Wednesday, January 27, 2021

YOU'RE FREE WHILE I'M NOT

Nagsimula ang lahat nung highschool tayo. Yung panahong masasaya pa ang lahat. Panahon na akala natin ay walang makakasira sating dalawa. Lahat ng mga pangarap ko ay kasama ka. Plinano ko nang lahat ng mangyayari sa buhay ko kasama ka kasi ikaw gusto ko makasama sa pagtanda.

Nagsenior high tayo, nag kaiba ang paaralan natin. Nag aalangan ka sa gusto mong kunin na strand pero sinuportahan kita sa kung anong gusto mo. Habang ako ay nag aaral, di mawala sayo ang pagiging selosa mo. Pero di mo lang alam na ang pagtingin ko'y tanging sayo lang.. Lagi kitang binibigyan ng assurance na sayo lang ako. Nagpupursige ako sa aking pag aaral dahil may pangarap akong gusto kong matupad. Habang ika'y nagtatanong na kung ano ba ang kukunin mo sa kolehiyo. Kasama mo ako sa iyong kalungkutan. Lahat ng paghihirap mo ikaw ay aking dinamayan.
Pero nag bago ang lahat nung ika'y humingi ng pagitan. Na kailangan mong huminga para sa iyong isipan. Nirespeto ko ang gusto mo. Sinabi mo na babalik ang lahat makalipas ang isang buwan. Nag intay ako ng lampas sa isang buwan, para lang malaman na ikaw pala'y sumasaya na sa iba ng di ko alam. Umamin ka sakin na di mo yun sinasadya. Pero bakit naman ganun pinag intay mo ako sa wala? Anlakas mo pang mag I Love You habang may iba ka na palang jowa. Sinabi ko naman sayo na sabihin mo lang sakin kung di na ako at kaya ko naman magpalaya.
Pinalaya kita para maging masaya kayong dalawa. Kinausap ko pa yung bago mo na sana ingatan ka nya. Na kung di na niya ang iyong ugali ay ibalik ka nya. Dahil pinaubaya kita sa kanya para maging masaya ka.
Ngayon, medyo matagal na panahon na din ang lumipas. Pero yung sakit nandito pa din at di ko mailabas. Akala ko kaya kong tanggapin ang lahat ng sakit para lang maging masaya ka. Pero hindi pala. Ngayon masaya ka na kasama mo sya, habang nandito akong nag iisa. Pero wag kang mag alala, dadating din ang panahon na kaya ko ng maging masaya kahit ako lang mag isa.
Ligalig
2017
Unknown
Unknown

PARA

Share ko lang. Last December lang to nangyari but until now kinikilig pa din ako at natutuwa hahahahahahaha

I was on my way back home nang alukin ako ng isang jeepney driver ng sakay because that time wala na talagang dumadaang pampasaherong jeep dahil nga medyo hapon-hapon na. He asked me kung taga-saan ako hindi agad ako nakasagot kasi medyo alanganin pa ako non kay kuya pero I know him, familiar s'ya sakin kasi nakikita ko s'yang bumabyahe with his jeep sa lugar namin. Hindi ko lang alam pangalan niya. So I told him na taga-*** ako then sabi n'ya, "Sumabay ka na sa 'kin papauwi na din naman ako. Madadaanan ko din yung sa inyo." Noong una kinabahan talaga ako kay kuya kasi we don't know each other personally pero wala rin naman akong nagawa kasi baka gabihin pa ako lalo kung maghihintay pa ako doon sa sakayan.
Along the way, nakaupo ako sa tabi ng driver seat. Tahimik lang kami non walang nagsasalita sa amin and ako nakikiramdam sa paligid at binabantayan ko talaga kung tamang daan pa ba yung tinatahak namin and as in habang tumatakbo ang jeep nakahawak ako sa bukasan ng pinto ng jeep (yeah I'm paranoid i know hahahahaha) then he turned to me and asked me, "Hindi ba anak ka ni ***?" I just nodded at him kasi talagang tensyonado ako. Then he added, "kumpadre ko yun, lagi ko yun nakakasama sa ***" that time nakaginhawa talaga ako goodness! Masyado akong nag-iisip ng mga kung ano-ano hahahahahaha
So ayon he started talking about him and my father at mga kwentong barbero and some other things Hahahahahahha sa totoo lang ang daling pakisamahan ni kuya kasi andaldal niya pala and pala-tawa.
As our way goes long nagtanong ulit s'ya sakin about my social status like my age and if I already have a boyfriend. Mariin ko pong itinatanggi na wala ako non charot! So si Kuya naman agad niyang binida anak niya hahahahahaha sabi pa n'ya, "Iyong anak ko 2nd year college, hanggang ngayon nga wala pang pinapakilalang girlfriend sa amin ng mama n'ya masyado kasi yun tutok sa pag-aaral n'ya pero sinabihan ko naman na okay lang sa amin na magka-girlfriend s'ya basta h'wag n'ya pababayaan pag-aaral n'ya. Ewan ko ba sa batang iyon bakla ata."
That time napalakas talaga ang tawa ko kay kuya HAHAHAHAHAHAHAHA grabe ka ha. Then i replied to him, " Hindi naman po siguro, baka lang po mas priority n'ya lang studies n'ya kasi gusto niyang maipagmalaki niyo s'ya."
He turned to me and smiled then he said, "Gusto mo ba ipakilala kita kay ***? Gwapo 'yun mana sa'kin."
Dios ko Lord! Na-speechless talaga ako kay kuya HAHAHAHAHHAHAHA aba'y anak niya ibinugaw na sa akin HAHAHAHAHAHHAHA Hay kuya kung alam mo lang I'm all free and single! Chos! So ayon tango-tango na lang ako kasi hindi ko na talaga alam ang sasabihin hahahahahaha
Hanggang sa makauwi ako I even tried to pay him for the ride pero ayaw n'yang tanggapin bumawi na lang daw ako sa kanya kapag naipakilala niya na sa'kin anak niya HAHAHAHAHAHAHA so ako naman ngumiti nalanh sa kanya at nagpasalamat.
Hi kuya! Salamat po sa libreng sakay at sa mga kwento mo. Totoo nga yung kasabihan nila na Drivers are sweet lovers kasi nalaman ko kung gaano mo kamahal ang pamilya mo. In just a short time, I enjoyed the ride with you po and thank you dahil nakauwi ako ng ligtas dahil sa inyo❤
Juanna
UNKNOWN
UNKNOWN
UNKNOWN

