Friday, March 25, 2016

An Open Letter To My Cinderella

I was your professor and you were my student. The first time I saw you I knew I didn't like you. You were a lazy happy go lucky student. Mahilig gumimik at maghappy thursday. You always failed in my class. Hindi ka na pumapasa late ka pa lagi. Pasaway at maingay sa klase ko. I hate you, Yes I really hate you. Lagi akong napipikon sayo kaya minsan pinapalabas kita sa klase. I became your professor for one semester at walang araw na hindi ka magulo sa klase ko. Minsan tulog dahil sa kakagimik mo. Maganda ka oo pero hindi ko type yung katulad mo. Pasaway at sakit sa ulo. Yung walang professor ang magtitiis sayo pero ako I took it as a challenge. Pero merong something sayo na hindi ko maexplain. You are one of a kind. Yung tipong you made me smile despite of your naughtiness. Lagi kang papansin sa klase ko. Hindi kita napapansin dati pero napansin kita nung simula kang magbago. Nakakapanibago. You started to study hard and perfected the examinations. You always got highest scores in your projects. From being pasaway, tulog at magulo palagi ka ng nagrerecite at active sa class discussions natin. Until you became one of the top in our class. I admired you back then. I asked you what happened to you? And you just smiled saying someone inspired me. I knew that time that you had a crush in me but I didn't care that time knowing I had a girlfriend back then. You added me on facebook and I accepted you. I didn't know kung kanino mo nakuha yung number ko but you texted me saying thank you for being an inspiration to me. At that time we became so close. Valentine's 2010 someone gave me a letter saying I was so lucky to be your student and I didn't notice that I was falling for you each day I saw you. Unknown, hindi ko alam kung sino pero hindi ko na inalam basta masaya ako knowing na masaya yung student ko na naging professor niya ako. We had a six years gap pero okay lang kasi parang tropa na ang tingin natin sa isat'isa outside the school premises. Masaya akong kausap ka lagi hanggang maubusan na tayo ng topic sa isat'isa at maggood night na tayo. Ayun natapos na ang sem may lungkot sa akin knowing na mamimiss kita. Oo, mamimiss ko ang isang estudyanteng katulad mo. Everyday, hinahanap kita sa klase ko pero oo nga pala hindi na kita student. Pero hindi tayo nawalan ng contact sa isa't isa. Sabi ko if you need a friend, someone you can talk to I am just free. Masaya ako sa kwento mo sa akin na hindi ka na madalas gumimik at maghappy thursday. Salamat at nakinig ka sa payo ko. One time napag-usapan natin kung may boyfriend ka na I knew you had so many suitors kasi nga madaming flowers ang nagbibigay sayo and chocolates sa Ust. Hindi naman ako magtataka napakaganda mo at masayahin. Pero you told me na wala kang gusto dun sa mga nanliligaw sayo at alam ko rin naman na nagmomove on ka pa lang dun sa ex mong iniwanan ka. Sabi mo nagkakagusto ka na rin sa iba pero malabo malabong magustuhan kaniya. Sabi ko walang malabo basta gugustuhin mo. Hindi ko alam na ako pala yung tinutukoy mo that time. Months had passed you told me the good news binalikan ka ng ex mo at naging kayo ulit. Masaya ako sa binalita mo pero may lungkot at the same time. Mula noon madalang na tayo na mag-usap na naging busy na tayo sa kanya kanya nating relationships. Pero