Friday, March 25, 2016

There is nothing a coffee and cupcake can't solve

Madalas tambay ako sa Starbucks Dapitan kasi malapit lang sa AB. Dun ako nag-aaral maganda kasi yung ambiance. Suki na ako dun. Kilala na nga ako nung mga barista at kuya guard dun. Hanggang lumipat ako sa may carpark. Mas malaki kasi at feeling ko mas safe kasi nga nasa loob ng Ust. Duon nakita kita syet ang gwapong barista. Napatulala ako nun nung oorder na ako. Sabi mo miss what's your order ako naman ahhh parang hindi ko maintindihan yung sinabi mo. Kasi all I knew that time was you captivated my heart. Tall, dark and handsome ka. Simula nun lagi na akong nag-iistarbucks sa may carpark just to see you. Kabisado mo na nga yung favorite frappe ko everytime na pupunta ako diyan. One time nakasalubong kita sa Pnoval and you asked me to have a lunch together. Yes pumayag 3rd year student ka pala sa Feu ako naman 2nd year and you are planning to shift in Ust. Hanggang after a year nakapagshift ka na sa Ust. Lagi na tayong magkasama nun. Duon tayo nag-aaral sa lover's lane. Student assistant ka na din sa may library. Lagi mo kong hinahatid pauwi sa bahay namin. Naging constant yung pag-uusap natin. You were very special to me ganun din ako sayo. Tapos nalaman ko pala may girlfriend ka pala tapos ang sweet sweet mo sa akin. Kafling lang pala ako sayo. Nakakainis kasi hindi ko muna inalam. Hinayaan kitamg mapalapit sa akin hanggang mafall na ako sayo pero wala hindi siguro tayo ang para sa isat'isa. Sabi mo nun sakin sorry and you were willing to give up your relationship just to be with me. Pero hindi ako selfish ayoko makasira ng relationship. So I decided na lumayo sayo hanggang we lost our contacts. After three years without having a contact with each other. Naisip ko na iistalk ka sa fb and nakita ko na single ka na. Pagkatapos nun wala na hindi na kita inistalk ulit. Hanggang nung mag-apply ako sa isang company sa Ortigas. Dun ka din pala nagwowork. Yes, medyo awkward pero wala naman akong magagawa diba? Hanggang nagbonding ulit tayo nun. And after how many months niligawan mo ko. Sinagot naman kita
after three months. Hindi man masaya o ganun kadali yung relationship natin pero masasabi kong kinaya natin iconquer lahat ng challenges na dumating sa atin at ngayon happily married na tayo together witn our two kids. Advance Happy 12th anniversary Mahal!

Munchkin
2003
AB

March 18, 2016

Araw ng kasal. Nagising ako ng may ngiti sa labi. Naisip ko ang babaeng pinakamamahal ko at kung ano na kaya ang ginagawa niya ngayon. Siguro inaantok pa siya dahil alam kong napuyat siya kagabi. Siguro habang nilalagyan siya ng makeup at nakapikit ang kanyang nga mata baka nakatulog yun, antukin yun eh. Naalala ko, nong college palang kami, nakatulog siya sa gitna ng field ng grandstand kahit katirikan ng araw Siguro habang kinukuhaan siya ng litrato nakasimangot na yun, ayaw na ayaw niya kasi na pinapangiti siya ng ibang tao maliban sa akin. Kahit sa graduation photo niya hindi siya nakabgiti. O siguro naman namomoblema na yun ngayon isuot ang gown niya na masikip daw at nagrereklamo na mataba na daw siya kahit na hindi naman. Hindi na bale, kelangan ko na din maghanda. Excited na kong makita siya mamaya.

Lalaki ako kaya hindi ko na kelangan ng mabusisi na paghahanda katulad ng mga babae lalo na kapag kinakasal. Agad akong natapos at kinakabahan na sumakay ng kotse papuntang simbahan.

Pagdating ko sa UST church ay binati ako ng mga tao. Mga ilang kaibigan ang aking namukhaan at nginitian. Saksi ang ilan sa aming pagmamahalan. Sinuklian nila ang aking ngiti, ang iba ay alanganin. Bakit kaya? May masama bang nangyari sa kanya?