FORGIVENESS WILL SET YOU FREE

"Halaaa ang ganda ng dress mo bibili din ako ng ganto"

"Gusto ko din ng ganyan na hair"
"magkano yan? Pag iipunan ko din yan"
" san ka papasok? Dun din ako para magkasama tayo"
Nagsimula sa mga simpleng bagay na gusto ko ang mga gusto mo din. We were bestfriends since grades school. Im not a type of friend na madamot kaya lahat ng gusto mo kahit gusto ko binibigay ko. Hindi kita kailanman pinigilan na magkaroon ng mga bagay na katulad ng sa akin kasi naisip ko na yun siguro ang dahilan kung bakit tayo close. Na baka parehas kasi tayo ng mga gusto kaya naging mag beshie tayo. Im very much willing to share to you all the things that I have pero bakit ganun? Bakit pati sa lalaking mamahalin ko? Simula pa lang lahat kinuwento ko sayo kung pano ako nahulog sa kanya. Ikaw ang kasa-kasama ko sa bawat saya at sa lungkot na naranasan ko nung minahal ko siya. You was there to comfort me kapag nagkakalabuan kami kaya ansakit sa part ko na nakuha mo pa din itago sakin na may relasyon na pala kayo. Masakit na parang wala lang sayo na nasasaktan ako. Isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ko pero nakuha mo pa din akong lokohin.
To you my bestfriend, Pasensya kana nung nagalit ako nung nalaman ko na may relasyon na pala kayo. Tao lang din naman ako nasasaktan. Gusto ko lang malaman mo na pinatawad na kita kahit hindi ka humingi ng kahit isang sorry. Pinatawad kita hindi dahil nakalimutan ko na lahat ng sakit kundi dahil gusto kong makalaya. Ipag papa sa diyos ko na lang ang lahat. Sana maging masaya ang relasyon niyo.
And to the man I loved, Maybe I'm still hurting pero alam kong makakaya ko. Diyos na ang bahala sayo sa pang gagago mo sakin. Sana alagaan mo ang bestfriend ko. Sobrang sakit ng ginawa mo na hanggang ngayon natatakot na akong magmahal ulit. Maraming salamat sa masasaya at sa mga aral na naibahagi mo sa akin.
Hindi man madaling magpatawad. Palagi sana natin gawin. Mahirap magpatawad sa mga taong hindi naman hinihingi ang kapatawaran natin pero mas mahirap mabuhay sa sakit at galit. Hindi mabubura ng pagpapatawad ang sakit pero bibigyan ka neto ng panibagong pagkakataon para mag simula ulit.
Ps: Okay na kaming tatlo ngayon. Pinilit kong ibalik ang samahan namin ng bestfriend ko. Nagmahal lang din siya at biktima lang din ng mapaglarong tadhana.
Cassandra
2020-2021
HUMSS
La salle

KAIBIGAN "DAW"

I just wanna share my story to you.And I know naman na magiging lesson din ito sa ibang tao na kagaya ko.I hope na ma-post po ito to give awareness. Pakitago na lang ako sa pangalang Emerald.