hindi naging madali sa amin ng first girlfriend ko ang relationship namin. Conflict sa schedule hanggang sa nawalan kami ng time sa isa'isa dahil naglalawschool din siya. Sobrang sakit sa akin yung break up namin lalo na siya yung first girlfriend ko. Nasayang lang yung three years na magkasama kami. At sana magpopropose na rin ako sa kanya. Mapaglaro nga talaga ang tadhana siguro pinagtapo kami pero hanggang dun na lang yun. So I decided to go in a bar para maglabas ng sama ng loob. Uminom at magpakalasing. Duon nakita kita umiiyak at lasing na lasing. First time kong makita ang isang matapang na tulad mo na umiiyak. Inamin mo na niloko ka pala ng boyfriend mo. Same with me na bigo sa lovelife sabi ko iiyak mo lang, iiyak lang natin hanggang wala na tayong mailuluha. I was the one in your side when you were so down ganun ka din sa akin. We found each other's company. Simula noon lagi na tayong magkasama. Lagi tayong nasa Humanities. Ikaw gumagawa ng thesis mo dahil graduating ka na habang ako gumagawa ng lesson plans. Sabay tayong kumakain ng lunch minsan sa Dapitan o minsan sa Lacson. Minsan naman duon tayo sa Hepalane. Hindi ka maarte sa pagkain yung tipong kahit turu-turo lang ay okay na sayo. At duon mas lalo kitang minahal at nagustuhan. Textmates na pala tayo yung nagpupuyat tayo makausap lang ang isat-isa kada gabi. Duon mas lumalim yung love na meron ako sayo. Pero alam kong bawal yung ginagawa natin dahil dito maari akong matanggal sa profession ko. Kaya ako na ang umiwas. Hindi na ko nagpaparamdam at nagpapakita sayo kasi pinag-uusapan na rin nila tayo. Nalungkot ako that time so naghanap na lang ako ng ibang way para makalimutan yung lungkot na yun. Binaling ko na lang sa pagtuturo ang pagkalumbay ko sayo. At ikaw balita ko may bago kang manliligaw. Ako naman nakikipagbalikan na yung ex ko sa akin pero hindi ko na siya tinanggap kasi alam ko mayroon ng someone na nagpapasaya sa akin at alam kong ikaw yun. Pumunta akong Makati para may ayusin na papers hanggang nakita kita dun. Ang cute at ang ganda mo pa din. Nastarstruck na naman ako sayo. Niyaya kita ng dinner tapos napadalas na yung paglabas natin yung panunuod natin ng movie together. Sinabi ko nga pala sayo na ikinasal na yung ex ko at masaya na ako para sa kanya. Ako naman sabi ko masaya na ako kung anong mayron ako ngayon. Inamin mo sa akin that time na may gusto ka sa akin dati pero ngayon wala na kaya okay na sayo ikwento yun. Kinumusta kita at sabi mo masaya ka sa pagiging single mo. Inamin ko na sayo na Mahal kita at that time you were shocked parang hindi pumasok sa utak mo yung sinabi ko kaya inulit ko. Ayun, ngumiti ka lang at nagpasalamat. Hanggang I asked to court you and yes ang sabi mo. Hindi mo alam kung gaano ko kasaya nuon. Lahat ng pagod at effort ko nawala nung sagutin mo ko nuong June 18, 2011. Oo tandang tanda ko pa na habang nakasakay tayo at nasa tuktok ng ferris wheel duon narinig ko ang matamis mong oo. Magfifive years na pala tayo this coming June at duon ikakasal na rin tayo sa Ust church kung saan tayo pinagtapo. I never expect na yung pinakaayaw ko na estudyante at that time siya din pala ang destiny ko yung taong kukumpleto sa akin. Yes, I watched you grow from a brat to a lady and now to be my future bride. Tama siya, totoo ang forever basta kumapit ka lang at magtiwala.