Pumunta ako sa puwesto ko sa harap ng altar. Nilagay ang dalawang kamay sa aking bulsa at palakad lakad habang wala pa siya. Manaka naka ay sinusulyapan ko ang relo para tignan ang oras at nakikiramdam sa mga tao sa paligid. Hindi na ko nakatiis at naglakad ako palabas ng saktong dating ng bridal car. Nakahinga ako ng maluwag at inannounce na dumating na ang bride. Bumalik ako sa pwesto ko kung saan kitang kita ko ang nakasaradong pintuan ng simbahan. Ng bumukas ito ay nasulyapan ko ang pinakamagandang babae sa tanan ng buhay ko. Naisip ko kung gaano ko siya kamahal at lahat ng aming pinagdaanan. Nakangiti siya at ang mga mata niya ay nakatutok lang sa harap. Dahan dahan siyang naglalakad habang tumutugtog ang kanta na napagkasunduan namin noon na siyang tugtog kapag naglakad siya papuntang altar. Ng makarating siya sa dulo ay niyakap niya ang kanyang mapapangasawa at sabay silang humarap sa akin. Ngumiti ako at nagsalita:

"Family and friends, we are all gathered here today to celebrate this joyous union of..."

The Forbidden Love

This is our love story. 3rd year college ako nun sa Ust. Habang ikaw graduating na. We came from different colleges. Bat way back highschool we were schoolmates. Kilala mo ko kasi we had common friends at magkalaban tayo during student council elections. We were both running for P.R.O at that time. Hindi magkalayo yung votes na nakuha natin nun. But in the end you were the one who was elected. Even you were not so serious nung mga panahon na yun kasi parang wala ka naman magawa yung trip mo lang talaga na tumakbo sa election without any intention to serve our school. Hindi ako magtataka na mananalo ka kasi sikat ka sa campus natin. Gwapo ka kasi at kilala bilang MVP sa basketball. Matangkad ka, slim, maputi at chinito. So nag-apply na lang ako bilang volunteer under your team. Nakakainis kasi wala kang ginagawa sa council nuon. Tambak yung mga gawain pero sa amin mo pinapasa. Dumating ang college life parehas pala tayo ng university which is Ust. For the three years ng stay ko dito sa Uste never kita nakita or nakasalubong man lang. Until one time habang papalakad ako sa carpark para maglunch nakita kita. Hindi ko alam kung ikaw ba yun o kamukha mo lang kasi mas lalong pumogi. But yes, ikaw nga yun kasi tumigil ka sa paglalakad and you said "Uy kumusta ka na? Sabi ko Hi! Ok lang naman ako" then we had a minute conversation. Long time no see nga kasi hindi man lang nagtatagpo yung landaa natind dito sa school. Kakain ka din pala ng lunch nun kaya niyaya mo ko at sabay na tayong kumain. Sabay tayo ng schedule kaya madalas sabay tayong maglunch. Marami tayong kwento para sa isa't isa for the past three years na hindi tayo nagkita. Naging super close na natin nun na sabay tayong pumupunta at nag-aaral sa library. Dumating yung time na nafall ako sayo siguro dahil lagi kitang kasama. Naattached ako sayo dahil sa sweetness na pinapakita mo sa akin. Then nung nasa library tayo studying for the coming prelims nagulat ako kasi may inabot kang paper asking me to court you. I didn't know what to answer pero napasabi akong yes. Everytime we were together you made me special. Few months ka na nanligaw sa akin at naisip ko na rin na sagutin ka. Hanggang one day may date tayo somewhere in Quezon City. Sira yung kotse mo kaya sabi mo wait for me at magtataxi na lang ako. Sabi ko next time na lang kaya at busy ka pa din. Pero you insisted to have a date with me. Dun ko naisipan na sagutin ka na rin sa favorite place natin kung saan tayo laging nagdadate na resto. Napaaga ako ng dating nun siguro mga 30 minutes I was there before the exact time ng meet up natin kasi nga excited na akong sabihin yung yes ko sayo. Hanggang 7pm na yun yung usapan na time natin wala ka pa din. Alam ko naman na hindi ka nalalate kaya nanibago ako. Sabi ko baka natraffic ka lang kasi nga rush hour din. Hanggang 30 minutes ka ng late, 1 hour, 2 hours at umabot ako ng 3 hours na nag-aantay sayo. Text ako ng text sayo hindi ka nagrereply. Nakailang missed calls din ako sayo pero hindi mo naman sinasagot. Tinanong na ako ng waiter kung anong order ko pero sabi ko may inaantay pa ko. Naiinis na ako nun but I tried na huwag ituloy kasi nga sasagutin na kita that time. Hanggang may tumawag sa akin yung mommy mo sabi niya hindi ka na daw makakarating iyak siya ng iyak. Sabi ko naman tita ano po bang nangyari? At sinabi niya na nacar accident ka daw. Tumulo na yung luha ko nun at pinapunta niya akong ospital sa may St. Lukes. I was speechless at that time. Araw-araw kitang dinadalaw sa hospital. Umaasang gigising ka na from comatose. Grabe kasi yung head injury mo nun pero alam ko na matapang ka kaya alam kong kaya mo yan. After three weeks sa ICU I heard the bad news bumigay ka na daw. Ang laki ng pagsisisi ko nun. Sana hindi na lang pala tayo nagplanong lumabas. Iyak ako ng iyak. Two years na mula noon pero sariwa pa rin sa akin yung mga nangyari. Hanggang ngayon ikaw pa din yung nasa isip at puso ko. Hindi man naging tayo pero masaya ako na dumating ka sa buhay ko. Lagi kitang napapaginipan maybe it's your way para magkita ulit tayo. Sayang lang at hindi ko sayo nasabi kung gaano kita kamahal when I had the chance. Sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon at alam kong dadating ang pagkakataon na magkikita ulit tayo at tutuparin natin ang love story nating naudlot. Pero sa ngayon long distance relationship muna tayo. Hindi man sa mundong ibabaw pero papatunayan nating may forever sa langit.

