Thursday, December 3, 2020

WAITING

Hi, please hide my identity because I'm using my main account. Tulad ng mga nababasa ko rito, gusto ko lang rin mag-open dahil wala akong mapagsabihan. Hihingi na rin po sana ako ng advices from you guys but sasabihin ko na na medyo mahaba ito so bare with me.

Today, I feel it na ayaw na ako kausapin nung mga kaibigan ko dahil na rin sa nangyari. Ang nangyari kasi nun nag-confess ako sa kanila na may nagugustuhan akong babae and seryoso ako sa mga sinasabi ko, but 'yung pag-amin kong iyon, they made fun of me. Kilala kasi nila ako na palabiro, akala siguro nila nagbibiro lang rin ako that time. Hindi ko rin masasabi na mukha akong bi talaga na mahahalata mo agad na nagkakagusto ako sa babae dahil maayos ako, I mean maayos ako manamit, parang normal na babae lang rin pero I do like girls and boys. Ang nangyari, napuno ako dahil sa mga nangyari. Hindi lang naman siguro iyon ang naging dahilan bakit ako napuno, andami ko na rin kasing iniisip at dinadala and nangyari pa 'yun, nagkataon lang na hindi ko na nakayanan kaya nailabas ko ng wala sa oras 'yung hinanakit ko sa kanila. Hindi sila sanay na nagagalit ako, hanggat kaya ko kasing pigilan ang galit, pinipigilan ko. Hanggat kaya kong hindi magkagulo, hindi ko hahayaang magkagulo. And 'yun, dahil sa pag-confess ko naramdaman ko sa kanila na hindi nila ako tanggap sa pagiging ganito ko kaya nawalan rin ako ng hope na matatanggap ako ng parents and fam ko sa pagiging bi ko.
Pero bago ako magkagusto sa babaeng natitipuhan ko, there's a man that I really like the most. Marami kaming memories together, marami na kaming napag-usapan about sa life experiences namin. I really like this man too dahil sa intelligence and kabaitan n'ya. Alam n'yo 'yung pakiramdam na may mga natitipuhan ka ngang iba pero may isa talagang mas nangingibabaw? Ayun 'yung nararamdaman ko. He already knew na may gusto ako sa kan'ya hindi dahil sa umamin ako (yes, umamin ako) kundi dahil sa napaka-observant n'ya. Hindi s'ya 'yung tulad ng ibang lalaki na sabay sa uso, no, he's not like that. Artistic rin s'ya and matalino na may pagka-weirdo that I really love about him. Before, nararamdaman ko na nagbibigay s'ya ng motives, but hindi lang siguro s'ya nagco-confess (ayan ang naiisip ko, ayoko rin kasi mag-assume). Dumaan ang isang taon na nagustuhan ko s'ya, dumaan na rin ang 18th birthday ko. Hindi n'ya pa nabibigay 'yung gift n'ya sa'kin yet natanggap ko this day (his birthday) and it was priceless. May kasama 'yong letter and may nakasulat ro'n na he fell in love with me but he stopped, dahil na rin sa focus s'ya sa studies and future n'ya but ang isa pa sa dahilan n'ya is may hinihintay s'ya.
I'm already expecting that from him but nasaktan pa rin ako na nalungkot. At nanghinayang sa love na pinigilan n'ya for her (sa hinihintay n'ya). Now, I do not know kung magpapatuloy pa ba ako sa kan'ya dahil gusto ko talaga s'ya, naiisip ko 'yung babaeng nagugustuhan ko pero mas nangingibabaw talaga 'yung nararamdaman ko para sa kan'ya. Naisip ko rin na itigil na muna 'yung kung ano man ang nararamdaman ko sa babaeng nagugustuhan ko at tumigil na munang gumusto ng iba. Nakakapagod.
Iniisip ko kung magpapatuloy pa rin ba ako na gustuhin ang lalaking minsan nang nanakit sa'kin na isa rin sa dahilan kung bakit ako sumasaya, iniisip ko na baka naghihintay s'ya for her dahil na rin sa thought na nanghihinayang s'ya sa pinagsamahan at pagmamahalan nilang natapos na at s'ya nalang ang lumalaban. At nararamdaman ko na he's letting me go, he's like "Go, find the right one that will love you to the fullest. Will you hate me because of this? It's okay, I understand. I hope you don't forget me. And I wish for what makes you happy."
Sa'yo ako masaya, at masasabi ko na we're both waiting. The only difference is you're waiting for her while I'm here waiting for you.
Unknown
2019-2020
HUMSS
Others

No comments:

Post a Comment