Monday, March 14, 2016

Just Dated A Player

"One night, I was able to surf the net eventually someone messaged me. At first I was shocked napatayo ako sabay isang ""p*tang*na"" then I asked my boardmate who is also a feu student ""uy kilala mo ba tong player na to?"" And she said ""oo yan yung team A FEU MBT player"" Nag chat kasi sya, and I decided to stalk him first, AND CONFIRMED!! Sya nga tangina haha. I entertained his message and then little by little we talked like we're close friends, our conversation lasts until 2:00 am. Hindi ko ineexpect that he will asked for my number and esp. yung linyang ""may bf ka na ba?"" Syempre ako naman napatalon ng alas dos ng madaling araw tangina naman kasi muntik pa kong sapakin ng boardmate ko. We exchanged photos thru messenger. After a while he invited me to hang out with him. Ako pa ba tong magpapabebe eh player na yon jusko po!

After that night nape-pressure na ako, sa dinami dami ng damit ko I don't know what to wear tangina naman kasi hahha! Hanggang sa nagsawa ako eto na nga lang bahala na!

At eto na nga this is the day. Takte ayoko na ngang matulog eh. I'm going to meet the giant wtf haha. At ayun na nga nagkita na kami. It's not my first time to be with the varsities but he is different from the others. *I feel like there's a lot of butterflies in my tummy, sugar in my mouth, sparks that touches my skin and a heart-shaped in my eyes* we kissed and we exchanged SOULS syempre alam nyo na yon haha! ""It feels like heaven to touch oh I wanna hold him so much"" mapapakanta ka nalang talaga.

But of course I always put in my mind that he is a player. ""A player that plays a ball and has the chance to play my feelings at the same time."""