PrinceCharming
2006
Educ

A Second Chance

I was your student and you were my prof. Honesty, I was a lazy student yung tipong Happy go lucky lang. More on gimik, happy thurdsday yung kapag may exam lang nag-aaral at umaasa sa tres kumbaga bahala na si batman. You became my professor for one semester at ayun lagi akong pasaway sa klase mo. Ako yung laging late at laging maingay. Lagi ka ngang napipikon sa akin at ganun din ako sayo so ang ginagawa ko lagi kitang pinipikon. Gwapo ka, matalino at mabait kaso may girlfriend ka na. Hindi ko namamalayan na inlove na pala ako sa proffesor ko. So I did all my best para lang mapansin mo. But this time in a good way nag-aral akong mabuti. Hanggang naperfect ko yung mga exams mo. Lagi akong nagrerecite at pinaghahandaan ko lahat ng projects na binibigay mo sa amin in a way na ako yung laging highest. Until I became one of the top students in your class. From being enemies we became friends in facebook and into real life. Hindi ko ineexpect na mafafall in love ako sa isang professor na katulad mo. Six years ang gap natin sa isat'isa not bad naman diba? Masaya akong kakwentuhan ka sa fb at ako pa nga ang nag-iistart ng convo hanggang sa maubusan ako ng topic at mag-goodnight na tayo sa isat'isa. Hanggang matapos ang sem malungkot ako kasi hindi na kita madalas makikita. Yung inspirasyon kung bakit ako gumigising ng napakaaga at nag-aaral ng mabuti hindi ko na laging masisilayan. Madalang na pala ako gumimik maghappy thursday dahil sayo. Salamat sa mga payo mo at hindi na din ako naging happy go lucky. Maraming nanliligaw sa akin pero wala ikaw yung gusto ko pero sino ba naman ako para gustuhin mo at alam kong estudyante mo lang ako. Binalikan ako ng ex ko at naging kami ulit. Masaya naman ako pero hindi na katulad ng dati nawala na yung sparks at hindi masaya tulad na kapag ikaw ang kausap at kasama ko. One day, nahuli kong may babae yung boyfriend ko na dapat ay mamahalin ko na siya ng buong buo at kakalimutan ka na. Ang sakit sakit sa part ko na you are now ready to give your everything to him but it was not enough. So bumalik ako sa dating ako, bumalik sa paggimik at duon nakita kita umiinom. Ayun, nagbreak pala kayo ng girlfriend mo at ang dahilan hectic ang schedules na hindi niyo na nabibigyan ng time ang isat'isa. Sobrang lungkot mo that time that you can't accept the fact na hiwalay na kayo ng first girlfriend mo. Ako naman malungkot dahil wala na kami ni ex. Nag-inuman tayo nuon. I was crying to you. At sabi mo we can do this, we can move on. You were my crying shoulder that time at first ko pa lang umiyak sayo dahil nga alam mong matapang ako na lagi kang napipikon sa akin. Ikaw din umiyak nun. At naging sandalan natin ang isat'isa sa panahon na bigong bigo at wasak na wasak ang ating mga pusong sawi. Lalo akong nainlove sayo nun sa mga kabutihang ginagawa mo sa akin. Hanggang lagi tayong sabay kumakain sa Dapitan minsan sa Lacson o saan man tayo dalhin ng ating paglalakad. Palagi na tayong magkatext. Hanggang lumalim yung pagtitinginan natin sa isat'isa. One day nagulat ako at umiwas ka na sa akin. Pinag-uusapan na pala tayo sa building natin at alam naman natin na bawal yung treatment na ginagawa mo sa akin. Nalungkot ako that time so naghanap na lang ako ng ibang way para makalimutan yung lungkot na yun. Hanggang nalaman kong nakikipagbalikan yung ex mo sayo at ako naman may bagong manliligaw. Graduating na pala ako kaya sabi ko sana pagkagraduate ko makita ulit kita kung pwede man. Napaisip ako na baka ito nga ang ating tadhana, tadhanang wakasan ang pag-sasama. One day in Makati, nakasalubong kita syet ang gwapo mo pa din mas lalo pumogi. At we had a dinner together hanggang napadalas at nagmovie na rin tayo. Kwinento mo na kinasal na yung ex mo at di mo na siya tinanggap kasi may mahal ka ng iba. Ako naman sabi ko masaya na ako kung anong mayron ako ngayon. Infact inamin ko pa nga sayo na gusto kita dati knowing na wala na yung feelings na yun so I felt free to tell you. Sabi ko sino naman sir ang bago mong gusto? Mas maganda ba sa akin? And you said wag mo na nga akong tatawaging sir wala na tayo sa campus magkaibigan na tayo. At sinabi mo no kasingganda mo siya kasi ikaw yun ikaw yung gusto ko dati pa dati pa na naiinis ako sayo dahil sa pagiging pasaway mo pero alam kong malabo alam kong bawal yun dati. Nagulat ako sa pag-amin na ginawa niya sa akin. Sinabi niya na alam niya naman na matagal na may gusto ako sa kanya at halata naman yun sa mga gestures ko. Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya pero at that moment sobrang bilis ng tibok ng puso na hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya. Tinanong niya ako kung may chance ba daw siya sa akin? Lahat ng feelings bumalik at oo ang sinagot ko. Niligawan niya ako for one year at sobrang sweet niya sa akin. Last 2011 sinagot ko siya and yes magfifive years na kami sa June and engaged na kami. Plano na pala naming magpakasal on the same month. Ang love story natin ay parang "Starting Over Again" pero hindi katulad nun sa atin may "A Second Chance". Kaya ang wish natin ay magiging totoo na, to settle our own family and to live happily ever after. Oo, totoo ang forever basta magtiwala ka lang.

