(PART 4)
Hi babe, mahal, my love. I don't know where to start since I am not fan into writing confessions. But I know you deserve an answer. Kahit papaano, you deserve this.
The moment our friends sent your story sa gc, i felt attacked. I don't know what to react. I was attacked by my guilt. Alam kong ayaw mong mag-kwento sa iba but you end up telling your story sa isang 'secret files'. I felt so sorry kase obviously, wala ka ng mapagsabihan because all these years, naka-focus ka sakin. I am you're boyfriend at the same time your bestfriend.
All this time, hindi ko alam kung anong nangyari sayo. Gusto kong magsumbong sa mga kaibigan natin pero naipit ako sa sitwasyong kailanman hindi ko ginusto, pero kasalanan ko. Kasama ko mag-ina ko kaya hindi kita mapuntahan. Ayaw rin kitang kumustahin kase natatakot akong baka kapag sinabi mong you're not okay, I'll be running back to you.
Alam kong naintindihan mo ang desisyon ko. Ikaw pa ba? Kelan mo ba ako hindi naintindihan? Kelan mo ba sinabing mali ako? Our entire relationship was managed by you. Ikaw palaging umiintindi. Akala ko dahil lang sa Psych-major ka kaya ganyan ka. Pero mali pala. Nag-iisa kalang. Hindi na kita makikita pa sa iba. Wala na sana akong mahihiling pa pero mahal, pasensya kana, huli na nung na-realize ko na “panalo na sana, binitawan ko pa.”
Pasensya kana ha, kung naging marupok ako. You're too kind that I end up taking you for granted. Ilang beses akong nakipagkita sa ex ko because that time I was bored. Pakiramdam ko paulit-ulit nalang ang nangyayari sa relasyon natin. Kaya 'nung nag-message sakin ex ko, pinatulan ko.
Hindi ko man lang iniisip ang maaring kahinatnan ng ginawa ko. Ang alam ko lang, hindi mo'ko mahuhuli at minsan lang naman. She was my first love, that's why I missed talking to her. Unang beses naming pagkikita, kinakabahan pa'ko kase this is the first time I lied to you. Hanggang sa nasundan ng nasundan at para bang madali nalang kitang takasan. There was this time, na pinagdudahan mo'ko, but then again, I just explain and pinaniwalaan mo'ko.
Ilang buwan kaming nag-catch up ng ex ko. Aaminin ko, after months of being bored sa relationship natin, naging masaya ulit ako. I know that was wrong but i was really happy catching up with her.
Months passed, patuloy naming ginawa. Until month of November after ko nakipagkita sa kanya sa umaga at sinundo kita sa trabaho kinagabihan, i realized na grabe na. Sobrang makasalanan ko na. Inaatake ako ng konsensya ko. Bawat tingin ko sa mga mata mo, nasasaktan ako. Napupuyat na rin ako kakaisip ng 'what if malaman mo'. Kaya nag-decide ako na itigil na.
Month of December, nakipagkita ako sa ex ko. I told her itigil na namin. I thought that was our last meeting but na-shocked ako when she told me,
“I want to stop too, pero kinakabahan ako kase this month delayed ako”
Para akong binuhusan ng buo-buong yelo sa mukha. Negative thoughts are eating me alive. Kung kailan naisipan kong itigil na, dun pa nagka-problema. Balisa akong umuwi hanggang makarating ako sa bahay.
Sa mga panahon na'yun, I thought hindi mo nahalata, not until I read your confession. I forgot na kilalang kilala mo pala ako. Bawat galaw ko napapansin mo.
Kinabahan ako sa nangyari, and I keep on praying and hoping that she's not pregnant. Pero tama nga sila, digital na ang karma. Day after that, she called. She told she was pregnant. Hindi na ako nagtanong, i know i am the father. I know my ex, she's too inlove with me kaya alam kong ako lang ang kinikita niya.
Kahit na sobrang naguluhan ako sa nangyari, isa lang ang sigurado ko. I won't let my child grow in a broken family. And with that, I know na kailangan kitang i-sakripisyo. Kelangan kong pagbayaran ang pagkakamali ko. Walang kasalanan ang magiging anak ko, kaya kailangan kong panindigan ang nagawa ko.
I treasured all the days left. Bumawi ako sayo. Lahat ng gusto kong iparamdam sayo, lahat ng gusto kong gawin, ginawa ko. Kahit man lang sa huling pagkakataon, i did my best for you. Makabawi man lang ako sa kabaitan mo. Kahit alam kong hinding-hindi ko mababayaran ang kasalanang nagawa ko pero makita lang kitang masaya, masaya narin ako. After all, I don't deserve you. You’re too much for me.
"Kc. let's break-up amicably, Buntis si **** at ako ang ama.”
Natulala ka. Umiiyak ka. Pinaiyak kita. Ang sakit, sobra. T@ngin@ karma tama na. Gusto kong angkinin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Pero hanggang sa huli, bilib parin ako sayo. Hindi mo man lang ako sinigawan. Hindi mo man lang ako sinaktan. Hindi mo man lang ako tinanong kung bakit ko nagawa. Tahimik ka lang habang umiiyak.
"Pötä naman Kc, magsalita ka! Wag kang pumayag na makipaghiwalay ako” Gusto kong sabihin yan sayo pero natatakot akong kapag kumontra ka, bibigay ako. Baka tuluyan kong tatalikuran ang responsibilidad ko.
Mas masakit tignan na sinasarili mo lahat, na sa tingin mo sa lahat ng oras maintindihan mo'ko. Nakatulugan mo ang pag-iyak. Binuhat kita papuntang kama, at hinalikan ka sa noo.
"Please be happy Kc ..." that's my christmas wish for you.
I decided to leave that night. Hindi na kita kayang tignan. You're right, the pain is too much to take.
Thank you for all the love Kc and I'm sorry for giving you pain in return. Thank you for understanding me until the end. Thank you for letting me go. Maybe this is already the end of us. I never expect this to happen. But yeah, everything happens for a reason.
Yes, I'm getting married soon. Tulad mo, ayoko ring pagsisihan ang naging desisyon ko. I'll try my best to be a good husband to my future wife and be the best father also.
I know i have no right say this, but please be strong. You're the best girl. I know you'll get over this. Please remember, you’re worth it. Hindi ka nagkulang, ako ang sumobra. I loved you.
Chrstn
2021
Engineering
FEU
No comments:
Post a Comment