Ellen Adarna
2015
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

Touch and Go

Para sa’yo na nakatabi ko sa bus papuntang Buendia (January 01, 2016):
New Year nun pero pinili ko pa ring lumuwas papuntang Manila para maiwasan ang maraming pasahero. Haggard. Pagod.Puyat. Gutom. Ilang oras kami naghintay ng kapatid ko sa Calapan Port (Oriental Mindoro) para makasakay ng barko. Magdidilim na ng makarating kami ng Batangas Port. Sa di kalayuan, may kasabay ang barko na sinakyan ko na dumaong. Bangka lang sya. Galing Puerto Galera. Napansin ko agad kase maingay at madami. All boys. Halos nga mapuno na yung bangka ng ‘squad’ nila. Hiyawan. Puro groufie pababa ng bangka. Natatawa ako kase mukhang mga first time.
Sa dami ng beses akong pabalik balik ng Mindoro t’wing sembreak at bakasyon, ganun din kadami ang pantasya ko na balang araw makakatabi ako ng gwapo. Hindi nga ako binigo ng tadhana. Kung kelan wala sa isip ko yung mga ‘gwapu-gwapong katabi’ na ‘yan, saka naman kita nasumpungan. 75% ng pasahero sa bus ay foreigners. Foriegner ka at alam kung mapapalaban ako ng English-an. Mukha kang Arabo pero sabi mo African ka. Wala akong choice nun kundi tumabi sa’yo dahil wala nang bakante. Wapakels ako nun kung gwapo ka or what, ang mahalaga lang saken e makauwi na. May itsura ka (pero hindi ako gwapong-gwapo. Mataas standards ko. Lul) Marunong naman akong mag-English pero nung tinanong ko kung pwede kong ayusin yung aircon, wrong gramming ako. Lately ko na lang naisip na iba nga pala ang meaning ng “Do you mind” at “Would you mind”. Kaya pala nung tinanong kita na “Do you mind if I.. (turn it off) ?” ( *nag-gesture na lang ako na papatayin ko yung aircon), ikaw mismo yung nag patay pero ngumiti ka agad kahit we’re total strangers. (Wala e, matagal na kong hindi nakakapag English, hirap na ko maka-construct ng sentence).
Dun nag-start convo natin. Hindi ako palaimik pagdating sa guys but with you, everything were perfectly fine and natural. Wala, tawa lang tayo ng tawa. Siguro dahil hindi ka rin naman magaling mag English, ganun din ako. Kumbaga, may sari-sarili tayong grammar. Walang kyeme. Hindi ako na-concious na nakikipag-usap ako sa lalaki. Ang feeling ko kase pag ganun, malandi ako. Hindi magandang tingnan. Ang lagi kong pray sa trip ay mabilis ang byahe pero that time, I prayed na sana trafiic para kahit papano mapatagal pa usap natin. Ang alam ko lang nung nag-uusap tayo, ang gaan. Ang gaan-gaan. Ang dami mong kwento at ang dami kong natutunan sa culture and religion mo na Islam. Halos yun kase yung topic natin, pansin ko lang. Medyo hilo ako sa byahe dahil wala pa kong lunch e 6pm onwards na nun. Kaya sabi ko I’ll take a nap for a while. Nakangiti mong sinabi: “Really? You are sleepy?”, siguro hindi ka convinced kase wagas akong makatawa sa mga joke mo a while ago. The next thing you did was you lend your earphones. One for you and the other one for me. Hindi ko na pinansin, antok na talaga ako. Hinintay ko na lang yung choice of music mo na papatugtugin. Habang nakapatong ulo ko sa bag ko, may nag-play na (Akala ko pa nga African songs e). Gusto ko yung kanta na yun, hindi ko nga lang alam title kase sa FM ko lang sya napapakinggan. “Yun yung sinasayaw ko t’wing nagpi-play, ah”, isip-isip ko. Natuwa ako kase same tayo ng type ng music. Tas parang napansin ko, pangit pagkaka-download mo. Tumutigil. Namamatay-matay. Namamatay-matay ulit. Naulit na naman. Parang hindi naman talaga maganda quality nung kanta, sinulyap ko ng konti isa kong mata.. At aba! Nakangiti ka habang nakatingin saken! (Kelangan pa talagang i-check kung natutulog talaga ako?) Ngumiti na din lang ako, nabawasan tuloy antok ko. Kinabukasan ko lang nalaman nung sinearch ko yung kanta na yun. ‘LEAN ON’ pala title. Nagplay tuloy sa utak ko kanta ni Bieber na…’ What do you mean?’ That time ba, you want me to lean on your shoulders? (Feelingera!)
Malapit na tayo sa terminal at nagtutulog-tulogan pa rin ako ng kinalabit mo ko at sinabing hindi mo pa alam pangalan ko after all the kwento. Para valid, I lend you my ID and you lend yours in return. Hirap naman basahin name mo . Kung tatanungin mo ko, gusto ko rin malaman name mo. Naisip ko yun habang pinipilit kong makatulog. Nun lang ako nagkaroon ng ganun kalakas na loob --to take the first move. Ayaw ko kaseng masayang pagkakataon nung time na yun. Nun ko lang yun na-feel na, kaya ko pala yun gawin kapag tama yung pagkakataon. I was really glad na ikaw yung unang naglakas loob to ask. Naalala ko, hindi ko pinakita mukha ko in my ID dahil throwback na throwback face ko dun. Hindi mo rin pinakita sa’yo (quits lang). Pero there’s one thing I gave you. I gave you a 1x1 picture of mine na I always kept in my coins purse. Dahil feeling ko, you deserve to have one. Siguro dahil may takot ako na hindi na tayo magkikita ulit. It’s now or never- feeling. Wala, I just want you to remember my face para kung magkikita man tayo ulit, pamilyar pa mukha ko sa’yo. I’m good at remembering faces kase.
