Thursday, December 3, 2020

DOC, NASAAN ANG BABY?

Actually hindi na ako student. Gusto ko lang i-free up ang thoughts ko ngayon. Nagsimula kami ng BF ko no'n as friends bago pa kami nag-college. He's sweet kaya nagkapalagayan kami ng loob. Accountancy student siya at Pharmaceutical Sciences naman ang field ko. All I know...isa siyang mabuting lalaki kasi pareho kaming Top Student at writer sa Magazine ng school. I'm so inlove with him (back then). I'm so lost, so lost na kahit ang dignidad ko ay ibinigay ko na. We have each other on bed. We had SvX. Halos araw-araw pa nga. Paulit-ulit. Pvtvk sa labas... but one day nagpositive ang pregnancy test.

Takot na takot ako no'n kasi baka mapariwara ang buhay ko. Sobrang kaba ko no'n kasi medical student ako. Pero, may tiwala ako sa kanya. Until...
Inayawan niyang panagutan ang bata. I was a crack of doom for me. Nag-share kami ng body fluids pero sumama lang siya sa iba.
Halos na-depress ako no'n. I begged for him pero hindi niya ako pinanagutan. Kinausap ko ang family niya and they are on the take para panagutan ako pero hindi ang kanilang anak. I prayed a lot. I prayed to the deepest depth of miracle. Pero tinanggap kong siya ang naka-v!rg.n sa akin at nagdadala na ako ng tao ngayon.
But something bad happened.
It turns out na hindi pala ako nabuntis. That day, sobrang iyak ko. Lungkot na false baby pala at tears of joy na may new beginning ako. Naghihiyaw ako sa tuwa. Kasi that time pag-asa ang naramdaman ko.
I completed my Pre-med course, with flying colors. Nag-doctor ako sa isang university sa Davao, malayo sa kanila. Nagkita pa rin kami after ng lahat. Nag-break sila at single na siya ngayon. Habang ako, doktor na sa isang hospital.
Married na, at misis na ng kapatid niya.
Ka
2015
Others
Saint Luis University

BAYAD

I just want to share something that I'm holding for so long.

I was in grade 9 when this happened. Lumaki ako sa lolo't lola ko, produkto kasi ako ng broken family. Walang ina at walang ama.
Madaling araw nun ng atakihin sa puso ang lolo ko. Wala kaming matakbuhan nun ng isugod siya sa ospital mabuti na lang ay mayroon silang kaibigan na matandang lalaki na gumawa ng paraan para mabigyan ng gamot ang lolo ko. Unang nagbantay doon ang lola ko dahil siya ang kasama ni lolo ng isugod to sa ospital ngunit dahil kailangan ng pera para maibayad sa pagamutan ay ako na ang inutusan na magbantay. Sinundo ako ng matandang lalaki gamit ang motor niya at ipinilit na sa katawan niya ako yumakap kahit sanay naman akong sa likod ng motor humahawak ngunit dahil binilisan niya ay wala akong nagawa lapat na lapat ang katawan ko sa likod niya. Habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital ay inaya niya akong kumain kahit na madaling araw na nun, tumanggi ako ngunit siya ang nagpapaandar ng motor. Ilang ulit akong tumanggi hanggang sa makalayo na kami ngunit dahil tumataas na ang boses ko ay nagmaniobra siya pabalik sa daan papuntang ospital.
Nang makarating kami sa ospital ay walang pasabing bumaba ako ng motor niya at agad na tumakbo papunta sa lolo ko. Takot ako nun. Wala akong mapagsabihan. Pumasok siya at sumunod sa akin nun. Tinignan niya ang lolo ko at kinausap ang doctor habang ako nakaupo lang sa gilid.
Binigyan niya ako ng makakain at iniwan ako sa ospital. Nakahinga ako ng maluwag nun. Ngunit wala pang isang oras ng bumalik siya at dinala ako sa madilim na parte ng ospital, sinubukan niya akong halikan nun ngunit pinigilan ko siya kaya naman sa pisngi lang dumampi ang labi niya. Pagkatapos nun ay niyakap niya ako ng mahigpit. Mabuti na lang at may dumaan na doctor kaya naman binitawan niya na ako. At pagkatapos ay inabutan ako ng limang daan at umalis na.
Yung limang daan na binigay niya ay inabot ko na lang sa lola ko pangdagdag sa pambayad at yung pagkaing binigay niya ay ibinigay ko sa isang pulubi.
Totoo nga, kapag andun ka na sa sitwasyon na yun ay mawawalan ka na ng boses. Isang bangungot.
Hiningi niya ang phone number ko at ang ibinigay ko ay ang sa lola ko. Gusto ko mang hindi magbigay ng kahit anong numero ay wala akong magawa dahil sa UTANG NA LOOB. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi madudugtungan ang buhay ng lolo ko.
Simula ng araw na yun ay nawalan na ako ng pake sa mga pambabastos na nararanasan ko sa daan o kahit sa eskwelahan. Immuned na ata ako at lahat na ng kamay nila at mata ay may bakas na sa katawan ko.
Girls, kung maaari iwasan niyo yung mga taong akala niyo mapagkakatiwalaan. Piliin niyo sila o kung maaari ay wag kayong magtitiwala.
Minsan talaga kung sino pa yung marami ng sakit na pinagdaanan, siya pa yung lalo pang ilulugmok ng mga pangyayari.
ABUSED
201*
UNKNOWN
UNKNOWN

