Wednesday, June 2, 2021

KASAL (Part 3)

Tinanong na nga niya ako kung may nanliligaw na raw ba sa akin. Binabara ko lang siya pero umamin din naman ako na walang nanliligaw sa akin.

"Salamat naman kung ganun."
"Huh? Bakit ka naman nagpapasalamat?"
Medyo pabebe ako. Feeling ko kase ang bata ko pa eh. Kahit may idea na ako sa mga sinasabi niya pero ayoko lang mag-assume.
Hindi niya sinagot ang tanong ko kung bakit siya nagpapasalamat bagkus sabi niya,
"Mahilig ka ba sa chocolates?"
"Depende, kung may almond or peanut."
Tapos sabi nya," ah, send ko sayo wait lang."
Tapos inabot ako ng kagagahan dahil sa mga nababasa kong confession ng online seller. Sabi ko,
"Nagbebenta ka? Wala ako pera eh."
HAHAHAHAHA ANG HIRAP MAGPIGIL NG TAWA LALO NA KUNG HATING GABI NA.
Ang babaw ng kaligayahan ko. Hindi ko napansin na ang nakaraang inis ko sa kanya, nahahaluan na ng saya.
Tapos sabi niya hindi niya raw binebenta. Bawal daw kase sa kanya yung matatamis kaya bigay nya nalang daw sa akin. Tapos pinakita yung chocolates.
Ang sasarap kahit nasa picture palang iba't ibang klase ng chocolate mga seven siguro yun tapos may malalaki pa na bar. Galing daw sa kuya nya na seaman.
Kahit nakakarupok at gusto ko ng hingin pero sabi ko ayoko tapos sabi ko sa mama niya nalang ipakain, sa papa niya or dun sa bagong kasal. Haha! Sayang!
Habang ka-chat ko siya kausap ko rin si JJ, yung kapitbahay nga nila na kaibigan ko rin. Kinukwento sa akin na pinapalandakan daw sa facebook niyang si JL na cute siya at pogi. Masyado raw siyang confident sa looks niya.
Tapos pagtingin ko nga hahaha yung real name nya may cute na nakalagay sa huli. Hindi naman halatang nagmamayabang siya, pero in fairness may maipagmamayabang naman talaga. Singkit, maputi tapos malinis sa katawan. Laging may headband na black.
Hindi mahahalata na teacher siya. Anyway, dakilang guro pala ang kuya niyo JL.
Fast forward. Consistent ang pagparamdam niya, hanggang sa sinabi niya kung pwede siyang manligaw. Sasabihin daw niya sa mama niya na manliligaw siya. Realquick! Baka makasuhan tayo niyan? Nakakatakot magjowa ng teacher dahil studyante pa lang ako.
Pero sabi ko, "Ayoko magpaligaw."
"Pero gusto kita ligawan ..." Dami pa niyang sinabi.
Sinabi ko rin sa kaibigan ko ang mga pinagsasabi niya sa akin kaya tinuruan nila ako sa isasagot.
"Ayoko sa cute." Iyan ang ni-reply ko sa kanya. Dahil daw masyado siyang mayabang sa looks niya.
"Ay di naman ako cute, sino nagsabi na cute ako. Wala ako nun." Aba! Nawala bigla cuteness na pinagmamalaki niya sa social media.
"Cute ka kaya. Pero ayoko kase talaga sa cute eh."
"Hindi nga sabi ako cute."
Ang childish masyado ng usapan naming dalawa. Pero ayoko talaga magpaligaw eh. Nakaka-trauma na kase magjowa.
Kinabukasan nag-chat na naman si JL. Manliligaw na raw siya. Nagsabi na raw siya sa mama nya. Nagulat ako nun kase ayoko talaga tapos natakot ako baka magpunta siya dito sa amin. Kaya ginawa ko, nilagay ko siya sa ignored messages tapos unfriend. Hindi ko na siya pinansin.
Andami niyang chat na nasa ignored message at andami niya ring share sa facebook tungkol sa pag-unfriend na nababasa rin ng mga kaibigan ko at kapitbahay ko.
May alam na rin yata yung mga magulang ko tungkol sa amin.
Lagi nalang ako binibiro ng nanay at tatay ko. Na kahit kumanta lang ako sasabihin gumanda daw boses ko simula nung kasalan. Iba daw kapag nahalikan.
Kapag bagong ligo ako sasabihin parang ngayon lang daw ako naligo simula nung nag-abay ako. Or ang sipag ko raw ngayon. Iba raw talaga kapag nahalikan ng tatlong beses.
Minsan ilalagay nalang basta ni papa yung kamay nya sa noo ko sa pisnge at leeg ko tapos tatawa na siya.
Pwede ba makipag palit ng nanay at tatay? Joke! Ewan ko ba supportive rin sila sa lovelife ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kay JL. Hanggang sa kailangan ko pumunta sa bahay nila. Isasauli ko kase ang long dress na ginamit ko sa kasal ng kapatid niya.
Inday
2021
Unknown

IN REPLY TO: KASAL (Part 4)

So ayun na nga ako na magpapatuloy ng part 4 na ito. Totoo po lahat ng nabanggit sa confession ng kasal. Opo ako po 'yung naka-partner niya sa pagsuot ng garter.

