Monday, March 14, 2016

Touch and Go

Para sa’yo na nakatabi ko sa bus papuntang Buendia (January 01, 2016):
New Year nun pero pinili ko pa ring lumuwas papuntang Manila para maiwasan ang maraming pasahero. Haggard. Pagod.Puyat. Gutom. Ilang oras kami naghintay ng kapatid ko sa Calapan Port (Oriental Mindoro) para makasakay ng barko. Magdidilim na ng makarating kami ng Batangas Port. Sa di kalayuan, may kasabay ang barko na sinakyan ko na dumaong. Bangka lang sya. Galing Puerto Galera. Napansin ko agad kase maingay at madami. All boys. Halos nga mapuno na yung bangka ng ‘squad’ nila. Hiyawan. Puro groufie pababa ng bangka. Natatawa ako kase mukhang mga first time.
Sa dami ng beses akong pabalik balik ng Mindoro t’wing sembreak at bakasyon, ganun din kadami ang pantasya ko na balang araw makakatabi ako ng gwapo. Hindi nga ako binigo ng tadhana. Kung kelan wala sa isip ko yung mga ‘gwapu-gwapong katabi’ na ‘yan, saka naman kita nasumpungan. 75% ng pasahero sa bus ay foreigners. Foriegner ka at alam kung mapapalaban ako ng English-an. Mukha kang Arabo pero sabi mo African ka. Wala akong choice nun kundi tumabi sa’yo dahil wala nang bakante. Wapakels ako nun kung gwapo ka or what, ang mahalaga lang saken e makauwi na. May itsura ka (pero hindi ako gwapong-gwapo. Mataas standards ko. Lul) Marunong naman akong mag-English pero nung tinanong ko kung pwede kong ayusin yung aircon, wrong gramming ako. Lately ko na lang naisip na iba nga pala ang meaning ng “Do you mind” at “Would you mind”. Kaya pala nung tinanong kita na “Do you mind if I.. (turn it off) ?” ( *nag-gesture na lang ako na papatayin ko yung aircon), ikaw mismo yung nag patay pero ngumiti ka agad kahit we’re total strangers. (Wala e, matagal na kong hindi nakakapag English, hirap na ko maka-construct ng sentence).
Dun nag-start convo natin. Hindi ako palaimik pagdating sa guys but with you, everything were perfectly fine and natural. Wala, tawa lang tayo ng tawa. Siguro dahil hindi ka rin naman magaling mag English, ganun din ako. Kumbaga, may sari-sarili tayong grammar. Walang kyeme. Hindi ako na-concious na nakikipag-usap ako sa lalaki. Ang feeling ko kase pag ganun, malandi ako. Hindi magandang tingnan. Ang lagi kong pray sa trip ay mabilis ang byahe pero that time, I prayed na sana trafiic para kahit papano mapatagal pa usap natin. Ang alam ko lang nung nag-uusap tayo, ang gaan. Ang gaan-gaan. Ang dami mong kwento at ang dami kong natutunan sa culture and religion mo na Islam. Halos yun kase yung topic natin, pansin ko lang. Medyo hilo ako sa byahe dahil wala pa kong lunch e 6pm onwards na nun. Kaya sabi ko I’ll take a nap for a while. Nakangiti mong sinabi: “Really? You are sleepy?”, siguro hindi ka convinced kase wagas akong makatawa sa mga joke mo a while ago. The next thing you did was you lend your earphones. One for you and the other one for me. Hindi ko na pinansin, antok na talaga ako. Hinintay ko na lang yung choice of music mo na papatugtugin. Habang nakapatong ulo ko sa bag ko, may nag-play na (Akala ko pa nga African songs e). Gusto ko yung kanta na yun, hindi ko nga lang alam title kase sa FM ko lang sya napapakinggan. “Yun yung sinasayaw ko t’wing nagpi-play, ah”, isip-isip ko. Natuwa ako kase same tayo ng type ng music. Tas parang napansin ko, pangit pagkaka-download mo. Tumutigil. Namamatay-matay. Namamatay-matay ulit. Naulit na naman. Parang hindi naman talaga maganda quality nung kanta, sinulyap ko ng konti isa kong mata.. At aba! Nakangiti ka habang nakatingin saken! (Kelangan pa talagang i-check kung natutulog talaga ako?) Ngumiti na din lang ako, nabawasan tuloy antok ko. Kinabukasan ko lang nalaman nung sinearch ko yung kanta na yun. ‘LEAN ON’ pala title. Nagplay tuloy sa utak ko kanta ni Bieber na…’ What do you mean?’ That time ba, you want me to lean on your shoulders? (Feelingera!)
Malapit na tayo sa terminal at nagtutulog-tulogan pa rin ako ng kinalabit mo ko at sinabing hindi mo pa alam pangalan ko after all the kwento. Para valid, I lend you my ID and you lend yours in return. Hirap naman basahin name mo . Kung tatanungin mo ko, gusto ko rin malaman name mo. Naisip ko yun habang pinipilit kong makatulog. Nun lang ako nagkaroon ng ganun kalakas na loob --to take the first move. Ayaw ko kaseng masayang pagkakataon nung time na yun. Nun ko lang yun na-feel na, kaya ko pala yun gawin kapag tama yung pagkakataon. I was really glad na ikaw yung unang naglakas loob to ask. Naalala ko, hindi ko pinakita mukha ko in my ID dahil throwback na throwback face ko dun. Hindi mo rin pinakita sa’yo (quits lang). Pero there’s one thing I gave you. I gave you a 1x1 picture of mine na I always kept in my coins purse. Dahil feeling ko, you deserve to have one. Siguro dahil may takot ako na hindi na tayo magkikita ulit. It’s now or never- feeling. Wala, I just want you to remember my face para kung magkikita man tayo ulit, pamilyar pa mukha ko sa’yo. I’m good at remembering faces kase.