UTANG

So yun gusto ko lang humingi ng advise sa inyo madlang pips. Hindi naman to gaano ka big deal siguro sa iba but for me big deal to. Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa HAHAHAHHA eto na nga.

Yung byenan ko kasi may utang sakin na money. Nagkaroon kami ng mis understanding dati nung byenan ko tsaka yung isa niyan pang anak na babae so nagbukod na kami ng anak niya. May isang anak na rin kami. Gusto ko na kasi siya singilin dun sa pera na inutang niya sakin kasi need ko na talaga.
Masama bang singilin ko siya ng utang niya sakin? Alam niyo ayoko talaga siya singilin pero kasi for me, gusto ko siya matuto like lagi siya nangungutang samin ng anak niya tapos thank you na lang ganun? Baka sabihin ng iba diyan na. Eh ano naman? Nanay naman siya ng kalive in mo keme ganun.
Pero kasi guys I have history kasi sa kanya, hindi ko naman ugaling mamintang pero siya talaga suspetsiya ko na kumukuha lagi ng pera ko sa wallet ko dati nung hindi pa kami nagsasama ng anak niya. Everytime na makikitulog ako dati sa kanila pagkagising ko kinabukasan kulang na pera ko akala ko nung una namimissplace ko lang siya or nagagastos pero nasundan ulit, every rest day ko kasi sa work dati dun ako nakikitulog sa kanila.
Tapos nun one time, gusto ko na talaga malaman kung nawawalan ako or namimiss place ko lang yung pera ko. Dalawa kasi wallet ko nun yung isang wallet ko nilagyan ko ng 7k tig iisang libong buo siya, tapos nilagay ko lang sa bag ko. Tapos yung isang wallet ko yun yung tinago ko and nilagay ko sa ilalim ng unan. At yun pagkagising ko, nashock ako 6k na lang laman ng wallet ko na nasa bag ko tinago. Kami lang naman naiiwan dun lagi sa bahay kasi lahat ng kasama sa bahay e may pasok sa school at work, tinanong ko din nun yung anak niya na kalive in ko na ngayon na kung siya ang kumukuha pero hindi naman daw, naniniwala naman ako kasi kapag papasok na siya sa work gising ako, kasi ako ang gumigising sa kanya😅 at pagkaalis niya na lang ako ulit matutulog.
Tapos ngayon I'm trying na singilin siya sa utang niya pero parang ako pa ang masama at nangungulit tsaka hindi makaintindi? Hindi naman sa nanunumbat ako pero kasi parang sobra na siya? Like nung nanganak ako, siya nga ang nag aasikaso sakin nun sa Hospital, pero pagkalabas ko naningil siya ng 1k sa anak niya.
Tapos nung bininyagan yung anak ko siya ang nag luto, nag volunteer pa siya nun. Tas magrereklamo siya na wala daw siyang kinita nung araw na yun kasi siya ang nag asikaso sa binyag ng anak ko. By the way , nagtitinda kasi siya ng lutong ulam kaya ganun.
Basta everytime na may gagawin siya para samin maniningil siya at manunumbat. We didn't ask for it though. Nag vovolunteer siya, pero bakit naman ganun? Ayokong sabihin to pero mukha siyang pera. Sorry for the word pero yeah ganun siya.
Magalit na kayo sakin pero hindi niyo kasi nararanasan. Hanggang sa nagbukod nga kami gusto niya shoulder pa rin siya ng kalive in ko pagdating sa financial, may trabaho naman asawa niya at pati siya may side line. At isang anak na lang niya ang ang nag aaral.
So yun guys sorry kung napahaba, i super badly need your advice. I know admin secure naman pagkatao ko. Thankyou sa pagbabasa😊 Have a great day!
Nana
2018
HUMSS
AMA Computer Colleges