Pababa na ko sa terminal ng bigla kang tumingin ng parang natatakot and then you asked: “Can..I have.. your..number?” . Halatang nahihiya ka. First time ko sinabihan nun at dahil pabebe ako at gusto kong marinig ulit, pinaulit ko. Gusto ko kase with conviction mo itanong. You did repeat it. With confidence this time. I typed it ng madalian at bumababa na ng bus. Huli ko na ng naisip na parang biglang nag-blank nung tinype ko. Siguro air shuffle yan, e hindi naman ako familiar sa ganung phone; but still, I didn’t mind that time dahil ako na lang yung hinintay bumababa. Nakakahiya kay Manong driver at sa ibang paasahero na ang bagal ko kumilos. Nag-worry ako bigla na baka hindi mo nasave o whatever. E nakababa na ko, wala nang chance para mahabol kase umalis na rin yung bus agad. But I didn’t lose hope tho (I told myself: Nasave nya, nasave nya). On the other hand, I didn’t have a chance to ask yours. Binagyo kase lugar namin sa Mindoro at blown-out pa rin simula nung bumagyo (kahit nga nung pasko at New year) dead bat phone ko and I didn’t have ballpen either ( Haay, napaka-perfect timing naman tadhana!). Noon ko lang naintindihan na hindi lahat ng nakikipagpalitan ng number ay malandi. Malandi agad? Hindi lahat. Matured lang siguro to take chances. Totoo ang sabi ng isa kong Psych Prof na “Hindi mo mahuhusgahan ang isang bagay hanggat hindi mo nararanasan.”
Ilang beses kong sinearch name mo sa fb and Instagram pero walang lumalabas. Ginoogle ko na, wala rin. Sa pagkakaalam ko, Master ako dagdating sa pagi-stalk. But this time, I failed. Every time, I always check my phone kung magre-reach out ka because you have my number naman..pero wala namang unknown number na nagtetext o tumatawag. Siguro, the moment na bumababa ka ng bus, nakalimutan mo na lahat..sa akin kase kabaligtaran because after I jumped out of the bus, dun ko lang narealize na nakakakilig pala yung nangyari… Na tan*ina, SPARKS yuuun! Ako lang ba yung na-hook? Ang alam ko ikaw rin e. Kaya nga ninja moves ka. Mali na umasa ako na hindi pa yun yung end ng story natin, I know. Ba’t kase feeling ko destiny yun? Feel na feel ko pa yung mga quotes na ‘Everything has its own reason’ – chuchu. Hindi ako hopeless romantic, ah. Romantic lang. Ta****a naman kase, hiningi mo pa name at number ko!! Nagkaron tuloy ng delusion ang lola mo! Hindi mo alam compliment saken lahat ng nangyari dahil for the first time in forever, may naglakas loob din na humingi ng number ko at makipag-usap sa mataray at may ‘relaxed bitch face syndrome’ na babae. Naku, aasa talaga ako nun! Joke lang, naniniwala akong magkikita pa tayo. Kelangan mo pa isauli 1x1 ko, no! Joke! I know that was not ‘sparks’. It is a beautiful LOVE story to be continued..’hanging’ pa lang sya ngayon (B*LLSH*T!!). “It is not the end of the story if it’s not happy ending”, sabi nila. Right. See you in the future. I know you’re somewhere there in Baguio. Studying Civil Engineering. Bakasyon ka naman ulit sa Puerto Galera, oh? Hindi kase ako yung tipo na susuungin lahat dahil makakapag intay naman ako sa possibility . (Alangan naman ako pa yung pumunta ng school mo para lang mahanap ka? Wag ganun). Don’t worry, hobby ko ang mag-intay. I’m patient enough to wait. Sa tamang panahon, we’ll have the chance to talk and see each other. Again.
Nun ko lang unang naramdaman yung unexplainable feeling na sinasabi nila. Antagal ko yung inintay. Akala ko dati kapag nag-intay lang ako tas yung moment na yun e dumating na, happy ending na agad. Hindi pala, mag-iintay pa pala ulit ako ng kontiwasyon. Hindi ko naman alam na kelangan ko pala munang magmukhang gag* para sa lint*k na forever at happy ending na yan!
You took the first spot of my romantic experience and yet you left me clueless here, asking and waiting kung magre-reach out ka. Alam kong hindi mo makakalimutan name ko kase kaapelyedo ko yung favorite football player mo.
PS: English to dapat para maintindihan mo man kung mabasa mo. Sana sa susunod na magkita tayo, hindi na “Joke lang po” alam mong tagalog. Sana naman that time, alam ko na rin ang difference ng ‘would’ at ‘do’ in interrogative sentence. Tsaka bakit sabi mo CU ka nag-aaral? Wala namang CU sa Baguio ah, sinearch ko. Baka naman SEE YOU gusto mo sabihin."