Hopeless
2008
AB

Maria Ozawa meets Crisostomo Ibarra

Pariwala yan ang buhay ko. Ako yung babaeng walang pakialam sa pangarap sa buhay. Puro singko at muntikan pang madebar. Two timer ako siguro nga kasi maganda at sexy daw ako. Marami akong manliligaw at laging nakikipaghook up sa bar. Minsan nakipagsex pa ako sa may asawa dahil sa isang pustahan. Yes, marami akong naging boyfriend at kafling. Karamihan sa kanila nagparaos sa akin at nakasex ko na. Buti na lang hindi ako nabuntis. Para kasi sa akin hindi importante yung virginity and I just wanna have fun and explore everything. Dumating pa nga sa point na professor ko ang nakafling ko muntik ng maging kami pero wala namang nangyari sa amin. Then, nakilala kita. Naging kaklase kasi kita sa Stat. Wala talaga akong gusto sayo nun at ganun ka din sa akin kasi alam mo naman na pinagchichismisan na ako sa room. Para ngang diring diri ka sa akin. Kahit magkatabi lang tayo never mo akong kinausap. Matalino ka nga pala at gwapo yung datingan mo parang si Crisostomo Ibarra na naghahanap ng kanyang Maria Clara. Tapos one time nakita mo kong umiiyak kasi yung boyfriend na minahal ko ng sobra niloko ako. Hanggang dun nagstart yung friendship natin. Tapos naging tayo na nga I offered you to have sex with me but you resisted. For six years we were together wala pang nagyayari sa atin. You knew my past but yet you had a big respect to me ans you didn't care about virginity.

Maria
2010
AB

Nakatulog x Nagkalovelife

Ganito siya nagsimula. Nakasabay kita sa bus biyaheng farview. Gabi na yun halos walang masakyan. Punuan kasi rush hour kaya no choice ako. Siksikan nun at inaantok na din ako kasi ang aga kong nagising. Yung pumasok kang walang araw at uuwi kang wala na ding araw. Katabi kita noon kaya kahit gwapo at cute ka hindi na kita pinansin kasi antok na antok na ako. Hanggang napasandal na pala ako sayo noon. Hindi mo inalis yung ulo ko sayo. Hindi mo din ako ginising Hinayaan mo lang ako na nakasandal sayo. Hinawakan mo pa yung balikat at ulo ko kasi nagtutulakan sa bus. Hanggang sa may bumaba ginising mo ako at pinaupo. Tapos nakaupo ka na ri. ng may bumaba ulit. Doon hindi ko namalayan na nakasandal na naman ako sayo. Antok na antok kasi ako sobra. Tapos nakalagpas na ako sa babaan ko na Philcoa. Putcha na yan oh. Ikaw SM Fairview ka pala bababa. Kaya ginising mo ako nun. Nauna akong bumaba. Sa sobrang pagmamadali ko naiwanan ko pala yung book na dala ko. Hindi ko man lang napansin. Napakaimportante pa naman nun sa akin sa accounting pa ha. Hanggang pagkatapos ng ilang araw. Inadd mo ko sa fb. Nagulat ako kung pano mo ko nahanap yun pala dahil sa libron na naiwanan ko sa bus. Hanggang napag-usapan nating magmeet-up sa may main para isauli yung libro ko. Tapos kinuha mo na yung number ko. Hanggang ngayon five months and counting na pala tayong naglolokohan joke text palang. Buti na lang at single tayo pareho kaya hokage moves na ituuu.

SleepingBeauty
2014
AMV