FAMILY ISSUE

Hi po.I just want to share my problem. I badly need advice. Pls hide my identity. Thankyou.

Kasal sa huwes ang mama at papa ko. 7 kami magkakapatid. Pangalawang panganay ako.
Wala Ng minor samin. Kaka 18 lang Ng bunso namin. Iniwan kami papa ko, 10y/o palang ako. Nakikitira kami sa mga kamag anak ni mama noon.
Walang sustentong binigay si papa. Basta nalang kami iniwan. Ayaw samin Ng mga kamag anak ni mama dahil siguro sobrang Dami namin. Ang hirap dahil Wala kaming sariling bahay. Nakagraduate nman kami Ng high school kahit mahirap. Nagka contact kami Kay papa pero halos 3x Lang siguro nagbigay tapus nagtago na ulit. Tinatago Rin sya Ng mga kamag anak nya samin.
Nakapagwork ako, sales lady,minsan crew. pero Wala parin kami sariling bahay. Puro upa.
Nakapag asawa nkaming 4 sa nagkakapatid. May work ako pero dahil nga sa pandemic nawalan ako Ng work. Di nako makatulong. ung iba Kong kapatid nakaasa lang po sa asawa Nila at may mga anak din.Wala kaming pambayad Ng upa. Mga 5yrs ago, nalaman namin na kinasal ulit si papa pero tinatago parin sya Ng pamilya nya. Pinabayaan namin dahil ayaw ni mama Ng gulo. Ngayon, nagka contact ulit kami kay papa. Alam na kung san sya nakatira. Nagbibigay sya sa panganay namin minsan kahit magkano. Pero hinaharang parin kami ng kapatid nya. Pero nagkasundo po kami Nila mama na ipakulong sya, since nagpakasal po sya ulit sa simbahan Ng legal at may 2 na silang anak. Dalawa po ang birth certificate nya kaya ngyari yun. 2yrs lang yata tanda sakin Ng asawa nya at balita namin, pati pamilya Ng asawa nya suportado nya. sobra sobrang insulto na samin yun. pinag aral din nya yung asawa nya hanggang college. Kung kami nga Hindi nya napag aral kahit elem man lang.
Anu po ba pwdeng ikaso sa kanya? Gusto po namin magbigay ng ultimatum na kung hindi po nya kami bibigyan ng perang pambili ng maliit na lupa at pampatayo bg maliit na bahay, ay ipapakulong na po namin sya.
Pls Sana po matulungan nyo ko.May nagsabi rin kasi na pag magfile kami ng kaso, magcocounter file po sya.Sana po matulungan nyo kami. Thanks po.
Ps. Bago pa sya nakapag asawa, pinaaral nya mga nauna nyang gf hanggang college. Hindi po makatarungan para sa iba Kong kapatid na di nakapag aral.
Pps. Wag nyo po kaming ibash na kesyo matatanda na kami. Karapatan po namin yun at responsibilidad nya samin yun. Nag aapply din kami ng trabaho pero hindi laging pabor samin ang sitwasyon. Wala kaming source of income ngayon. As in kami pong lahat magkakapatid. Sobrang hirap po ng dinanas namin mula dati at gusto kong ibigay kay mama ang para sa karapatan nya bilang legal wife. Matanda na rin po sya.
Pls Sana po matulungan nyo ko.May nagsabi rin kasi na pag magfile kami ng kaso, magcocounter file po sya.Sana po matulungan nyo kami. Thanks po.
Ate nyong Stressed, malapit Nang ma Depress 😥
2020
Unknown
Others