Hanunuo
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Monday, March 7, 2016

EPIC

Pinaghihinalaan ko na noon pa ang boyfriend ko na may ibang babae kasi palaging busy. Ang tagal mag reply at madalas naka patay ang phone. Never akong nag complain sa kanya about dun pero mahinahon ko siyang tinatanong kung bakit. Reason niya school works. Then this day came na nagkaroon ako ng instinct hulihin siya.

Tanghali nun at alam kong vacant day niya. Tinanong ko kung nasan siya then sabi niya nasa dorm lang daw siya. So ako pumunta ako mismo sa dorm nila ng tropa niya. Buti bukas ang pinto ng main door. Dahan dahan akong pumasok.

Pinapakinggan ko ang pinto ng kwarto kasi naka lock at naiyak ako sa mg narinig ko. May babaeng boses na parang nag mo-moan ksabay ng tunog ng pag yugyog ng kama. Nag dadalawang isip ako kung papasukin ko ba kasi nanghihina talaga ako sa mga narinig ko. Ang sakit sakit palang maloko ng taong mahal mo.

Isang iglap nawala ang lungkot ko at napalitan ng galit. Kinuha ko yung gitara niya sa sala. Sinusi ko yung kwarto, oo binigyan niya ako ng copy kasi nag ii-sleep over ako sa kanila minsan. So sinusi ko. Binuksan ko ang pinto. Pagka bukas na pagkabukas hinampas ko ng gitara sa ulo. Napasigaw sa gulat yung babae dahil tumutulo sa kanya ang dugo sa ulo. Napasigaw din ako.

FVCK! DORMMATE NIYA PALA YUNG GUY NA NAKAPATONG SA BABAE! Maya maya pumasok yung boyfriend ko sa maindoor na bumili lang ng bigas sa tindahan. Nataranta at tinatanong kung anong nangyare.

Sumagot yung dormmate ng boyfriend ko.

"Yang girlfriend mo pre. Pinalo ako ng gitara sa ulo! P*TANG INA!" (Habang pinipigilan nya ang pag sirit ng dugo sa ulo niya.)

Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa nung mga oras na yun.

Duguan si kuya. Ang laki ng tahi sa ulo. Ilang stitches din. Shet. O___OHiyang hiya ako.

Sobrang tamang duds ko kasi.

Ipinakita sakin ng boyfriend ko lahat ng ginawa niyang plates na project nila for finals. Ang dami. Kaya naman pala siya busy.

Sorry po. Tanga lang po. Peace kuyang dormmate ni AJ na taga Tech! Di ko po sinasadya.

Ngayon alam ko na. Hindi palaging tama ang instinct ng babae. Madalas paranoid lang.

Tamang duda
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Sweetest Goodbye

"Simula nung una ko siyang makita may kakaiba na sa pakiramdam ko. Yes, nalove at first sight ako. Napahinto ako at napatingin sa kanya ng sobrang tagal na para bang huminto talaga lahat ng tao sa paligid ko. Feeling ko pinana ako ng paulit-ulit ni kupido eh. Normal naman ang magandahan at humanga sa isang babae pero sa kanya.... Grabe ang naging interes ko. Madalas ko siyang nakikiga everytime na lalabas at papasok ako ng room sa EB205. Yun pala sila pala yung laging next na gagamit ng room na yon kaya palagi ko siyang nakikita at dahil din don siguro kaya ako naglakas loob na tanungin yung classmate niya kung ano ang pangalan niya then nung nalaman ko na, agad-agad kong hinanap yung account niya sa fb and finally nakita din. Halong lungkot at saya yung naramdaman ko nung nakita ko. Bakit? Masaya dahil makikita at mai-istalk kita araw-araw at malungkot naman dahil famous pala siya sobra, ang daming followers. Nawalan agad ako ng pagasa na baka hindi nya mapansin ang isang tulad ko. Pero naglakas loob padin ako na makipagkilala sa kanya dahil sobra talaga yung paghanga ko sa kanya.

