Thursday, October 29, 2020

SORRY

So ayun I have jowa 9months na kame happy and contented ganon natutuwa ako dahil ako first gf nya ako first sa lahat hehe sobrang happy ko den kase never nya pa akong niloko like ng mga ex ko lol,,, Kaso sad lang kasw never nya kong pinakilala sa parents nya but oki lang naiintindihan ko naman sya pero sa side ko legal kame. Same kameng school same na g11 magkaiba lang kame ng strand. Lage namen pinaguusapan is future at pangarap namen para walang masabe yung parents namen.

So ayun minsan lang kame nagkikita lage lang chat vc away bati ganon normal lang pero that day na hindi ko makalimutan is may nangyare samen mygod first time namen pareho nagulat nalang ako nung parang may mainit na pumasok sa loob kinakahaban ako sakto naman di pa ko nagkakaron, tinesting ko sya sinabe ko sa kanya na delay nako 2months I just want to know his reaction. Weird nya nung sinabe ko di sya mapakali nababasa kona kung ano want nya pero dedma ko lang pero fast few days lage sya nag aask kung kamusta daw ba ako ano daw nagbago saken ganon pero ayun tinuloy ko pareb diko sinasabe sa kanya yung totoo hanggang sa pinag aawayan na namen yan parang pinapahiwatig nya na ipalaglag yung bata (kahit alam ko sa sarili kong wala) sinabe ko sa kanya na kung hindi nya kayang panindigan ako nalang kaya ko naman kase may magulang naman akong susuporta saken so ayun pumayag sya agad agad sabe nya na hindi nya sasabihin sa magulang nya na bakabuntis sya balak nya lang talaga itago (saket) di na ako nag salita kase i know his answer alam kong seryoso den sya. Sa first time namen mag make love ganon pala resulta.
Break na kame ngayon alam kong kasalanan ko pero why? gusto ko lang naman malaman kung kaya naba nya akong pinakilala sa magulang nya pero hindi pala ako ren yung talo sa huli ang saket lang sorry kung niloko kita about don pero gusto kolang talaga malaman kung kaya moba ako ipaglaban.
1 year ago I have blessing diko alam na totoo palang buntis ako shocks pati ako nagulat dahil alam ko biro biro ko lang pero wala ei andito na tinanggap ko lang talaga di na ako nanghingi ng kahit ano sa ex ko nag sumikap pinagsabay ko yung pag aaral ko para mabuhay ko mag isa yung baby ko.
Ang gulo ng story ko, sorry.
M.O.
Others
Others
Unknown

Wednesday, April 13, 2016

Stan Smith

I just want to say hi to the AB girl (based on her uniform) who stepped on my box fresh Stan Smiths around 5pm kahapon sa may Dapitan, in front of the gate nearest sa St. Raymund.

I was ready to go beast mode on you (kasi sino ba naman matutuwa na matapakan ang white sneakers nila, especially Stan Smiths) pero I saw your face, gosh. Napigilan ako kasi ang ganda mo. HAHAHA. You said sorry and I accepted it wholeheartedly. Wala ng ""eh tinapakan mo shoes ko, bakit kita papatawarin"". Kasi usually ganun ako when it comes to my things. Maalaga kasi ako. Haha

Kaya to the girl na tumapak sa shoes ko, sige lang, kahit everyday mo tapakan, tatanggapin ko. Basta wag lang puso ko.

hindi lang shoemarks mo ang iniwan mo sakin, pati puso mo.


To the girl with the ombre hair and wayfarer glasses. Who's wearing black Roshes and jeans. Comment down.
😂

