Wednesday, April 13, 2016

BL*WJ*B

Merong 'best friend' na babae yung boyfriend ko na sobrang clingy. As in sa pictures gusto nya nakahug sya sa boyfriend ko, umaakbay sya kapag nakatambay kami, etc. It irritates me and lagi ko sinasabi sa boyfriend ko na hindi yun tama kasi I have a best friend na lalake rin pero alam ko naman kung nakakabwisit na sa paningin ng GF nya yung actions ko. Nirereason pa ng boyfriend ko na kesyo raw one of the boys yung babae kaya ganon kumilos. (Hello, eh taga-Faculty of Eng'r kami ng BF ko at most ng tropa ko eh lalake pero di naman ako clingy) Asar na asar ako tuwing tumatambay sila pero dahil may tiwala naman ako sa BF ko eh okay lang.

Birthday ni Girl, inivite kami. Di ko alam kung kasama talaga ako o napilitan nalang kasi GF nga ako ng 'best friend' nya. Sumama pa rin ako since may inuman at hindi nga ako comfy sa kilos nya. Nung nandun na kami, nasa isang sulok lang ako at nagtetext and stuff since wala naman ako masyadong kilala do'n. Buong party nando'n lang ako sa sulok.

Umupo si BF sa tabi ko na medyo mapungay na ang mata. Sabi ko alis na kami. As courtesy syempre magpapaalam kami na aalis na kami. So hinanap namin si Girl para magpaalam.

Girl: Oh alis na kayo?
Me: Oo.
BF: Happy birthday uli! Sarap nung blowjob.

Napanganga ako at nanginig. Gusto kong umiyak na di ko maipaliwanag. As in biglang umapaw yung inis na tinatago ko kay Girl at sinapak ko si BF.

Me: BLOWJOB TANGINA MO BLOWJOB?! HA?! HAYUP KA HABANG NANDITO AKO TANGINA KA?!

Nagstop yung music. Lahat ng mata nakatingin saming tatlo.

BF: Yung drink, baby. Blowjob tawag do'n sa drink.
Girl: Eto oh. Eto yung blowjob. *turo sa hawak na drink*

Yung mukha ko yata no'n naging maalakamatis sa pula. Sobrang hiyang hiya ako na pinagpatuloy ko nalang magalit para di mahalata na galit ako. Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa. Bobo ko shet hahahahahahahahahaha.

Me: Malay ko ba pangalan ng lintik na yan leche! *sabay walkout*

Pagdating namin sa car nagpretend pa rin akong galit just to save face. After naman nung incident eh naging okay na kami ni Girl so, silverlinings.

Di ako nagpakita sa tropa nya ng 2 years, baka sakaling nalimutan na nila yung nangyari.

REEYA
2013
Engineering

No comments:

Post a Comment