Then, One time uwian ko na at nagmamadali akong lumabas ng room dahil may pupuntahan akong birthday at sa di inaasahang pagkakataon napatigil ako sa paglalakad ko nung nakita ko siya... Nakita ko siyang may kasamang iba at magkayakap pa. Simula noon nawalan na talaga ako ng pagasa na mapansin niya ako. Lumipas ang ilang mga araw niyaya ako ng mga kablock ko na sumama dun sa GLOW party ng IABF so ako naman sumama kasi gusto ko maexperience yung mga ganung event. Nung nandun na kami, biglang may isang pumasok at lahat kami ng mga kasama ko napatingin. Siya nga.... SIYA NGA!!!! Si crush ko dumarating. Sabay biglang tingin sakin ng mga kablock ko at todo ang pangangantyaw. Hindi ko alam kung bakit umiiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nagtatago ako sa tuwing nariyan siya samantalang hindi niya naman ako kilala. Pinilit ako ng mga kablock ko na magpapicture sa kanya pero ako todo tanggi dahil nahihiya. Pero ayaw talaga magpaawat ng mga kaibigan ko kaya pumayag na ako. (CHOOSY PA)

Pagkatapos ng party at uwian na. Pagkadating ko ng bahay naisipan kong i-message sa kanya yung picture naming dalawa at sinabi niya na i-upload ko at itag ko siya. Sabi ko naman ""hindi po kita matatag kasi di tayo friend"" then she replied ""ay ganun po ba? Wait. Ayan na po na-add na kita "" simula noon naging friends na kami sa fb, wala ng araw na dadaan nang hindi ko siya kausap. Nageenjoy at masaya ako sa tuwing kausap siya. Siya kasi yung tipo ng babae na kalog. Yung magkekwento ng kung anu-ano about her life and about her family. Madaldal siya sobra, sa sobrang daldal at kulit niya mahuhulog at mahuhulog ka talaga. Then one time, naitanong ko sa kanya kung may boyfriend siya? Ang sagot niya, WALA. Nabuhayan agad ako ng loob at tinanong ko siya kung sino yung lalaki na kasama niya at nakita ko silang magkayakap. Sabi niya sakin ""Ah yun ba? Hahaha. Kaibigan ko yun at bakla yun"" Ayun pagkatapos ng lahat ng yon madalas na kaming magkausap tuwing gabi. Chat,text etc. lalo akong nahuhulog sa kanya, lalo akong naging interesado na makilala pa siya kaya naitanong ko yung kaibigan ko kung ano ba ang dapat kong gawin kung makikipagsiksikan pa ba ako sa sobrang dami ng nanliligaw at umaaligid sa kanya o hahayaan ko nalang? ""Edi lumaban ka, may the best man win ika nga tol. Huwag agad susuko"" yan ang sabi sakin ng kaibigan ko. Sabagay, ang love parang sugal din pwedeng matalo, pwedeng manalo. Pero syempre hinding hindi ka mananalo kung hindi ka marunong tumaya. So, tinuloy-tuloy ko yung pagiging sweet ko sa kanya and mas ipinaramdam ko pa na interesado ako sakanya.

Then one day, nasa school ako kachat ko siya at nakikipagkita siya. Nagmamadali akong umuwi ng bahay para makapagpalit ng damit at manghiram ng pera sa kaibigan ko dahil syempre nakakahiya naman siguro kung lalabas kami wala akong pera. And yun nagkita kami sa may mamalengs sa may lerma. She's with her mom. Ang inexpect ko kaming dalawa lang at kakain sa labas. So yun yung unang araw na nakasama at nakabonding ko siya sobrang saya ko talaga dahil sa kanya. Lumipas ang ilang mga araw nagtuloy-tuloy padin ang pagiging magkaibigan naming dalawa then i suddenly asked her if it is okay kung liligawan ko siya. And she said YES! Ohmygod. Hindi ako makapaniwala grabe talaga yung saya ko nung araw na yun. Dumalas ang paglabas labas naming dalawa, nameet ko na family niya, at iba pa nilang mga kamag-anak. Lumalim ng lumalim ang samahan naming dalawa at sobrang sweet sa isa't isa. I'm from Manila and siya naman sa Marikina. Medyo malayo kami para sa isa't isa. Ngunit hindi naman kahit papaano naging hadlang yung pagiging long distance namin. Madalas inaabot nako ng madaling araw kapag nasa kanila ako at naranasan ko na makitulog dahil sobrang layo pa ng uuwian ko. Naging pasaway ako sa mga magulang ko. Sarili ko lang ang iniintindi ko hindi ko inisip na may magulang din ako na nagaalala para sa akin. Pero dahil sa labis na kagustuhan kong makasama siya kinagalitan at kinaiinisan ako ng family ko.