INUTIL

Hi admin i would like to thank in advanced if mapopost yung story ko. This might be a long story but will try my best to summarize it .
Hi! Tawagin nyo nalang ako sa pangalan na marie. College undergrad ako. Way back 2014 alam ko sa sarili ko na gusto ko maging nurse in the near future. But bfore that i took 2 courses already which I got failed multiple times kasi ayoko talaga and hindi ko linyahan ang mga numero. So going back to my story, 2018 im almost graduating but then i admit nagkamali ako ng sobra. Naging happy go lucky student ako during my lower yrs in college . Hindi kasi talaga ako nag ffocus sa mga minor subjects ko like PE and mga math etc. Nag focus ako sa major ko. So parang nawalan ako ng gana sabayan pa na nagkron kmi ng family problem that time.
Dahil sa pangyayaring yon nagkron kmi ng misunderstanding ni mama dahil hindi ako nkagraduate. Pero i prove myself to her. Naging call center agent ako for 1yr. Masaya ako na nakikita ko na kahit papano don man lang bawi na ko. Kahit 1k nalang matira sakin basta meron sila okay na ko . Ibbudget ko yon hanggang maka survive ako every pay out. Until last 2 weeks lang nagtalo nanaman kmi. Meron kasi syang kapatid na nasa australia and I suggest my mom if we could reach out with them. Kakaalis lang ng tita q last year. Plano na ibenta ng mom and dad ko ung bahay namin kasi sabi ng papa ko pag nandon na ko atleast dalawa na kmi makakatulong ng tita q sa buong pamilya. Tapos nung tinawagan nila ung tita ko malabo daw kasi kailangn may sponsorship. Kailangan daw mag asawa ako ng foreigner. I felt bad dinugtungan pa ni mama na mag asawa ka nalang ng puti.D ko napigilang masigawan sya dahil meron akong bf actually. Three years na kmi and ung bf ko ldr kmi pero plinaplano na nya magpakasal kmi kapag open na flight saknila btw, indian sya. So ayun, sabi ni mama "bakit ano ba mapapala mo sa indian mo?kaya ka ba buhayin nyan? Ang bobo mo , ikaw yung pinka bobo sa lahat. Simula ngayon wala na kong anak, mararanasan mo din yan kapag naging nanay ka na."
Ayan nalang ung mga narinig ko skanya . Naluha nalang ako sabi ko bakit ako ? Ako lagi ung mali. Naiintndhan ko naman ung puno't dulo ng galit nya. Kasi hanggng ngyon sinusumbat nya sakin yung gastos nya simula nung nag aaral pa ko sa nursing . Naiintndhan ko ung gastos. Kaya nung nag work na ko lahat mg pera ko nasaknila na para wala na masabi. Kahit magkanda utang utang ako na di ko na din sinabi saknila kasi gusto ko masaya lang.
To my mom, di ako magpapakahipokrita pero masama talaga ung loob ko. D nalang ako nagsasalita at nagkkulong nalang ako sa kwarto . Magiging nanay ako oo pero di siguro ung hahantong na halos isumpa ko ung anak ko dahil lang sa galit ako nung araw na un.
PS. Kaka resign ko lang sa work ko and gusto ko muna ng peace of mind kaya nagpapahinga muna ako parang depressed ako di ko pa feel mag work.
Atemongbobs
2018
OLFU
Others