Transferee ako nun, from LaSalle. Ayoko kasing Makita yung ex ko na pinagpalit ako. Bitter ako e. 3 years kasi kami e. I met this girl, april 2. Randomly. Wala syang interes sakin. Lagi akong nag eeffort makausap sya, makatext. Kahit minsan alam ko napipilitan sya, para humaba yung topic namin, pinag uusapan naming ung lalaking nag iwan sa kanya sa ere. Kahit na hindi sya masyadong mabait, sobrang suplada at ang taray niya, wala e, tinamaan ako. Ayokong magsisi na di man lang ako gumawa ng way.
So, exactly 1 month, May 2, 2015 tinext ko sya. Magkita kami sa chapel ng educ hihintayin ko sya, hndi sya sumipot. Pinagdala ko sya ng chicken barbeque na gawa ng nanay ko at id lace ng CE (ung mga gf kasi ng kaklase ko, puro id lace ng bf nila ung gamit) hahaha. Ang tagal kong naghintay, di sya pumunta. Sabi ko baka hinihintay nya lang ako umalis. Iniwan ko sa first row, pero walang thank you na nagtext sakin. Feeling ko, basted ako. I was asking for a sign. She failed. Sabi ko, sige na po. Papalayain ko na sya. Sabi ko, pag sya unang nagtext sakin may chance kami. I was waiting almost 2 months. Borrowing my friends phone to call her. 2nd sign, oh no she failed she didn’t text me first. Nawala ako for 2 months, july nagtext ako medyo galit pa nga ako sa kanya hehe galit ako kasi di sya nagtext. Sabi ko sa mga friends ko sya ung unang nagtext pero ang totoo ako naman.. kahit sabi ng sign di sya para sakin, sabi ko “isa pa po, last na! 3rd chance”, I almost give yung time ko, always available anytime. As in. di ako natakot i-try kasi minahal ko na sya at gustong gusto ko sya, kasi lagi syang nakikinig sa non-stop kong kwento. Mahilig syang makinig e. lagi syang tumatawa sa jokes ko. Sabi ko noon sa sarili ko, hinding hindi ako makikipag-MU kasi asahan lang yan, iiwan ka sa ere anytime at ayokong mangyari sakin yunn makipag MU man ako. 2 weeks na yung pinakamatagal. Wow! Nag turn out nalang na, para sakin MU na kami. Basta, nag I miss you na sya e, nagke care at tinawag na nya akong baby. Alam ko MU na kami pero, almost 20x ko na yata synag niyayang maging kami laging rejected. Sabi ko, last question na 3rd sign pag hindi ako sinagot stop na. hindi nya ako sinagot
squint emoticon
again, sabi ko “isa pa po, pinakalast sign na” guess what? 7 months syang nagpabebe
unsure emoticon
January 1, 2016. Gusto ko ng tapusin lahat. Gusto ko ng iwanan ung 2015 kasama sya kasi hindi na healthy nag a-iloveyou kami ng walang title. Pinapakilala ko sya pero di kami. I was lying na kami, kasi mapapahiya ako e. pero hindi naman talaga. So sinabi ko sa knya, wala akong pinagsisihan na we spend 7 months together. She’s better than every girl I met. How I wish she’s the one. Sabi ko, maybe yung puzzle too easy kaya di nya pinapansin na yun na yun. Binalewala ko lahat ng signs at mga advice sakin, I don’t want to lose you pero I don’t have you. So im giving up. Baka di ako yung magiging first bf mo, but years from now baka ako yung last.
So ayun, sinagot na nya ako. What a new year
smile emoticon
maaaring isang buwan lang mahal na naming ang isa’t isa.pero sumugal ako ng 7 buwan bago ko nakuha yung “oo” ng gusto kong maging asawa. Mas masarap pala talaga yung “iloveyou” muna bago “oo”. Pag may nagtatanong nga sakin ilang months na kami sasabihin ko “3 months”, sasabihin nila “yan pa rin yung dati ah?” sasabihin ko nalang “oh, bakit ba?” hahahahahhaa.
Ps: baby sorry kung di ko agad inamin ung lunch at id lace. Ayoko kasing maguilty ka haha
heart emoticon
#EducZone
Can prz
2011
civil engineering
No comments:
Post a Comment