For almost 3 months na panliligaw. Finally, sinagot nya na ako. Hindi tlaga ako makapaniwala para bang gusto kong sumabog nung mga oras na yun sa sobrang tuwa. Imagine, kung dati hanggang tingin lang ako sa kanya pero ngayon girlfriend ko na siya. Sobrang sarap pala sa feeling na makatuluyan mo yung babaeng pinapangarap mo at gustong-gusto mo. Kaya naman ginrab ko na yung chance na maipakita sa kanya kung gaano ko talaga siya kamahal. Kung gaano ako kasigurado na siya na yung babaeng gusto kong makasama sa buong buhay ko. Na siya na yung babaeng gusto kong iharap sa altar. Sa kabila ng lahat ng sayang pinagdadaanan namin, hindi maiiwasan sa buhay ng tao yung mga mahihilig makisawsaw. Yung tipong alam na may boyfriend na yung tao pero hindi marunong dumistansya, hindi alam kung ano ang limits nila. Hindi nila alam na nakakasakit at nakakasira na sila ng isang relasyon. Madalas namin napagtatalunan at napagaawayan ang pagseselos ko sa mga lalaking umaaligid sa kanya. Paulit-ulit na nangyayari to sa aming dalawa. Dumalas ang away, bangayan gabi-gabi. Minsan nahahayaan nang matulog ang isa't isa nang hindi kami nagkakaayos. Lumala ng lumala yung damage sa relasyon namin. Hanggang sa isang araw dumating na yung pinaka kinatatakutan kong mangyari. Yun ay ang mawala siya. __ Yes, bumitiw na siya, iniwan na kong nagiisa. _ Mahirap pala talaga makabangon kapag nahulog na.

Babe, alam ko mababasa mo ito at nais ko lamang sabihin sayo na mahal na mahal pa rin kita. Hindi ko alam kung bakit. Lagi ka pading nandito sa puso ko, lagi padin kitang iniisip. Madalas inaaliw ko nalang ang sarili ko para tuluyan nang malimutan ka. Pero tuwing gabi bago ako matulog. Iniisip ko padin. Iniisip ko padin kung paano tayo humantong sa puntong ito, na isang iglap nawala nalang lahat. Nawala na lahat ng mayroon tayong dalawa. Oo mahirap, mahirap dahil wala kana sa akin. Pero sa tingin ko mas mahirap kung mananatili parin tayong dalawa kung palagi lang natin nasasaktan ang isa't isa. I think it's better for us to let go na talaga. Pero eto lang ang masasabi ko sayo. Ikaw lang ang mahal ko mula noon hanggang ngayon. Ikaw lang yung babae na minahal ko ng ganito na masasabi ko sa sarili ko na kulang ang habambuhay para mahalin ka. Siguro hindi pa ito yung tamang panahon para sa ating dalawa. Alam kong huli na para sabihin pang mahal kita kaya paalam aking sinta dahil tayong dalawa'y sa panaginip na lang muling magkikita pa."

Tong
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

Story

This is a story of my grandfather.

Way back 1970's my grandfather applied in a company for an hr assistant position but he got rejected. He know that he did his best pero ininsulto pa siya ng interviewer kasi naka tsinelas lang siya.

Then he promised to himself that someday, he will return. Nag work siya abroad. Na-promote ng na promote hanggang sa yumaman.

Then he came back here in the Philippines and he bought the whole company from a chinese businessman.

Sa pagbabalik niya tinanong niya yung nag interview sa kanya. "Do you remember me?" Then the interviewer answered, "No sir." My grandfather replied, "I want you to wear slippers whenever you enter my company."

Just a funny and inspirational story from my lolo. Sabi niya maging aral daw yun dahil ang mundo raw ay bilog, kung nasa baba ka ngayon pero nag sikap ka, mapupunta ka sa itaas.

Apo
2010
Other
FEU Tech