Archer becomes Tiger in August 2017.
117
College of Liberal Arts
DLSU

bayang

Transferee ako nun, from LaSalle. Ayoko kasing Makita yung ex ko na pinagpalit ako. Bitter ako e. 3 years kasi kami e. I met this girl, april 2. Randomly. Wala syang interes sakin. Lagi akong nag eeffort makausap sya, makatext. Kahit minsan alam ko napipilitan sya, para humaba yung topic namin, pinag uusapan naming ung lalaking nag iwan sa kanya sa ere. Kahit na hindi sya masyadong mabait, sobrang suplada at ang taray niya, wala e, tinamaan ako. Ayokong magsisi na di man lang ako gumawa ng way.
So, exactly 1 month, May 2, 2015 tinext ko sya. Magkita kami sa chapel ng educ hihintayin ko sya, hndi sya sumipot. Pinagdala ko sya ng chicken barbeque na gawa ng nanay ko at id lace ng CE (ung mga gf kasi ng kaklase ko, puro id lace ng bf nila ung gamit) hahaha. Ang tagal kong naghintay, di sya pumunta. Sabi ko baka hinihintay nya lang ako umalis. Iniwan ko sa first row, pero walang thank you na nagtext sakin. Feeling ko, basted ako. I was asking for a sign. She failed. Sabi ko, sige na po. Papalayain ko na sya. Sabi ko, pag sya unang nagtext sakin may chance kami. I was waiting almost 2 months. Borrowing my friends phone to call her. 2nd sign, oh no she failed she didn’t text me first. Nawala ako for 2 months, july nagtext ako medyo galit pa nga ako sa kanya hehe galit ako kasi di sya nagtext. Sabi ko sa mga friends ko sya ung unang nagtext pero ang totoo ako naman.. kahit sabi ng sign di sya para sakin, sabi ko “isa pa po, last na! 3rd chance”, I almost give yung time ko, always available anytime. As in. di ako natakot i-try kasi minahal ko na sya at gustong gusto ko sya, kasi lagi syang nakikinig sa non-stop kong kwento. Mahilig syang makinig e. lagi syang tumatawa sa jokes ko. Sabi ko noon sa sarili ko, hinding hindi ako makikipag-MU kasi asahan lang yan, iiwan ka sa ere anytime at ayokong mangyari sakin yunn makipag MU man ako. 2 weeks na yung pinakamatagal. Wow! Nag turn out nalang na, para sakin MU na kami. Basta, nag I miss you na sya e, nagke care at tinawag na nya akong baby. Alam ko MU na kami pero, almost 20x ko na yata synag niyayang maging kami laging rejected. Sabi ko, last question na 3rd sign pag hindi ako sinagot stop na. hindi nya ako sinagot
squint emoticon
again, sabi ko “isa pa po, pinakalast sign na” guess what? 7 months syang nagpabebe
unsure emoticon

January 1, 2016. Gusto ko ng tapusin lahat. Gusto ko ng iwanan ung 2015 kasama sya kasi hindi na healthy nag a-iloveyou kami ng walang title. Pinapakilala ko sya pero di kami. I was lying na kami, kasi mapapahiya ako e. pero hindi naman talaga. So sinabi ko sa knya, wala akong pinagsisihan na we spend 7 months together. She’s better than every girl I met. How I wish she’s the one. Sabi ko, maybe yung puzzle too easy kaya di nya pinapansin na yun na yun. Binalewala ko lahat ng signs at mga advice sakin, I don’t want to lose you pero I don’t have you. So im giving up. Baka di ako yung magiging first bf mo, but years from now baka ako yung last.

So ayun, sinagot na nya ako. What a new year
smile emoticon
maaaring isang buwan lang mahal na naming ang isa’t isa.pero sumugal ako ng 7 buwan bago ko nakuha yung “oo” ng gusto kong maging asawa. Mas masarap pala talaga yung “iloveyou” muna bago “oo”. Pag may nagtatanong nga sakin ilang months na kami sasabihin ko “3 months”, sasabihin nila “yan pa rin yung dati ah?” sasabihin ko nalang “oh, bakit ba?” hahahahahhaa.

Ps: baby sorry kung di ko agad inamin ung lunch at id lace. Ayoko kasing maguilty ka haha
heart emoticon

‪#‎EducZone‬

Can prz
2011
civil engineering

MY ANON GAY LOVER

My gayfriend and I were having our inuman sesh w our friends. After a while, nagkaron na kami ng kanya kanyang mundo sa table namin. Busy sa kanya kanyang trip. Alam ko hindi kami lasing pero eto:

You held my hand and put your head sa shoulders ko.
Me: hoy ok ka lang?!
You: oo. Ang saya ko nga eh.
Me: beh, yung kamay ko... ba't mo ba hawak hahaha
You: hayaan mo nalang...

at tumitig ka lang sakin

You: sobrang manhid mo...
Me: no offense beh ha pero.. beks ka wag kang ano diyan!
You: pero hindi naman ako bakla noon eh. Niloloko ko lang sarili ko pag pinipilit kong hindi kita gusto! Please. I wanna be with you...

