Wednesday, June 2, 2021

KASAL (Part 3)

Tinanong na nga niya ako kung may nanliligaw na raw ba sa akin. Binabara ko lang siya pero umamin din naman ako na walang nanliligaw sa akin.

"Salamat naman kung ganun."
"Huh? Bakit ka naman nagpapasalamat?"
Medyo pabebe ako. Feeling ko kase ang bata ko pa eh. Kahit may idea na ako sa mga sinasabi niya pero ayoko lang mag-assume.
Hindi niya sinagot ang tanong ko kung bakit siya nagpapasalamat bagkus sabi niya,
"Mahilig ka ba sa chocolates?"
"Depende, kung may almond or peanut."
Tapos sabi nya," ah, send ko sayo wait lang."
Tapos inabot ako ng kagagahan dahil sa mga nababasa kong confession ng online seller. Sabi ko,
"Nagbebenta ka? Wala ako pera eh."
HAHAHAHAHA ANG HIRAP MAGPIGIL NG TAWA LALO NA KUNG HATING GABI NA.
Ang babaw ng kaligayahan ko. Hindi ko napansin na ang nakaraang inis ko sa kanya, nahahaluan na ng saya.
Tapos sabi niya hindi niya raw binebenta. Bawal daw kase sa kanya yung matatamis kaya bigay nya nalang daw sa akin. Tapos pinakita yung chocolates.
Ang sasarap kahit nasa picture palang iba't ibang klase ng chocolate mga seven siguro yun tapos may malalaki pa na bar. Galing daw sa kuya nya na seaman.
Kahit nakakarupok at gusto ko ng hingin pero sabi ko ayoko tapos sabi ko sa mama niya nalang ipakain, sa papa niya or dun sa bagong kasal. Haha! Sayang!
Habang ka-chat ko siya kausap ko rin si JJ, yung kapitbahay nga nila na kaibigan ko rin. Kinukwento sa akin na pinapalandakan daw sa facebook niyang si JL na cute siya at pogi. Masyado raw siyang confident sa looks niya.
Tapos pagtingin ko nga hahaha yung real name nya may cute na nakalagay sa huli. Hindi naman halatang nagmamayabang siya, pero in fairness may maipagmamayabang naman talaga. Singkit, maputi tapos malinis sa katawan. Laging may headband na black.
Hindi mahahalata na teacher siya. Anyway, dakilang guro pala ang kuya niyo JL.
Fast forward. Consistent ang pagparamdam niya, hanggang sa sinabi niya kung pwede siyang manligaw. Sasabihin daw niya sa mama niya na manliligaw siya. Realquick! Baka makasuhan tayo niyan? Nakakatakot magjowa ng teacher dahil studyante pa lang ako.
Pero sabi ko, "Ayoko magpaligaw."
"Pero gusto kita ligawan ..." Dami pa niyang sinabi.
Sinabi ko rin sa kaibigan ko ang mga pinagsasabi niya sa akin kaya tinuruan nila ako sa isasagot.
"Ayoko sa cute." Iyan ang ni-reply ko sa kanya. Dahil daw masyado siyang mayabang sa looks niya.
"Ay di naman ako cute, sino nagsabi na cute ako. Wala ako nun." Aba! Nawala bigla cuteness na pinagmamalaki niya sa social media.
"Cute ka kaya. Pero ayoko kase talaga sa cute eh."
"Hindi nga sabi ako cute."
Ang childish masyado ng usapan naming dalawa. Pero ayoko talaga magpaligaw eh. Nakaka-trauma na kase magjowa.
Kinabukasan nag-chat na naman si JL. Manliligaw na raw siya. Nagsabi na raw siya sa mama nya. Nagulat ako nun kase ayoko talaga tapos natakot ako baka magpunta siya dito sa amin. Kaya ginawa ko, nilagay ko siya sa ignored messages tapos unfriend. Hindi ko na siya pinansin.
Andami niyang chat na nasa ignored message at andami niya ring share sa facebook tungkol sa pag-unfriend na nababasa rin ng mga kaibigan ko at kapitbahay ko.
May alam na rin yata yung mga magulang ko tungkol sa amin.
Lagi nalang ako binibiro ng nanay at tatay ko. Na kahit kumanta lang ako sasabihin gumanda daw boses ko simula nung kasalan. Iba daw kapag nahalikan.
Kapag bagong ligo ako sasabihin parang ngayon lang daw ako naligo simula nung nag-abay ako. Or ang sipag ko raw ngayon. Iba raw talaga kapag nahalikan ng tatlong beses.
Minsan ilalagay nalang basta ni papa yung kamay nya sa noo ko sa pisnge at leeg ko tapos tatawa na siya.
Pwede ba makipag palit ng nanay at tatay? Joke! Ewan ko ba supportive rin sila sa lovelife ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kay JL. Hanggang sa kailangan ko pumunta sa bahay nila. Isasauli ko kase ang long dress na ginamit ko sa kasal ng kapatid niya.
Inday
2021
Unknown

No comments:

Post a Comment