I have this former best friend na palaging ako ang takbuhan sa mga financial problems dahil madali akong malapitan. Hindi naman kasi ako madamot.So, palagi siya humihiram sa akin at dahil nga generous at matulungin ako pinapahiram ko. Dumating sa point na kahit gamit ko hindi sinasaoli. Because I'm shy to tell her na kukunin ko na yun pinabayaan ko.
Years had passed, ganon pa din hihiram ng pera, hindi isasauli. Pinababayaan ko na lang muna. Kasi baka naman magbayad.Pero hindi. One time ibinenta ko sa kanya yung phone ko na nagamit na. Ibinigay ko na sa kanya ng 900.bNahulugan naman niya noong una, kaso noong katagalan na hindi na niya binayaran. Hinayaan ko na lang ulit.
Last wednesday, humihiram siya, hindi ko pinahiram dahil alam ko na gawain niya. Sasabihin niya manghihiram siya pero hindi naman babayaran. Nakakadala kasi. Magpapahiram naman ako kung nagbabayad siya ng kusa. Gusto ko naman talaga magpahiram dahil alam kong mahalaga yung paggagamitan kaso nga dahil sa nadala na ako hindi ko na lang pinahiram. Mukha ngang nagalit pa sa akin kasi nag-post pa.
I asked myself and my other friends. I asked them if okay lang ba na tumanggi, for them okay lang naman as long as hindi talaga marunong magsaoli.
And I realized na tama lang ginawa ko.
The reason why I shared this story to give awareness especially sa mga taong kagaya ko na generous pero inaabuso. I just wanna tell you na you should avoid that kind of people kasi toxic ang kagaya niyan. We don't need that kind of friendship.Na lalapit lang sa'yo if they need you.Learn to get rid of them in your life kasi hindi sila nakatutulong for you to grow.Hahatakin ka nila pababa.
AMETHYST
2020
BSED
BULACAN STATE UNIVERSITY

I ALWAYS PRAY TO GOD NA SANA WALANG MAGBABAGO

Last night I was with my boyfriend. Dun kasi ako natulog sakanila. And while he was watching a movie habang ni-wrap niya ako sa mga bisig niya, I suddenly felt the feeling of saying "I love you" to him. So bigla akong nagsalita habang nakapikit at nakayakap din sakanya, I said; "I love you, *insert ng call sign namin* ". Then he replied, "I love you too, *insert ng call sign namin*" sabay hinalikan niya ako sa noo. Alam niyo yung pakiramdam na the moment your man did that to you, sobrang nase-secured ka? Yung lahat ng mga problema mo sa buhay eh biglang makakalimutan mo muna ng sandali? Sobrang nakaka overwhelmed sa feeling as a woman.

After niya ginawa yun, bigla akong nagsalita ulit. Sabi ko, "Sana hindi ka magsasawa sakin" sabay napatawa ako ng mahina. Then he said, "Bakit naman ako magsasawa sayo e mahal na mahal kita tapos mahal na mahal mo din ako". Char lande ng lola niyo hahaha! Edi ayun, kilig kilig din sa part ko tas sabi ko "Eh kasi may times na bigla akong nang-aaway especially if approaching yung mens ko, bigla bigla nagbabago yung mood ko kahit di ko naman sinasadya". Sagot nya lang was,"Oo, okay lang yun. Normal lang yung ganun. Naiintindihan ko naman atsyaka sa ganung stage mo lang naman ikaw nagkaka ganon. Pag wala kang dalaw, hindi ka naman pala away at moody" sabay hinahaplos niya din buhok ko tas kiss sa forehead. Wala langgg, I just wanted to share this kasi kahit sa ganung paraan lang na actions eh ramdam na ramdam ko kung gaano nya ako kamahal and I am just very blessed to have him. Kaya lagi kong sinasamahan ng dasal na sana walang magbabago sa relasyon namin. At kung may magbabago man, yun ay yung changing for the better. ☺️
So ayun mga bes, sa mga walang jowa dyan, magtiwala lang kayo at darating din yung para sainyo. Always trust God's perfect timing. Lahat tayo ay deserve mahalin at pahalagahin. Just pray and ask for the right partner for you. ☺️
P.S: He's my first boyfriend po. Tho may mga naka fling ako noon at mga naka date, pero sakanya ako nagmahal ng totoo dahil sakanya ko lang nahanap yung mga bagay na pinagdasal ko kay God. 😊
Thank you for reading, ka-USF! ❤️
Cee
2021
BSBA
Unknown