Itutuloy ko na lang sa part na nilagay niya ako sa ignored message tapos inunfriend pa ako. Grabe feeling ko sobrang sakit nung nagawa niya kasi nainis ako at first time ko talaga mam-block ng tao higit sa lahat babae pa. Oo binlock ko siya dahil in-unfriend niya ako. Ma-pride ako eh, sorry baby!
Tapos after two days in-unblock ko rin siya. Rupok diba?
Pagtingin ko sa message ko himala nag-chat siya at sinabi niyang "Hindi naman ging block" feeling ko tuloy ang sama kung tao sa part na yon haisssttt!
Well totoo naman na sabi ng karamihan sadboi daw ako. Ewan ganon talaga ako pero alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Sa mga nagtatanong sa akin bakit ambilis? Eh walaa eh na-love at first kiss ako sa kanya.
Ngayon lagi niya ako sine-seen sa message ko sa kanya tapos lagi siyang busy.
Naiintindihan ko naman, hanggang sa naramdaman ko na lang na parang wala na akong pag-asa sa kanya. Sadboi ulit. Sinabi ko sa kanya na,
"Malaya ka ng makakadaan dito sa bahay kase di mo na ako madalas makikita."
Akala niya aalis ako but of course not. Hindi ako aalis at kung sakaling bigyan niya ako ng kahit konting chance ipaparamdam ko talagang special siyaaa sa araw araw.
Wala na kasi akong balak pakawalan siya if ever na maging kami. Pero tinatanung ko sarili ko bakit ganun siya sa akin? Naasar ba siya? Hindi ko talaga alam paano siya pakikisamahan.
Gusto ko siyaaa, super. Gusto ko siya at sorry hindi talaga ako tumitingin sa itsura at kayamanan.
Nagustuhan ko siya bilang siya pero parang wala akong pag-asa sa kanya. Everytime na dumadaan siya dito sa amin lagi ko siyang tinitingnan. Pero hindi man lang nalingon o namansin.
Two years single na ako pero ngayon lang ulit ako kinikilig sa babae at sa kanya pa yun. Sa kanya pa na ang laki ng 'trust issue'.
Hey!
Alam kong mababasa mo 'to. Ako na ang gumawa ng kadugtong para sayo. Bigyan mo naman ako ng pag-asa aba! Pangako, pagbubutihan ko. Saksi buong FEU sa pagmamahal ko sayo.
JL
2021
Unknown

DESTINY

Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas kasi langya gustong-gusto talaga akong paglaruan ng tadhana.

Hi I'm Freya at sobrang lapitin talaga ako ng mga gägöng lalaki. Two years ago, grabe yung iniyak ko dahil lang sa isang lalaking hindi deserve ang luha ko.
He's supposed to be my first boyfriend kaso hindi natuloy kasi nakahanap ng iba habang nililigawan ako. Sobrang sama ng loob kasi sasagutin ko na dapat siya.
Pero way na rin yata ni Lord yun para sabihin sa akin na "hindi siya yung tamang tao para sa unang oo mo".
Simula noon mas natutunan kong mahalin pa yung sarili ko and hintayin ko na lang yung nilaan ni Lord para sa akin. I ask for his signs. Sabi ko Lord gusto ko pong humingi ng sign. Gusto ko malapit sayo yung lalaking dadating para sa akin. And I guess destiny is fückïng playing again.
It was last friday of February nang mangyari to. I'm a born again christian and may pakulo kaming mga kabataan na mag-overnight every last friday of the month. Sinabihan kami ng president namin na pwedeng mag-invite para raw marami kami.
Then Friday came.
Okay naman sa umpisa and marami talagang um-attend kasi may mga na-invite yung iba sa amin. Syempre nag-mass muna kami and after that may pakulo yung leader namin.
Dahil daw February naman, connected sa love ang magiging activity namin. Dito na nag-umpisa ang kahihiyan sa buhay ko na never ko yatang makakalimutan.
May binigay samin na tatlong colored paper na naka-shape into hearts. May nakasulat na "thank u for being my friend" "iloveyou" "i want to know you more".
Isulat daw namin sa baba yung name ng gusto naming pagbigyan then personal naming ibibigay sa kanila yun.
Nagsimula na nga and puro friends lang naman nagbigay sakin. Akala ko tapos na pero huta tumayo bigla yung kaibigan ng isang kasamahan namin.
Lumapit siya sa akin at nagbigay ng colored paper. Hindi naman kami close sa isa't-isa kaya sigawan talaga nung nakita nilang binigyan niya ko ng papel. Binigyan niya ko ng colored paper na may nakasulat na "i want to know you more".
Naging tampulan tuloy kami ng tukso buong gabi. Nag-movie marathon kami and pinagtabi talaga kami ng president namin para daw mas magkakilala kami.
Syempre nahihiya ako kaya di ko siya kinakausap, nagp-phone lang ako. Nagulat ako biglang nag-friend request!
Tiningnan ko agad siya tapos sabi ba naman "accept mo na ko, sa chat tayo mag-usap hindi muna sa personal kasi nahihiya rin ako". Ay demanding!
Lakas makapagsabi ng nahihiya ang hinayupak eh dahil din naman sa kanya kaya kami nagkakahiyaan.
Ewan ko ba kung anong ipinaparating ni Lord kasi sabi ko gusto kong malapit sa kanya yung makilala ko kaya literal na sa simbahan ko nakilala. By the way hanggang ngayon magka-usap pa rin kami. Pero ngayon hindi na siya mahiyain. Napaka-walanghiya na siya.
Freya
2021
Unknown