Cinderella
2010
Cthm

Monday, March 14, 2016

Right place and Right time

"Nagmumura ako in real life pero hindi naman ako iskwater. The last time I checked, marami pa naman kaming lupang pinapaupahan and I believe, I am living in our own property so there's no any way to call me living in a slum. Hindi nag mumura ang parents ko. Di rin naman nila ako tinuruang mag mura so don't put the blame on them. Graduate naman ako ng college, in fact psychology pa ang course ko so you don't have the right to judge me that I am uneducated. Though, I am aware that cursing is a sin but well, we are all sinners.

Naalala ko nung grade 2 ako, sinampal ako ng nanay ko nung narinig niyang nag salita ako ng "G**o" eh narinig ko lang naman sa TV yun. Tsk. Environment and media are the main causes of everything. There's nothing wrong in swearing if expressing obscenities is the only way to relieve the emotional pain inside your chest or the physical pain, then do it. Read "Hypoalgesic effect of Swearing" by Richard Stephens. In this study the researcher stated that swearing can lessen any pain. Stephens also ended up with an observation that cursing isn’t directly linked to intellect. Just a reminder for those judgmental peeps out there that think people who always swear are ignorant.

Cursing is the best coping mechanism. Depression, rejections and other feelings of grievances cursing can make us feel better. Wag rin paganahin ang gender discrimination na pag babae masamang babae agad pero pag lalake astig. Anong kash*tan yun? Pero kung iisipin, pangit nga namang tignan sa babae. Medyo refrain lang tayo girls lalo na sa public places. Pang private interpersonal conversation lang tayo. Normal ang pagmumura mapa presidente, prime-minister, mapa mahirap o pinaka mayaman lalo na sa pinoy. Sa comment section palang eh.

Sa sobrang galit, imbis na patayin mo yung taong nam-provoke sayo mumurahin mo nalang ng "P*+*‪#‎G‬ *#% mo!" Mga ganung instance. Mabait ka pa nga nun eh kasi hindi ka nanakit. Atleast di mo siya sinapak o ginripuhan sa tagiliran, diba? Pag sobrang saya mo naman mapapa P*+*#G *#% ka nalang. Kapag nagulat ka mapapa P*+*#G *#% ka nalang. Kapag brokenhearted ka mapapa P*+*#G *#% ka nalang din. Pag pinansin ka ng crush mo mapapa P*+*#G *#% ka nalang din sa kilig. Mapa "P" or mapa "FYou" or "MF" iykwim, englishin man o hindi mura parin, pinasosyal lang para sa mga elitista.

But if you don't know how to express it in a right place and in a right time, that's the time that you will look like uneducated because you obviously did not use your mind before you speak. That's the most important thing to remember. Right place, alangan namang mag mura ka sa simbahan o harap ng hapag kainan? Magmura ng pagka lakas lakas sa public places na may kasamang halakhak gaya ng PUVs o LRT. Lagi ring idepende sa mga taong makakarinig gaya ng mga bata para di ka gayahin at magulang para di masermonan. Pag di mo talaga kaya, pwede mo namang ibulong sa sarili mo gaya ng madalas mong ginagawa pag di mo magets yung exam niyo sa Statistics o Algebra. "P*+*#G *#% ano to?" diba. Again, right place, right time."

