Mahaba man, pero worth it to.
Ito yung istorya sa likod nating dalawa na kailanman hindi nalalaman ng iba.
Pinaglaban kita mahal higit sa pamilya ko at sa kahit na sinong tao. Marami mang pumipigil satin pero pinili kong sumama sayo. Tauhan kita, dyan tayo nagsimula. May pinag aralan ako, ikaw wala pero pinaglaban ko yun sa mga magulang ko dahil mahal na mahal kita at hindi yun ang sukatan ng pagmamahal ko sayo.
Sa unang mga buwan na nagkasama tayo, masaya naman kahit nalulungkot akong wala na akong pamilyang mababalikan. Pero nagbago yun. Naalala mo ba nung araw na una mo kong pinagbuhatan ng kamay? Nasa kalsada tayo nun mahal, pero pinatawad pa din kita. Sa sobrang seloso mo, nasasaktan mo ako kahit hindi totoo pero lahat yun pinalampas ko dahil gusto kong patunayan na tamang ikaw ang pinili ko. Pati facebook ko, pinabura mo lahat ng guy friends ko at pinagawa mo ako nang bago na 20 friends na lang yung meron ngayon pero inintindi ko yun. Nung nagresign ako sa trabaho ko noon sa sobrang kahihiyan dahil binugbog mo ako tapos nakita nilang yung mga pasa ko sa mukha na pilit kong tinabunan ng make up kasi sabi nila ipapakulong ka nila, pinili pa rin kita dahil nabubulag ako sa pag ibig ko sayo.
Sa mga nagdaang buwan at taon, nasanay akong kasama ka. Ikaw pa din ang pinipili kong makatabi sa pagtulog at unang makita sa paggising dahil ikaw lang ang meron ako. Nagkaron tayo ng problema kaya napilitan tayong bumalik sa pamilya ko ngunit hindi nagtagal, panibagong pagsubok ulit na kinailangan kong piliin kang muli higit sa kanila dahil hindi kita matiis! Nung panahong parehas tayong nawalan ng trabaho at wala kang matuluyan dahil sa nangyari satin ng fam ko, pinilit kong bumangon hanggang sa isang araw kinuha kitang muli dahil ayaw kitang makitang nahihirapan.
Nangako tayo na babaguhin na natin lahat pero anong nangyari. Bigla ka namang natutong mamarkada. Pinipili mo na sila higit sa akin kahit anong pagalit ko sayo dahil ayaw kitang mapasama sa mga taong puro bisyo lang ang alam, pinapatawad kita pa rin kita, isang yakap mo lang. Sa tuwing sinasaktan mo ako dahil gusto mo silang samahan, pinapatawad kita sa isang sorry mo lang pag natapos ka na sa lahat ng gusto mo. Hindi ko alam kung anong meron ka pero pinipili kita. Kahit na wala kang trabaho, kahit na ako yung kumakayod para satin mabuhay lang tayo at kahit na ginagago mo ko. Dahil gusto kong patunayan na tamang minahal kita at deserve mo pa ring mahalin kahit ganyan ka, dahil naaawa ako sayo at hindi ko alam kung paano ka na pag wala ako.
Pero parang nakakamanhid na. Lalo na nitong dalawang huling pag aaway natin. Nagttrabaho ako ng matino para sa atin pero dahil lang sa chat na sinend ng katrabaho ko sa customer namin sa cc, nagawa mo akong siraan sa lahat sa pamamagitan ng account mo. Nagawa mong ipamukha sa kanila na niloko kita kahit hindi ko magagawa yun sayo. Pero anong magagawa ko? Hindi ko na pinagtanggol ang sarili ko dahil walang patutunguhan at hindi ko responsibilidad na magpaliwanag sa kanila. May pinag aralan ako at hindi ko ugaliing pumatol sa mga ganyang bagay kaya nanahimik ako para sayo at para sakin. Alam ko ang totoo. Pero bat ganon? Nakakadepress sa tuwing naiisip ko na pinag iisipan nila ako ng masama, na masamang babae ako at hindi mo na yun kayang mabawi sa kanila kahit nag kaayos na tayo. Hindi mo ako kayang ipagtanggol at hindi mo na kayang itama ang naiisip nila dahil nasabi mo na. Kaya iniisip nila ngayon, mag isa ka. Sa lahat ng ginagawa mo, mag isa ka kahit na ang totoo, nasa harap mo lang ako sa tuwing kumukuha ka ng litrato. At ang masakit? Yung ako pa rin yung pinapakinabangan mo lalo na sa tuwing may gusto at kailangan ka kahit na paulit ulit mo nang sinabing di mo ko kelangan. Nag away na naman tayo kanina, off ko sana gusto kitang makasama pero pinili mo pang umalis at makisaya kasama ang iba. Eto ako, tanga pa rin. Yung tanong ko sayo, ilang ulit pa ba bago ako matauhan? Siguro konti na lang. Sana bigyan ang ng Diyos nang lakas ng loob na iwan ka at piliin ang sarili ko. Oo mag isa ako pero gusto kong kayanin para sa sarili ko.
Tama bang ikaw ang pinili ko? O dapat ba sana nagmahal ako ng tulad ko?
Tanginang buhay to. Isa lang naman ang gusto ko, ang mahalin ako ng taong pinaglaban ko ng tapat at totoo.
PS. Nagpapasalamat ako na naging ako ito dahil kahit kailan, hindi ko to kinuwento sa iba. Ayokong sirain ka sa imaheng meron ka dahil gusto ko magkaron ka pa din ng maayos na buhay kahit wala na ako.
Andy
2015
PUP
Others
No comments:
Post a Comment