Pababa na ko sa terminal ng bigla kang tumingin ng parang natatakot and then you asked: “Can..I have.. your..number?” . Halatang nahihiya ka. First time ko sinabihan nun at dahil pabebe ako at gusto kong marinig ulit, pinaulit ko. Gusto ko kase with conviction mo itanong. You did repeat it. With confidence this time. I typed it ng madalian at bumababa na ng bus. Huli ko na ng naisip na parang biglang nag-blank nung tinype ko. Siguro air shuffle yan, e hindi naman ako familiar sa ganung phone; but still, I didn’t mind that time dahil ako na lang yung hinintay bumababa. Nakakahiya kay Manong driver at sa ibang paasahero na ang bagal ko kumilos. Nag-worry ako bigla na baka hindi mo nasave o whatever. E nakababa na ko, wala nang chance para mahabol kase umalis na rin yung bus agad. But I didn’t lose hope tho (I told myself: Nasave nya, nasave nya). On the other hand, I didn’t have a chance to ask yours. Binagyo kase lugar namin sa Mindoro at blown-out pa rin simula nung bumagyo (kahit nga nung pasko at New year) dead bat phone ko and I didn’t have ballpen either ( Haay, napaka-perfect timing naman tadhana!). Noon ko lang naintindihan na hindi lahat ng nakikipagpalitan ng number ay malandi. Malandi agad? Hindi lahat. Matured lang siguro to take chances. Totoo ang sabi ng isa kong Psych Prof na “Hindi mo mahuhusgahan ang isang bagay hanggat hindi mo nararanasan.”
Ilang beses kong sinearch name mo sa fb and Instagram pero walang lumalabas. Ginoogle ko na, wala rin. Sa pagkakaalam ko, Master ako dagdating sa pagi-stalk. But this time, I failed. Every time, I always check my phone kung magre-reach out ka because you have my number naman..pero wala namang unknown number na nagtetext o tumatawag. Siguro, the moment na bumababa ka ng bus, nakalimutan mo na lahat..sa akin kase kabaligtaran because after I jumped out of the bus, dun ko lang narealize na nakakakilig pala yung nangyari… Na tan*ina, SPARKS yuuun! Ako lang ba yung na-hook? Ang alam ko ikaw rin e. Kaya nga ninja moves ka. Mali na umasa ako na hindi pa yun yung end ng story natin, I know. Ba’t kase feeling ko destiny yun? Feel na feel ko pa yung mga quotes na ‘Everything has its own reason’ – chuchu. Hindi ako hopeless romantic, ah. Romantic lang. Ta****a naman kase, hiningi mo pa name at number ko!! Nagkaron tuloy ng delusion ang lola mo! Hindi mo alam compliment saken lahat ng nangyari dahil for the first time in forever, may naglakas loob din na humingi ng number ko at makipag-usap sa mataray at may ‘relaxed bitch face syndrome’ na babae. Naku, aasa talaga ako nun! Joke lang, naniniwala akong magkikita pa tayo. Kelangan mo pa isauli 1x1 ko, no! Joke! I know that was not ‘sparks’. It is a beautiful LOVE story to be continued..’hanging’ pa lang sya ngayon (B*LLSH*T!!). “It is not the end of the story if it’s not happy ending”, sabi nila. Right. See you in the future. I know you’re somewhere there in Baguio. Studying Civil Engineering. Bakasyon ka naman ulit sa Puerto Galera, oh? Hindi kase ako yung tipo na susuungin lahat dahil makakapag intay naman ako sa possibility . (Alangan naman ako pa yung pumunta ng school mo para lang mahanap ka? Wag ganun). Don’t worry, hobby ko ang mag-intay. I’m patient enough to wait. Sa tamang panahon, we’ll have the chance to talk and see each other. Again.
Nun ko lang unang naramdaman yung unexplainable feeling na sinasabi nila. Antagal ko yung inintay. Akala ko dati kapag nag-intay lang ako tas yung moment na yun e dumating na, happy ending na agad. Hindi pala, mag-iintay pa pala ulit ako ng kontiwasyon. Hindi ko naman alam na kelangan ko pala munang magmukhang gag* para sa lint*k na forever at happy ending na yan!
You took the first spot of my romantic experience and yet you left me clueless here, asking and waiting kung magre-reach out ka. Alam kong hindi mo makakalimutan name ko kase kaapelyedo ko yung favorite football player mo.
PS: English to dapat para maintindihan mo man kung mabasa mo. Sana sa susunod na magkita tayo, hindi na “Joke lang po” alam mong tagalog. Sana naman that time, alam ko na rin ang difference ng ‘would’ at ‘do’ in interrogative sentence. Tsaka bakit sabi mo CU ka nag-aaral? Wala namang CU sa Baguio ah, sinearch ko. Baka naman SEE YOU gusto mo sabihin."

Hanunuo
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment