Friday, March 25, 2016

An Open Letter To My Cinderella

I was your professor and you were my student. The first time I saw you I knew I didn't like you. You were a lazy happy go lucky student. Mahilig gumimik at maghappy thursday. You always failed in my class. Hindi ka na pumapasa late ka pa lagi. Pasaway at maingay sa klase ko. I hate you, Yes I really hate you. Lagi akong napipikon sayo kaya minsan pinapalabas kita sa klase. I became your professor for one semester at walang araw na hindi ka magulo sa klase ko. Minsan tulog dahil sa kakagimik mo. Maganda ka oo pero hindi ko type yung katulad mo. Pasaway at sakit sa ulo. Yung walang professor ang magtitiis sayo pero ako I took it as a challenge. Pero merong something sayo na hindi ko maexplain. You are one of a kind. Yung tipong you made me smile despite of your naughtiness. Lagi kang papansin sa klase ko. Hindi kita napapansin dati pero napansin kita nung simula kang magbago. Nakakapanibago. You started to study hard and perfected the examinations. You always got highest scores in your projects. From being pasaway, tulog at magulo palagi ka ng nagrerecite at active sa class discussions natin. Until you became one of the top in our class. I admired you back then. I asked you what happened to you? And you just smiled saying someone inspired me. I knew that time that you had a crush in me but I didn't care that time knowing I had a girlfriend back then. You added me on facebook and I accepted you. I didn't know kung kanino mo nakuha yung number ko but you texted me saying thank you for being an inspiration to me. At that time we became so close. Valentine's 2010 someone gave me a letter saying I was so lucky to be your student and I didn't notice that I was falling for you each day I saw you. Unknown, hindi ko alam kung sino pero hindi ko na inalam basta masaya ako knowing na masaya yung student ko na naging professor niya ako. We had a six years gap pero okay lang kasi parang tropa na ang tingin natin sa isat'isa outside the school premises. Masaya akong kausap ka lagi hanggang maubusan na tayo ng topic sa isat'isa at maggood night na tayo. Ayun natapos na ang sem may lungkot sa akin knowing na mamimiss kita. Oo, mamimiss ko ang isang estudyanteng katulad mo. Everyday, hinahanap kita sa klase ko pero oo nga pala hindi na kita student. Pero hindi tayo nawalan ng contact sa isa't isa. Sabi ko if you need a friend, someone you can talk to I am just free. Masaya ako sa kwento mo sa akin na hindi ka na madalas gumimik at maghappy thursday. Salamat at nakinig ka sa payo ko. One time napag-usapan natin kung may boyfriend ka na I knew you had so many suitors kasi nga madaming flowers ang nagbibigay sayo and chocolates sa Ust. Hindi naman ako magtataka napakaganda mo at masayahin. Pero you told me na wala kang gusto dun sa mga nanliligaw sayo at alam ko rin naman na nagmomove on ka pa lang dun sa ex mong iniwanan ka. Sabi mo nagkakagusto ka na rin sa iba pero malabo malabong magustuhan kaniya. Sabi ko walang malabo basta gugustuhin mo. Hindi ko alam na ako pala yung tinutukoy mo that time. Months had passed you told me the good news binalikan ka ng ex mo at naging kayo ulit. Masaya ako sa binalita mo pero may lungkot at the same time. Mula noon madalang na tayo na mag-usap na naging busy na tayo sa kanya kanya nating relationships. Pero hindi naging madali sa amin ng first girlfriend ko ang relationship namin. Conflict sa schedule hanggang sa nawalan kami ng time sa isa'isa dahil naglalawschool din siya. Sobrang sakit sa akin yung break up namin lalo na siya yung first girlfriend ko. Nasayang lang yung three years na magkasama kami. At sana magpopropose na rin ako sa kanya. Mapaglaro nga talaga ang tadhana siguro pinagtapo kami pero hanggang dun na lang yun. So I decided to go in a bar para maglabas ng sama ng loob. Uminom at magpakalasing. Duon nakita kita umiiyak at lasing na lasing. First time kong makita ang isang matapang na tulad mo na umiiyak. Inamin mo na niloko ka pala ng boyfriend mo. Same with me na bigo sa lovelife sabi ko iiyak mo lang, iiyak lang natin hanggang wala na tayong mailuluha. I was the one in your side when you were so down ganun ka din sa akin. We found each other's company. Simula noon lagi na tayong magkasama. Lagi tayong nasa Humanities. Ikaw gumagawa ng thesis mo dahil graduating ka na habang ako gumagawa ng lesson plans. Sabay tayong kumakain ng lunch minsan sa Dapitan o minsan sa Lacson. Minsan naman duon tayo sa Hepalane. Hindi ka maarte sa pagkain yung tipong kahit turu-turo lang ay okay na sayo. At duon mas lalo kitang minahal at nagustuhan. Textmates na pala tayo yung nagpupuyat tayo makausap lang ang isat-isa kada gabi. Duon mas lumalim yung love na meron ako sayo. Pero alam kong bawal yung ginagawa natin dahil dito maari akong matanggal sa profession ko. Kaya ako na ang umiwas. Hindi na ko nagpaparamdam at nagpapakita sayo kasi pinag-uusapan na rin nila tayo. Nalungkot ako that time so naghanap na lang ako ng ibang way para makalimutan yung lungkot na yun. Binaling ko na lang sa pagtuturo ang pagkalumbay ko sayo. At ikaw balita ko may bago kang manliligaw. Ako naman nakikipagbalikan na yung ex ko sa akin pero hindi ko na siya tinanggap kasi alam ko mayroon ng someone na nagpapasaya sa akin at alam kong ikaw yun. Pumunta akong Makati para may ayusin na papers hanggang nakita kita dun. Ang cute at ang ganda mo pa din. Nastarstruck na naman ako sayo. Niyaya kita ng dinner tapos napadalas na yung paglabas natin yung panunuod natin ng movie together. Sinabi ko nga pala sayo na ikinasal na yung ex ko at masaya na ako para sa kanya. Ako naman sabi ko masaya na ako kung anong mayron ako ngayon. Inamin mo sa akin that time na may gusto ka sa akin dati pero ngayon wala na kaya okay na sayo ikwento yun. Kinumusta kita at sabi mo masaya ka sa pagiging single mo. Inamin ko na sayo na Mahal kita at that time you were shocked parang hindi pumasok sa utak mo yung sinabi ko kaya inulit ko. Ayun, ngumiti ka lang at nagpasalamat. Hanggang I asked to court you and yes ang sabi mo. Hindi mo alam kung gaano ko kasaya nuon. Lahat ng pagod at effort ko nawala nung sagutin mo ko nuong June 18, 2011. Oo tandang tanda ko pa na habang nakasakay tayo at nasa tuktok ng ferris wheel duon narinig ko ang matamis mong oo. Magfifive years na pala tayo this coming June at duon ikakasal na rin tayo sa Ust church kung saan tayo pinagtapo. I never expect na yung pinakaayaw ko na estudyante at that time siya din pala ang destiny ko yung taong kukumpleto sa akin. Yes, I watched you grow from a brat to a lady and now to be my future bride. Tama siya, totoo ang forever basta kumapit ka lang at magtiwala.

PrinceCharming
2006
Educ

No comments:

Post a Comment