PS: This post is not mine. I just want to share it with you guys and just wanna add something.. In ateneo bihira ang nag mumura ng P.I pero f*ck marami. The thing is, mura parin yun.

ctto
2005
Other
Ateneo De Manila University

Just Dated A Player

"One night, I was able to surf the net eventually someone messaged me. At first I was shocked napatayo ako sabay isang ""p*tang*na"" then I asked my boardmate who is also a feu student ""uy kilala mo ba tong player na to?"" And she said ""oo yan yung team A FEU MBT player"" Nag chat kasi sya, and I decided to stalk him first, AND CONFIRMED!! Sya nga tangina haha. I entertained his message and then little by little we talked like we're close friends, our conversation lasts until 2:00 am. Hindi ko ineexpect that he will asked for my number and esp. yung linyang ""may bf ka na ba?"" Syempre ako naman napatalon ng alas dos ng madaling araw tangina naman kasi muntik pa kong sapakin ng boardmate ko. We exchanged photos thru messenger. After a while he invited me to hang out with him. Ako pa ba tong magpapabebe eh player na yon jusko po!

After that night nape-pressure na ako, sa dinami dami ng damit ko I don't know what to wear tangina naman kasi hahha! Hanggang sa nagsawa ako eto na nga lang bahala na!

At eto na nga this is the day. Takte ayoko na ngang matulog eh. I'm going to meet the giant wtf haha. At ayun na nga nagkita na kami. It's not my first time to be with the varsities but he is different from the others. *I feel like there's a lot of butterflies in my tummy, sugar in my mouth, sparks that touches my skin and a heart-shaped in my eyes* we kissed and we exchanged SOULS syempre alam nyo na yon haha! ""It feels like heaven to touch oh I wanna hold him so much"" mapapakanta ka nalang talaga.

But of course I always put in my mind that he is a player. ""A player that plays a ball and has the chance to play my feelings at the same time."""