Hindi ako nakapag salita kasi sa totoo lang, nagulat ako and di ako naconvince kasi syempre.. beks siya eh and baka lasing. Pero grabe, noon pa lang din naman attracted na ako sa kanya. Happy crush. Gwapo naman siya kasi. Plus mabait, funny and caring. He's just always there for me. May pagka manhid lang talaga ako.

Nagkahiwa hiwalay tayo nung gabing yon pero pagkauwi ko nagtext ka, ""Kita tayo tomorrow? Please.""

Nung nagkita kami kinabukasan...

You: di ko dapat sinabi sayo eh. Pero.. okay na yung alam mo
Me: kaya pala mas gumwapo ka pa today eh. Tanggap kita kung ano ka, anong magiging decision mo sa sexuality mo. Kung saan ka masaya. Wag mo ipilit. Walang masama sa pagiging bi/gay
You: alam mo naman kung saan ako sasaya eh..... Sayo.....

I hugged him

You: tanda mo ba nung tinext mo ko na may nagpadala ng flowers sayo anonymously and takang taka tayo parehas kung sino ba nag bigay sayo. Well... ako kasi yon.
Me: AS IN YUNG PINK ROSES NA MAY.... I LOVE YOU???
You: oo... I love you, Grace.
Me: walang halong charot?
You: tigilan mo ko ha... Halikan kita diyan eh.
Me: (tatawa pa lang ako pero bigla na niya akong kiniss)

HAHA KINIKILIG PARIN AKO! SARAP MAINLOVE MGA BEH!!!! HAHAHA 11 MONTHS NA KAMI NGAYON! (Sana naman po mapost to pleeeaaase hehe)

Girl Anesthesia
2018
Pharmacy

BL*WJ*B

Merong 'best friend' na babae yung boyfriend ko na sobrang clingy. As in sa pictures gusto nya nakahug sya sa boyfriend ko, umaakbay sya kapag nakatambay kami, etc. It irritates me and lagi ko sinasabi sa boyfriend ko na hindi yun tama kasi I have a best friend na lalake rin pero alam ko naman kung nakakabwisit na sa paningin ng GF nya yung actions ko. Nirereason pa ng boyfriend ko na kesyo raw one of the boys yung babae kaya ganon kumilos. (Hello, eh taga-Faculty of Eng'r kami ng BF ko at most ng tropa ko eh lalake pero di naman ako clingy) Asar na asar ako tuwing tumatambay sila pero dahil may tiwala naman ako sa BF ko eh okay lang.

Birthday ni Girl, inivite kami. Di ko alam kung kasama talaga ako o napilitan nalang kasi GF nga ako ng 'best friend' nya. Sumama pa rin ako since may inuman at hindi nga ako comfy sa kilos nya. Nung nandun na kami, nasa isang sulok lang ako at nagtetext and stuff since wala naman ako masyadong kilala do'n. Buong party nando'n lang ako sa sulok.

Umupo si BF sa tabi ko na medyo mapungay na ang mata. Sabi ko alis na kami. As courtesy syempre magpapaalam kami na aalis na kami. So hinanap namin si Girl para magpaalam.

Girl: Oh alis na kayo?
Me: Oo.
BF: Happy birthday uli! Sarap nung blowjob.

Napanganga ako at nanginig. Gusto kong umiyak na di ko maipaliwanag. As in biglang umapaw yung inis na tinatago ko kay Girl at sinapak ko si BF.

Me: BLOWJOB TANGINA MO BLOWJOB?! HA?! HAYUP KA HABANG NANDITO AKO TANGINA KA?!

Nagstop yung music. Lahat ng mata nakatingin saming tatlo.

BF: Yung drink, baby. Blowjob tawag do'n sa drink.
Girl: Eto oh. Eto yung blowjob. *turo sa hawak na drink*

Yung mukha ko yata no'n naging maalakamatis sa pula. Sobrang hiyang hiya ako na pinagpatuloy ko nalang magalit para di mahalata na galit ako. Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa. Bobo ko shet hahahahahahahahahaha.

Me: Malay ko ba pangalan ng lintik na yan leche! *sabay walkout*

Pagdating namin sa car nagpretend pa rin akong galit just to save face. After naman nung incident eh naging okay na kami ni Girl so, silverlinings.

Di ako nagpakita sa tropa nya ng 2 years, baka sakaling nalimutan na nila yung nangyari.

REEYA
2013
Engineering