole day. Kahit oras na ng review dapat magkatawagan pa rin kami hahaha ganon ata ako kahibang noon. He met my family, okay naman sila sa kanya. I met his too. Legal na both sides, okay naman din. Boto sa isa't isa. 


After 5 months, nagiging mainitin na yung ulo nya. Ang bilis na nyang napipikon sakin, kahit wala naman talaga kong ginagawa para i-provoke sya or whatsoever. Pero sabi ko sa sarili ko, "okay lang baka pagod lang to, baka stress na". Kaya lang habang tumatagal, narerealize ko, bakit ganito na sya? Bakit nagiging cold na.


November 2019, galing ako sa 3-day straight duty sa site. Habang nasa byahe, bigla syang nagchat sakin, na need na nga daw naming itigil kung ano mang meron kami. Akala ko nung una, playtime lang kagaya nang mga nakikita ko sa yt na puro pranks. Kaso hindi e, putangina hahahaha walang consideration, partida sa wala akong tulog, wala pa ko sa bahay, dis-oras pa ng gabi. 


Hindi pa nakakaisang linggo, may bago na sya. Okay lang naman sana kung sinabi nya nang maayos. Hindi yung tipong iiwanan nya ko nang hindi man lang nagbigay ng kahit na anong dahilan. 


Salamat sa pagbibigay sakin ng dahilan na hindi makatulog gabi gabi para pagisipang mabuti kung saan ako nagkulang. 



PS. Kaibigan nya yung bago nya. Wag kayong maniwala sa "best friend ko lang yon". Trust your gut.

labs



2015

Department of Civil Engineering

Home of Engineers