Thursday, October 29, 2020

WALANG IBA PERO DI NA IKAW

Its been almost a year since that night pero hindi ko alam kung okay na ba talaga ko o nasanay na lang talaga ko sa sakit, immune lang ganon. We met May 2019, thru dating app. Sabi nila, walang tumatagal sa mga nagkakakilala sa dating app lalo na pag ldr. Pero why not give it a try, diba? We're taking the same program, engineering, kaya talagang nagkakasundo kami sa lahat ng bagay bagay. Timing pa na pareho kami ng university, magkaiba nga lang ng branch.

Masaya kami, hindi araw araw na nagkikita pero okay lang. Sapat na samin yung vc at chat the whole day. Kahit oras na ng review dapat magkatawagan pa rin kami hahaha ganon ata ako kahibang noon. He met my family, okay naman sila sa kanya. I met his too. Legal na both sides, okay naman din. Boto sa isa't isa. 


After 5 months, nagiging mainitin na yung ulo nya. Ang bilis na nyang napipikon sakin, kahit wala naman talaga kong ginagawa para i-provoke sya or whatsoever. Pero sabi ko sa sarili ko, "okay lang baka pagod lang to, baka stress na". Kaya lang habang tumatagal, narerealize ko, bakit ganito na sya? Bakit nagiging cold na.


November 2019, galing ako sa 3-day straight duty sa site. Habang nasa byahe, bigla syang nagchat sakin, na need na nga daw naming itigil kung ano mang meron kami. Akala ko nung una, playtime lang kagaya nang mga nakikita ko sa yt na puro pranks. Kaso hindi e, putangina hahahaha walang consideration, partida sa wala akong tulog, wala pa ko sa bahay, dis-oras pa ng gabi. 


Hindi pa nakakaisang linggo, may bago na sya. Okay lang naman sana kung sinabi nya nang maayos. Hindi yung tipong iiwanan nya ko nang hindi man lang nagbigay ng kahit na anong dahilan. 


Salamat sa pagbibigay sakin ng dahilan na hindi makatulog gabi gabi para pagisipang mabuti kung saan ako nagkulang. 



PS. Kaibigan nya yung bago nya. Wag kayong maniwala sa "best friend ko lang yon". Trust your gut.

labs



2015

Department of Civil Engineering

Home of Engineers

No comments:

Post a Comment