Ellen Adarna
2015
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

Touch and Go

Para sa’yo na nakatabi ko sa bus papuntang Buendia (January 01, 2016):
New Year nun pero pinili ko pa ring lumuwas papuntang Manila para maiwasan ang maraming pasahero. Haggard. Pagod.Puyat. Gutom. Ilang oras kami naghintay ng kapatid ko sa Calapan Port (Oriental Mindoro) para makasakay ng barko. Magdidilim na ng makarating kami ng Batangas Port. Sa di kalayuan, may kasabay ang barko na sinakyan ko na dumaong. Bangka lang sya. Galing Puerto Galera. Napansin ko agad kase maingay at madami. All boys. Halos nga mapuno na yung bangka ng ‘squad’ nila. Hiyawan. Puro groufie pababa ng bangka. Natatawa ako kase mukhang mga first time.
Sa dami ng beses akong pabalik balik ng Mindoro t’wing sembreak at bakasyon, ganun din kadami ang pantasya ko na balang araw makakatabi ako ng gwapo. Hindi nga ako binigo ng tadhana. Kung kelan wala sa isip ko yung mga ‘gwapu-gwapong katabi’ na ‘yan, saka naman kita nasumpungan. 75% ng pasahero sa bus ay foreigners. Foriegner ka at alam kung mapapalaban ako ng English-an. Mukha kang Arabo pero sabi mo African ka. Wala akong choice nun kundi tumabi sa’yo dahil wala nang bakante. Wapakels ako nun kung gwapo ka or what, ang mahalaga lang saken e makauwi na. May itsura ka (pero hindi ako gwapong-gwapo. Mataas standards ko. Lul) Marunong naman akong mag-English pero nung tinanong ko kung pwede kong ayusin yung aircon, wrong gramming ako. Lately ko na lang naisip na iba nga pala ang meaning ng “Do you mind” at “Would you mind”. Kaya pala nung tinanong kita na “Do you mind if I.. (turn it off) ?” ( *nag-gesture na lang ako na papatayin ko yung aircon), ikaw mismo yung nag patay pero ngumiti ka agad kahit we’re total strangers. (Wala e, matagal na kong hindi nakakapag English, hirap na ko maka-construct ng sentence).
Dun nag-start convo natin. Hindi ako palaimik pagdating sa guys but with you, everything were perfectly fine and natural. Wala, tawa lang tayo ng tawa. Siguro dahil hindi ka rin naman magaling mag English, ganun din ako. Kumbaga, may sari-sarili tayong grammar. Walang kyeme. Hindi ako na-concious na nakikipag-usap ako sa lalaki. Ang feeling ko kase pag ganun, malandi ako. Hindi magandang tingnan. Ang lagi kong pray sa trip ay mabilis ang byahe pero that time, I prayed na sana trafiic para kahit papano mapatagal pa usap natin. Ang alam ko lang nung nag-uusap tayo, ang gaan. Ang gaan-gaan. Ang dami mong kwento at ang dami kong natutunan sa culture and religion mo na Islam. Halos yun kase yung topic natin, pansin ko lang. Medyo hilo ako sa byahe dahil wala pa kong lunch e 6pm onwards na nun. Kaya sabi ko I’ll take a nap for a while. Nakangiti mong sinabi: “Really? You are sleepy?”, siguro hindi ka convinced kase wagas akong makatawa sa mga joke mo a while ago. The next thing you did was you lend your earphones. One for you and the other one for me. Hindi ko na pinansin, antok na talaga ako. Hinintay ko na lang yung choice of music mo na papatugtugin. Habang nakapatong ulo ko sa bag ko, may nag-play na (Akala ko pa nga African songs e). Gusto ko yung kanta na yun, hindi ko nga lang alam title kase sa FM ko lang sya napapakinggan. “Yun yung sinasayaw ko t’wing nagpi-play, ah”, isip-isip ko. Natuwa ako kase same tayo ng type ng music. Tas parang napansin ko, pangit pagkaka-download mo. Tumutigil. Namamatay-matay. Namamatay-matay ulit. Naulit na naman. Parang hindi naman talaga maganda quality nung kanta, sinulyap ko ng konti isa kong mata.. At aba! Nakangiti ka habang nakatingin saken! (Kelangan pa talagang i-check kung natutulog talaga ako?) Ngumiti na din lang ako, nabawasan tuloy antok ko. Kinabukasan ko lang nalaman nung sinearch ko yung kanta na yun. ‘LEAN ON’ pala title. Nagplay tuloy sa utak ko kanta ni Bieber na…’ What do you mean?’ That time ba, you want me to lean on your shoulders? (Feelingera!)
Malapit na tayo sa terminal at nagtutulog-tulogan pa rin ako ng kinalabit mo ko at sinabing hindi mo pa alam pangalan ko after all the kwento. Para valid, I lend you my ID and you lend yours in return. Hirap naman basahin name mo . Kung tatanungin mo ko, gusto ko rin malaman name mo. Naisip ko yun habang pinipilit kong makatulog. Nun lang ako nagkaroon ng ganun kalakas na loob --to take the first move. Ayaw ko kaseng masayang pagkakataon nung time na yun. Nun ko lang yun na-feel na, kaya ko pala yun gawin kapag tama yung pagkakataon. I was really glad na ikaw yung unang naglakas loob to ask. Naalala ko, hindi ko pinakita mukha ko in my ID dahil throwback na throwback face ko dun. Hindi mo rin pinakita sa’yo (quits lang). Pero there’s one thing I gave you. I gave you a 1x1 picture of mine na I always kept in my coins purse. Dahil feeling ko, you deserve to have one. Siguro dahil may takot ako na hindi na tayo magkikita ulit. It’s now or never- feeling. Wala, I just want you to remember my face para kung magkikita man tayo ulit, pamilyar pa mukha ko sa’yo. I’m good at remembering faces kase.