SULYAP (PART 2)

Nababasa ko yung mga comments niyo ha ano ako magfi-first move? No way! Ako na nga nag-friend request eh ako pa ba mauunang mag-chat.

So eto na nga. Kinabukasan nun syempre tambay na naman ako sa harap ng tindahan namin. Gägö habang naglalakad sila, kung dati isa lang sumusulyap sakin, ngayon halos lahat na sila. Nakarating na siguro sa radar ng mga loko na gumagalaw na torpe nilang tropa.
Edi ako isang sulyap lang then balik na agad sa phone yung tingin ko kasi nakakahiya talaga. Then noong mga bandang alas tres na, lumabas na sila uuwi na yata. Pero mali na naman ako dahil papunta sa direksyon ko ang mga guy. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero nagawa ko namang panatilihing seryoso yung mukha ko.
"Yah pabili kaming softdrinks."
"Yah may boyfriend ka na?"
"Number mo daw iyah natotorpe lang tong si Ivan."
Mga gägö hindi ba nila napapansin na ang awkward na ng sitwasyon namin? Pero syempre hindi pa rin ako papaapekto kahit para na kong tanga at pati yung tropa nilang torpe!
Nasa gilid lang siya nakatingin sa may daan hiyang-hiya na rin yata sa sitwasyon namin! Mga higit tatlumpu't minuto din nila kaming inasar-asar kasi alam nilang hiyang-hiya na kami.
Kinagabihan nakahiga na ko habang nagpo-phone. Omyygghhaadddd!! Ginalaw na ni Ivan ang baso mga mare. Nag-chat siya sakin nagso-sorry. Sabi niya,
"Sorry."
"Hindi ko kasi sila napigilan eh."
"May bibigay pala ako bukas peace offering."
Tignan mo nga naman, dati pasulyap-sulyap lang ngayon may pabigay-bigay na.Improving!
Yung ngiti ko abot langit na Haha! Excited na'ko for tomorrow. Charot ang OA ko naman masyado! Pero seryoso kung sakaling mangligaw kayo unang makakaalam!
Saksi buong FEU kapag sasagutin ko siya. Naks kuya JL peram muna ng linya mo ha haha.
Iyah
2021
Unknown
PUP

SULYAP

Nabasa ko yung LOSE STREAK at halos same kami ng story ni ate girl! Kabaliktaran naman yung sakin, so here goes mine.

Hi I'm Iya. There's this guy na lagi kong nahuhuling tumitingin sa akin sa tuwing dumadaan sila ng mga barkada niya. Dumadayo sila lagi sa kapitbahay namin which is barkada rin nila para lang makipag-ml or cod.
May tindahan kasi kami and sa harap ng tindahan namin may tambayan so pwede kang umupo doon. Dahil nga mainit, lagi akong umuupo sa labas, so kapag dumadaan sila sa harap namin, kitang-kita ko.
One time nahuli ko siyang tumingin na naman kaya ang ginawa ko hindi ko na siya nilubayan ng tingin hanggang sa makapasok sila sa bahay ng kapitbahay namin.
Akala ko hindi na lilingon eh ang tibay lumingon ulit Hahaha! Nahiya siguro sa akin kasi nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
May pagka-assumera ako mga mare kaya iniisip ko talagang may gusto sakin yun haha.
So kinagabihan, kakatapos lang naming kumain kaya inatupag ko muna yung phone ko. Nakatambay kasi ako sa facebook kaya nung may isang notification, automatic tiningnan agad.
Mare nag-friend request!
Ginawa ko vinisit ko timeline niya para i-check lang kung siya ba talaga. Hindi ko muna in-accept pero pansin kong maya't-maya nawawala yung friend request niya. Aba! Mukang reader to ng FEUSF ah. Baka nire-remove niya pagkatapos i-add ako ulit.
Syempre dahil medyo malandot ako, ako na ang nag-friend request. Nakakahiy naman sa kanya ano.
Wala pang isang minuto in-accept na agad! Nakooo kuya!
Alam kong nagbabasa ka dito kaya baka makita mo to!
Ano? Hanggang friend request ka lang ba sa akin? Hanggang sulyap na lang ba? Napakahina mo namang nilalang!
Iya
2021
Unknown
PUP