Pababa na ko sa terminal ng bigla kang tumingin ng parang natatakot and then you asked: “Can..I have.. your..number?” . Halatang nahihiya ka. First time ko sinabihan nun at dahil pabebe ako at gusto kong marinig ulit, pinaulit ko. Gusto ko kase with conviction mo itanong. You did repeat it. With confidence this time. I typed it ng madalian at bumababa na ng bus. Huli ko na ng naisip na parang biglang nag-blank nung tinype ko. Siguro air shuffle yan, e hindi naman ako familiar sa ganung phone; but still, I didn’t mind that time dahil ako na lang yung hinintay bumababa. Nakakahiya kay Manong driver at sa ibang paasahero na ang bagal ko kumilos. Nag-worry ako bigla na baka hindi mo nasave o whatever. E nakababa na ko, wala nang chance para mahabol kase umalis na rin yung bus agad. But I didn’t lose hope tho (I told myself: Nasave nya, nasave nya). On the other hand, I didn’t have a chance to ask yours. Binagyo kase lugar namin sa Mindoro at blown-out pa rin simula nung bumagyo (kahit nga nung pasko at New year) dead bat phone ko and I didn’t have ballpen either ( Haay, napaka-perfect timing naman tadhana!). Noon ko lang naintindihan na hindi lahat ng nakikipagpalitan ng number ay malandi. Malandi agad? Hindi lahat. Matured lang siguro to take chances. Totoo ang sabi ng isa kong Psych Prof na “Hindi mo mahuhusgahan ang isang bagay hanggat hindi mo nararanasan.”
Ilang beses kong sinearch name mo sa fb and Instagram pero walang lumalabas. Ginoogle ko na, wala rin. Sa pagkakaalam ko, Master ako dagdating sa pagi-stalk. But this time, I failed. Every time, I always check my phone kung magre-reach out ka because you have my number naman..pero wala namang unknown number na nagtetext o tumatawag. Siguro, the moment na bumababa ka ng bus, nakalimutan mo na lahat..sa akin kase kabaligtaran because after I jumped out of the bus, dun ko lang narealize na nakakakilig pala yung nangyari… Na tan*ina, SPARKS yuuun! Ako lang ba yung na-hook? Ang alam ko ikaw rin e. Kaya nga ninja moves ka. Mali na umasa ako na hindi pa yun yung end ng story natin, I know. Ba’t kase feeling ko destiny yun? Feel na feel ko pa yung mga quotes na ‘Everything has its own reason’ – chuchu. Hindi ako hopeless romantic, ah. Romantic lang. Ta****a naman kase, hiningi mo pa name at number ko!! Nagkaron tuloy ng delusion ang lola mo! Hindi mo alam compliment saken lahat ng nangyari dahil for the first time in forever, may naglakas loob din na humingi ng number ko at makipag-usap sa mataray at may ‘relaxed bitch face syndrome’ na babae. Naku, aasa talaga ako nun! Joke lang, naniniwala akong magkikita pa tayo. Kelangan mo pa isauli 1x1 ko, no! Joke! I know that was not ‘sparks’. It is a beautiful LOVE story to be continued..’hanging’ pa lang sya ngayon (B*LLSH*T!!). “It is not the end of the story if it’s not happy ending”, sabi nila. Right. See you in the future. I know you’re somewhere there in Baguio. Studying Civil Engineering. Bakasyon ka naman ulit sa Puerto Galera, oh? Hindi kase ako yung tipo na susuungin lahat dahil makakapag intay naman ako sa possibility . (Alangan naman ako pa yung pumunta ng school mo para lang mahanap ka? Wag ganun). Don’t worry, hobby ko ang mag-intay. I’m patient enough to wait. Sa tamang panahon, we’ll have the chance to talk and see each other. Again.
Nun ko lang unang naramdaman yung unexplainable feeling na sinasabi nila. Antagal ko yung inintay. Akala ko dati kapag nag-intay lang ako tas yung moment na yun e dumating na, happy ending na agad. Hindi pala, mag-iintay pa pala ulit ako ng kontiwasyon. Hindi ko naman alam na kelangan ko pala munang magmukhang gag* para sa lint*k na forever at happy ending na yan!
You took the first spot of my romantic experience and yet you left me clueless here, asking and waiting kung magre-reach out ka. Alam kong hindi mo makakalimutan name ko kase kaapelyedo ko yung favorite football player mo.
PS: English to dapat para maintindihan mo man kung mabasa mo. Sana sa susunod na magkita tayo, hindi na “Joke lang po” alam mong tagalog. Sana naman that time, alam ko na rin ang difference ng ‘would’ at ‘do’ in interrogative sentence. Tsaka bakit sabi mo CU ka nag-aaral? Wala namang CU sa Baguio ah, sinearch ko. Baka naman SEE YOU gusto mo sabihin."

Hanunuo
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila